Ready for Delivery Medyo malayo ang may-ari ng mga furniture items na'to kung saan nila i-deliver sa maynila pa :) Ang dami rin ng inorder ng customer may kamahalan pa isang item nito kapag maraming pera talaga parang bumili lang sila ng kendi sa dami ng binili :) Ang gaganda rin ng pinagawa nila mas gusto ko yung swing sarap diyan magrelax hehe. Ang dalawang lounge lang naiba kulay blue pero may halo na kaunting puting kulay :) lahat kulay puti na malinis talaga tingnan kapag white ang kulay. Kaya medyo busy kanina tumulong rin nagbalot sa mga items nakakapagod rin mag-wrap pagpawisan ka din parang nag-eehersisyo kana rin :) Praise God! Kasi kahit pandemic hindi parin nawawalan ng customer mga biyenan ko. Ang dami nilang orders na ginagawa. Kahit pandemic marami parin sagana sa pera kagaya nitong mga customer ng mga biyenan ko luho lang ito sa bahay nila kasi kung maging praktikal lang talaga hindi naman kailangan bumili ng ganito kamahal na gamit sa bahay pero dahil may sapat naman sila na badget at sagana pinansyal kaya walang problema. Pero sulit naman ang produkto nabili ng mga customer dahil magaganda at pangmatagalan talaga ang gamit :) Sila rin naman ang pipili ng kulay at design na gusto nila. Kumusta kayong lahat?Sa ngayon ito tinabihan ko mga anak ko para makatulog kaagad ang lalaki na pero kailangan tabihan parin ng mama para daw sila makatulog kaagad :) Have a great and blessed day Noise fam!
5 comments
wow ganda nman ng business mo sis
Sa mga biyenan ko yan na business sis :)
ah ok nice. ganda yan. for sure laki din ng naging puhunan nila
Sana successful na maayos na madeliver kaingay
Salamat sis...naideliver nila ng maayos thank you Lord.