read.cash Log in
@ruby0622

Simple Snack Nagpaluto kanina mga dalaginding ko ng bananacue mas makatipid rin kasi kapag magluto nalang kaysa bumili isang stick nasa kinse pesos na tapos dalawang saging lang na maliliit. Mas masarap pa kapag ako nalang magluto haha yun sabi ng mga anak ko :) binobola pa ako haha mas masarap nga naman kainin kapag mainit init pa :) Naging abala rin sa araw na'to kaya pasilip-silip lang dito. Daming pinagkaabalahan at mamaya kaunti aalis naman puntang church may praktis ng kanta para bukas (Sunday service). Walang maiwan sa dalawang anak ko kaya isasama ko mamayang 10pm pa out ni hubby sa work. Hindi ko pwedeng iwanan sila dito sa bahay dahil gabi na at baka matagalan kami sa praktis madalas 8:30pm na kami natatapos. Kumusta ang araw nyo Noise fam! Ang bilis ng araw weekend na kaagad. Isang mapagpalang araw ng Sabado at mag-iingat tayong lahat.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.