Pasalubong ^_^ Nakabisita ang aking mga biyenan galing Tagaytay kaninang umaga at nakakatuwa may dala uli silang karneng baka at may pa-breakfast din galing kay jobee :) Dalawang kilo ng karneng baka ang dala nila tig-isang kilo ng buto-buto at pangsteak. Nakatipid kami sa badyet at masarap pa ang ulam, mga gulay nalang binili ko dinamihan ko na ng gulay ang Nilagang baka. Makakatikim lang talaga kami ng ulam na karneng baka kapag nagdala mga in-laws ko :) Hinati ko sa dalawang lutuan ang karneng buto-buto at pangsteak stock lang muna sa freezer masyadong marami ang isang kilo para sa amin. Ang ganda pa ng karne hindi siya malitid lalo na yung laman o pangsteak. Ang generous talaga ng mga biyenan ko kaya tuwang-tuwa mga kiddos kapag nandito sila binibigay kasi agad kung anong gusto o hinihingi nila :) Happy Lunch Noise fam. Have a great and blessed day!
1 comment
Napakapalad mo sis nagkaron ka nang mabait na byanan ganyan din kasi byanan ko kapag nagpunta dito lagi may dala yong anak ko tuloy sabi mama mas gusto kopa si nanay kaysa kay lola(which is yong mama ko) haha natawa nalang ako sissy