Diner BBQ
Tinamad na magluto kaya bbq ang aming hapunan, hindi kasi nakaluto kaninang tanghali dahil nabusy sa mga estudyante ko magreview bumili lang din lutong ulam kaninang pananghalian. Madalas kapag nagluto akong ulam pananghalian kasama na talaga ang hapunan para isang lutuan lang, tipid oras gas na rin initin mo nalang :)
Si mister ang pinabili ko nitong bbq, sabi ko isaw sa akin namiss kong kumain nito. Ang sarap din kasi ng bbq at suka ng binibilhan namin gaganahan ka talagang kumain hehe.
Ang sabi ko bbq lang ang ulam na bilhin itong si mister bumili pa ng pares talaga naman itong asawa kong nagdadiet daw pero laging bukas nalang ang isasagot sayo. Sabi ko panalo na talaga si mommy niya sa challenge nila dahil hanggang ngayon ilang days nalang Christmas na pero ilang kilo pa lang nabawas haha. Niloloko ko iready na niya ang 15k na pambayad sa mommy niya wala akong pang abuno hahaha. Sabi naman niya kaya pa daw may isang buwan mahigit pa siyang chance magstart na daw talaga siya bukas sa diet food niya hoping talaga magseryso na hehe.
Pero ang sarap ng timpla ng pares inalis ko ang mga taba na lumulutang para hindi na makain pa hehe.
Seasoning Grinder
Mapagpalang hapon! Magbreak time daw muna kami sa pagreview sabi ng aking panganay :) Si bunso ang naunang nireview ko kaninang umaga hanggang alas tres pagkatapos ang ate naman niya ngayon, gutom na daw ang bilis ng oras maghahapunan na naman. Na-wow mali talaga ako kanina akala ko talaga first quarter yung booklets na binigay sa panganay ko, sa second quarter na pala yun hindi kasi nagbabasa hahaha. Kaya pala nung tiningnan ko ang pointers bakit hindi ko mahanap wahaha.
May dumating na naman na delivery kanina itong si mister ang hilig mag order ng hindi ko alam magugulat ka nalang may delivery na dumating mabuti hindi ganun kalaki ang halaga. Dinaig pa ako hindi ko nga naisip na bumili ng ganyan grinder na ako lagi sa kusina haha. Sabi ko dapat isa lang binili niya para sa pamintang buo lang hindi naman kailangan yung sa asin bibilhan rin. Kasi may iodized salt ako na bote sinasalinan ko lang ng rock salt. Ang sabi niya mura lang naman daw at maganda ang lagayan nasa 75pesos din ang dalawang seasoning grinder, kasama na shipping kaya pwede na rin.
Nakapagluto naba ng hapunan?nag iisip pa ako ng uulamin bbque nalang siguro tinamad na magluto :)
Kumusta ang inyong maghapon?makulimlim na hapon parang uulan na naman. Stay safe all. Happy and Blessed Wednesday!
Review Again
Blessed morning Noise app fam!
Ang tindi na ng sikat ng araw ngayon dito sa amin kanina lang makulim tapos ngayon sobrang init na, ang bilis magpalit ni weather hehe. Mamaya nito uulan na naman kaya dala lagi ng payong kapag lumabas ng bahay.
May binigay pala ang titser ng panganay ko kahapon pagkatapos ng exam na mga booklets. Tamang-tama may guide kami sa pointers na binigay ng mga titser na pag aaralan. Sana nung last week nila ito binigay bago mag exam para naman may pag aralan ang mga bata mas maganda kasi na dito sila magbabasa o mag-aral pero atleast nakahabol pa sa exam :) Ang sabi daw ni titser dalhin daw lagi ito umpisa sa Nov. 2, umpisa na ng araw-araw na may pasok mga estudyante ko nito.
Magreview muna kami para may mataas na scores sa Friday exam uli. Matagal nagising mga estudyante ko sarap ang tulog malamig kasi ang panahon.
Magiging busy na naman buong araw nito sa pagreview ng mga estudyante ko ang hirap maging titser haha.
Jobee Kids Request After Exam :)
Blessed evening Noise app family!
Dahil payday naman ngayon pinagbigyan ang request ng mga chikiting gusto daw nila kumain ng chickenjoy at spag sa jobee :) Sabi ng daddy nila deserve naman daw kasi pasado sa exam nila.
Kaya happy mama here sulit and effort pagreview lalo na si bunso ko sabi niya siya daw highest score sa kanila perfect rin daw niya ang mother tongue. Ang ate naman hindi ganun kataas ang score sa AP niya atleast pasado yun naman importante hehe at sa tatlong subject niya bumawi naman matataas ang score niya.
Pinagpahinga ko muna kanina pag uwi ng school, bukas na uli kami magreview para sa apat na subject na naiwan sa Friday pa naman ang exam nila uli.
Advance celebration na ito ng mga kiddos kahit sa Friday pa matatapos ang exam nila hehe. Sini-celebrate na namin matataas uli scores makuha nila hehe.
Maulan buong maghapon hanggang ngayon medyo malakas parin ang ulan. Pero kaninang umaga tirik na tirik ang araw pagsapit ng alas diyes ng umaga nag umpisa na ang ulan mabuti naihatid ko na mga bata sa school. Stay safe tayong lahat.
Kiddos Baon
Nakaready na ang baon ng mga prinsesa ko. Nagluto nalang akong tocino. Ayaw pang magbaon ng kanin kasi exam daw sila ngayon, sabi ko kahit exam hanggang alas dos parin uwian. Pinabaunan ko na rin ng mga biskwit para may magpapak sila :)
Parang ako ang kinabahan sa exam nila ngayon lalo na sa eldest ko haha nagmessage Kasi ang titser ni panganay sa GC kagabi halos lahat daw ng nagtake kahapon ng exam ay bagsak nauna kasi ang set A. Sa isip ko mahirap yata ang exam at halos lahat ng mga kaklase ng panganay ko na naunang nag exam ay hindi pumasa.
Hoping talaga maalala ng mga anak ko ang ni-review namin kahapon lalo na si panganay sobrang daming pinag aralan. Nakakalito rin kapag marami na ang pinag aralan halo halo na sa utak haha.
Blessed Morning!
Pagbangon sa umaga simulan ng pasasalamat sa ating Panginoon, sa bagong buhay, kalakasan at pag-asa. Ganun din sa biyayang kaloob sa araw nato at sa araw-araw. Thank you noisers for your generosity sa everyday na pagshare ng inyong blessings. Happy palagi ang ating morning sa biyayang bungad paggising :)
Throwback lang ang picture na share ko, ito yung time pabalik na kami dito sa cavite galing sa aming probinsya sa Surigao nagbakasyon nakaraang pasko. Nasa airport kami niyan, sobrang aga kami umalis ng bahay papuntang airport alas tres pa lang ng madaling araw dahil flight ng alas nuwebe ng umaga mas mabuti doon na daw maghintay kaysa maghahabol kami ng oras. Kasama ko mga kapatid ko na nagbakasyon din at sabay kaming lumuwas ng manila.
Nagkahigpitan pa ng oras na yan dahil ayaw kaming papasukin sa airport dahil bawal daw mga bata sumakay may bagong memo daw silang natanggap sumusunod lang sila. Kaya pumunta pa akong office ng airlines malapit lang din sa airport para kausapin na return flight naman kami at hindi magbabakasyon. Mabuti pumayag, nakipagtalo pa ako dun sa mga staff sa airport haha.
Grabe pala ang iyak ng pamangkin ko nung umalis na ang mga pinsan ayaw na kaming pabalikin dito doon na daw kami tumira sa probinsya wala na daw siyang kalaro best buddies kasi silang tatlo hehe. Itong panganay ko naman nagsuka pa sa plane mabuti to the rescue palagi ang plastic ang hirap talaga mga anak mahihiluhin sa bayhe. Kahit may lagos (hindi ko alam sa tagalog mga bisaya kabaloπ)na nakatali sa tiyan sabi ni mama sumpa daw yun para hindi mahilo hindi naman tumalab haha. Pasensya na napahaba ang kuwento kay aga aga haha.

Foldable Sampayan
Sobrang napagod ako sa araw nato halos buong araw din kaming nagreview ng mga estudyante ko tapos gawaing bahay pa. Tinodo na namin ang pagreview para mataas ang grades bukas sa exam hoping lang hindi nila makalimutan lalo na panganay ko medyo mahirap at daming pinag aralan.
May delivery na dumating kanina akala ko biro lang sabi ni mister bago siya matulog may paparating daw na order niya. Akala ko nagbibiro lang hindi naman kasi sinabi na bibili siya ng foldable sampayan balak ko kasing bumili nito dahil naputol na yung sampayan namin inunahan na niya ako hehe. Kapag tambak kasi nilabhan kdikit-dikit na talaga pagkasampay. Maganda rin itong nabili ni mister kasi natutupi siya kapag hindi mo ginagamit.
Tinambakan na naman ako ng unread hahaha nahihilo pa naman ako sa pinag aralan namin ng mga estudyante ko, nadagdagan ang hilo sa tambak na babasahin at rereplayan hehe
Mapagpalang gabi sa inyong lahat :)
My kids pet Owen :)
Happy and Blessed morning noisers:)
It's Monday again, tapos na ang weekend sobrang abala na uli sa sa trabaho ang iba at hatid sundo naman mga nanay sa ating mga estudyante. Mga estudyante ko bukas pa ang pasok dahil exam nila nabago ang schedule Tuesday at Friday ang pasok this week kaya review kami uli today. Pagkatapos ng week na'to full face to face na everyday na pasok sa school. Kaya magastos na sa pamasahe at baon hehe.
Ito pala ang alagang pusa ng mga anak ko ampon nila hehe dito na sa bahay palaging nagstay siguro dahil may cat food siya haha. Kaya lang itong bagong bili na catfood ayaw niya inaamoy lang kahit halos isubo na sa kanya ayaw talaga haha ang arte lang :) Tuwing paggising ni bunso isa sa ginagawa niya ay pakainin itong alaga nila. Maaga Kasi siyang nagigising kaysa ate niya.
Sa mga noisers na may alagang pusa anong gamot nyo kapag may sipon sila matagal na kasi itong sipon ni Owen hindi parin nawala. Kaya hindi ko masyadong pinapalit mga anak ko baka kasi magsneeze siya talsik sa kanila hehe. Nakakaawa rin medyo matagal na niyang dinaramdam hindi parin mawala.
Ingat kayo sa buong maghapon :)

Birthday Party
May party kaninang hapon dito sa kapitbahay namin. Naimbitahan ang mga anak ko, bebe din kasi ang birthday celebrant. Grabe ang tuwa ng mga bata sa magician bentang benta sa kanila hehe. Ito yung naabutan ko kanina nung sinilip ko ang mga anak ko kung saan ang venue hindi na kasi ako sumama sa kanila. Tamang-tama rin pagpunta ko kainan na sila kaya nakalibre din ng hapunan haha pati mga anak ko hindi na kumain ng dinner dito sa bahay, uminom nalang sila ng gatas.
Nag enjoy din mga anak ko sa selebrasyon daming mga kendi pag uwi ng bahay so much fun daw ang celebration :) Ang daming bisita rin parang wala ng covid talaga ngayon balik normal na may party at inuman na uli.
Bago ako umuwi ng bahay kanina galing sa selebrasyon nabigyan pa akong fridge magnet :)
Kumusta ang inyong weekend nasulit at nag enjoy ba?
Mas busy day na uli bukas pasukan na ng mga estudyante, sa mga anak ko Tuesday pa ang pasok exam lang sila kaya review uli bukas.
Sunday Worship
Halos kalahating araw lang hindi nakasilip dito tambak na kaagad ang unread siguradong maraming relate diyan hehe.
Ito yung ganap kaninang umaga sa Sunday worship pinakanta mga prinsesa ko kasama ang ilang bata, sila lang kasi sumama sa praktis kaya sila lang nakakanta :)
Pagkatapos, sama-samang nananghalian hindi nakatikim mga anak ko sa recipe na niluto ko kanina na burger steak ang bilis naubos mabuti nalang advance ako mag isip. Nagtira ako hindi ko dala lahat dahil alam kong mauubusan sila haha.
Kumusta ang inyong weekend hope you enjoy :)
Burger Steak Recipe
Blessed Sunday Noise app fam!
Maagang nagising dahil maaga akong nakatulog kagabi sobrang pagod buong araw kahapon. Pagbukas ko dito bungad kaagad tambak na unread at discussion ang daming active wala silang pahinga haha.
Nagluluto ako ngayon ng aking recipe na burger steak dadaldhin namin sa church dahil may event mamaya at kkb o kanya kanyang baon daw sa pananghalian mamaya sa simbahan.
Ito nalang naisip ko na ulam madali lang din lutuin. Paborito rin ito ng mga anak ko :) Kaya tiyak ubos kaagad ito mamaya daming mga bata sa church hehe.
Tapusin ko muna ang akong recipe :) Enjoy your weekend and stay safe!
Bunso Drawing :)
Sobrang abala ang Sabado ko, ngayon lang nakasilip. Naglaba dami kaninang umaga tanghali na natapos. Pagkatapos pananghalian, nagreview naman kami ni panganay para sa exam nila next week. Marami-rami rin ang irereview ng panganay ko kapagod sa brain haha. Pagkatapos nagreview, umalis naman ako gabi na nakauwi. Kapagod ang maghapon daming ganap :)
Kaya ngayon pa talaga nakabisita tambak na ang unread sinong relate diyan mga busy today hehe.
Ito pala guhit ng bunso ko dahil nakatambak lang Kung saan-saan mga drawing niya inayos ko bibilhan ko ng lagayan. Natuwa rin akong makita ang mga drawing niya hindi ko kasi Kaya ang ganyan haha.
Ito talaga isa sa libangan ni bunso ang magguhit, paggising sa umaga kuha kaagad ng bond paper at lapis yan :)
Hindi ko pa kilala sino ginuguhit niya haha. Wala rin siyang kinokopyahan kapag gumuguhit nagagawa naman niya ng maayos, isa siguro ito sa talent niya kailangan lang i-explore para gumaling hehe.
Mapagpalang gabi sa inyong lahat.
Blessed Morning!
Matagal akong nagising ngayon kumpara nitong mga nakaraang araw :) At bago simulan ang araw, ay nagpapasalamat muna kay God sa panibagong buhay at kalakasan ganun din sa maagang blessings na natanggap sa araw na'to. Maraming salamat noisers sa pagshare ng inyong blessings more biyaya po sa inyong lahat.
Namiss ko lang itong pamangkin kong makulit na malambing :) Nasa antipolo kami nito bahay ng kapatid ko nagstay kami doon ng ilang araw dahil nandun si mader namin galing probinsya. Ang hilig talaga ng pamangkin ko nato magtamsak. Sobrang hyper din talaga ng pamangkin ko nato daig pa ang lalaki kung kumilos. Kaya ayaw bantayan ng bunso ko dahil stressful daw siya haha. Wala rin talagang patience si bunso ko sa pag aalaga ng mga nakababata niyang pinsan ayaw mag give way palibhasa bunso siya, hindi kagaya sa kanyang ate kung anong gusto ng nakababata niyang pinsan kahit gusto niya ang bagay o pagkain na yun ibibigay nalang niya para walang gulo.
Ang ganda lang nila tingnan dito sa larawan parehas yan sila kagigising nagpapalambing kaagad sa ate niya :)
Balik muna ako sa paglalaba partial lang yung kahapon na nilabhan ko ngayon ang totoo sobrang dami isang linggong labahan.
Habang nakasalang bibisita uli dito :)
P.E. Performance Task
Sobrang busy maghapon ko daming ganap hehe. Nagreview kami ng mga estudyante ko para sa kanilang periodical exam next week, tapos may task pa si bunso sa physical education tinapos na rin namin kanina. Si bunso pa lang nareview ko ng maayos may nilakad rin kasi ako kanina kaya bukas ang ate naman ireview ko focus na sa kanya.
Para hindi maraming pictures isend, collage ko na gamit ang photo collage maker na app. Sinulatan ko nalang sa baba ng larawan anong hugis ng katawan ang ginawa.
Bukas maglaba dami naman kaya dapat maaga mag umpisa para maaga matapos sana lang hindi umulan.
Good night noise app fam :)
Household Chores
Alanganin na akong natapos maglaba mga uniform lang naman nilabhan tapos yung mga shirts na nabili namin ni mister nakaraang araw kanina ko pa nalabhan. Mano mano lang paglaba ko basta mga uniform nakabili rin ako ng tshirts pang P.E. ng mga anak ko yung dalawang kulay pink mabuti may nahanap akong mura sa robinson tig 100pesos lang maganda na tin ang tela at makapal na rin. Ang mahal kasi dito malapit sa bahay 240 yung size ng mga anak ko.
Pagkatapos maglaba luto naman ng ulam namin, afritadang manok malapit na maluto gutoms na ako, itong mga anak ko busog pa daw sila panay papak kasi ng biskwit nila.
Pagkatapos mananghalian review na kami para sa periodical exam ng mga estudyante ko :) Ang busy ng buhay nanay :)
Pa-Throwback muna :)
Blessed morning noisers!
Namiss ko lang ang probinsya namin yung ikaw ang magsawa kakapaligo ng dagat. Halos tuwing umaga maaga magising para magluluto ng babaunin puntang dagat maghihintay kami ng sunrise sa tabing dagat doon na rin mag almusal sa tabing dagat magdala lang sapin para paglagyan ng mga pagkain ang saya ng bonding nakakamiss lang.
Kuha ito nung bakasyon namin nakaraang pasko sa aming probinsya sa Surigao na sinalubong kami ni bagyong odette. Pagkatapos ng dalawang araw dumating kami sa bahay namin sa probinsya dumating din si odette. Hindi ko rin talaga makalimutan ang bakasyon na yun dahil sa sobrang lakas ng bagyo.
Hindi natuloy ang plano na outing nasayang lang ang down payment dahil nasira ng sakuna ang aming pupuntahan.
Pero sobrang enjoy parin naman ang bakasyon nagkakatipon kaming lahat na magkakapatid pwera sa bunso namin hindi nakauwi. Lalong nag enjoy mga bata sa paliligo ng dagat sinulit talaga ang bakasyon sa kakaswimming medyo malapit lang kasi bahay namin sa dagat. Pero sasakay kapa rin ng tricycle 10mins lang naman ang biyahe. Pwede rin bangka papuntang dagat pero ayaw kasi ng mga bata dun maraming mangrove mas gusto ko naman dun kasi pag uwi may ulam kana dahil nangunguha din kami ng shells. Hoping next year makabakasyon uli God's will.
Pasensya na napahaba ang kuwento :)

Memorizing Multiplication Table with Blindfold
Isa sa performance task sa Math ng panganay ko ay ang pagmemorize ng multiplication table. Natapos na yung magreport sila habang binibidyo paano nagsolve ng problem solving. Pagkatapos ito naman ibidyo daw sila memorizing the multiplication table.
Ang wais din ni tister kailangan talaga naka blindfold sila. Para siguradong walang mandadaya haha.
Kaya sabi ko sa anak ko magconcentrate lang siya nakakalito rin multiplication 1-10 ba naman. Baka kasi nasa kalagitnaan na o Kaya patapos na saka pa magkamali-mali. Ang hirap ulitin siya rin mapapagod hehe. Kung ako nga nalilito sa susunod haha.
Mabuti nalang at isang subok lang nagawa niya ng maayos :) Mabuti nalang talaga nung grade 3 pa siya pinapakabisado ko na ang multiplication table kasi kung hindi siya rin mahihirapan ngayon. Kaya tuwang-tuwa nagawa niya ang challenge haha.
Mapagpalang gabi sa ating lahat :)
Kiddos Snack
Kaninang pagsundo ko sa mga anak ko sa school nagpapabili ng fries at juice kaya sabi ko may fries naman sa bahay magluluto nalang ako. Para makatipid hehe. Marami na rin nakabukas na tindahan sa labasan ng school ng mga anak ko. Ang ganda ng pwesto nila ang daming bumibili o kumakain lalo na ngayon malapit na magfull face to face.
Naglakad lang Kami kaninang uwian mabuti pumayag dalawang prinsesa ko hindi kasi mainit kaya maganda maglakad. At para makatipid na rin ako :) itong bunso ko ayaw na magpakandong gusto niya nakaupo rin kaya nakakahiya kung hindi mo bayaran hehe.
Ito mga estudyante ko habang kumakain nagsasagot din ng activities daming gagawin tapos periodical exam na next week, ang daming pag aaralan.
Bukas nalang kami magstart magreview sa kanilang exam next week focus muna ngayon sa mga activities na dapat tapusin.
Kids Lunch
Malapit na pasok ng mga chikiting ko ito nalang baon nila pananghalian chicken nuggets. Hindi pwede wala silang baon na kanin sa school hanggang dos pa sila. Ready to school na girls ko :)
Pag uwi maghatid lalabhan ko rin nabili naming damit ni mister kahapon para magamit na niya.
See you later guys :)
Share It Load
Blessed morning Noise fam!
Nakaredeem na rin kahapon Ng 50pesos sa ipon ko na load sa share it, binigay ko ang load sa aking kapatid sa probinsya para hindi na siya magpaload. Ang saya ng kapatid ko kahit hindi pa dumating dahil makalibre daw siya ng load :)
Ito may ipon na uli ako na tatlong peso mahigit, sa susunod na redeem ibibigay ko naman ito sa taong nagturo sa akin kay share it para makaipon ng load :) Salamat sis @peechay sayo naman sunod na maipon bilang pasasalamat naging way para magkaroon ng libreng load :)
Kumusta na kayo dito parang ang tahimik na natin dito nasaan na kaya mga maiingay dati hehe.
Stay safe sa maghapon. Blessed day sa ating lahat.
Share it
Blessed morning Nose app family!
Dahil umabot na ng 50pesos ang naipon ko na load sa share it kaya ni-redeem ko ito kahapon at binigay ang load sa kapatid ko sa probinsya mas kailangan niya kasi ang load kaysa akin kaya sa number na niya sinend ang load. Lagi kasing nagpapaload ang kapatid yun, Kaya tuwang-tuwa nakalibre daw siya kahit hindi pa dumating ang load hehe. Limang araw pa pala bago dumating sa kanya :) Ito Kasi unang beses kong magredeem.
Sa ngayon may naipon ako uli na dalawang peso mahigit na load. Salamat kay sis @peechay siya nagturo sa akin para makaipon daw ng load at ito na nga nakaredeem na ng load :) Kaya bilang pasasalamat sayo ko ibibigay sa susunod na redeem hehe.
Kumusta ang morning noisers, dito medyo malamig ang weather dahil maulan kagabi. Mabuti nalang talaga at inayos kaagad ang kuryente kagabi bago matulog mga chikiting 9:30pm nagkailaw uli akala ko mapuyat ako kakapaypay haha. Thank you Lord, inasikaso kaagad ng meralco. Nakapasok din si mister dahil work from home schedule niya.

Walang Kuryente
Ang hirap naman ng walang kuryente pero mas mahirap ang walang tubig. Nawalan ng Kuryente dito sa lugar namin dahil pumutok daw ang transformer. Pero sabi aayusin daw ng meralco ngayon kaya hoping talaga maayos na. May work from pa si mister ng 10pm at pagod rin ako kakapaypay nito kapag hindi magkaroon ng ilaw puyat abot ko nito.
Mabuti nalang medyo malamig ngayon kakatigil lang ng ulan. Kaya hoping talaga mapuntahan ng meralco at maayos kaagad.
Ito si bunso naglalaro sa kandila hehe pero syempre may patnubay at gabay ng daddy niya hehe gusto lang niyang itry kung mapapaso ba daliri niya, ang ate niya ayaw talaga magtry takot lang hehe. Maalala ko kabataan dahil wala kaming kuryente sa bahay ginawang katuwaan ang lampara o kandila hehe
#Brownout
Gandang hapon!
Kaninang umaga, pagkatapos maihatid sa school mga bata nagpasama si mister bumili ng t-shirt pangpasok sa trabaho na susuotin kapag weekend kasi okay lang daw naka t-shirt sila tuwing weekdays lang polo o polo shirt. Ang hirap hanapan ng damit plus size kasi hehe. Makakabili sana ng mura kung medium or large size lang :) Kaya sabi ko seryosohin na niya ang pagdadiet para naman makasuot na siya kahit large size lang haha.
Nung nagsusukat na siya tuwang-tuwa dahil kasya na raw sa kanya ang 1x pumayat na daw siya haha dati daw 2xl siya ngayon maluwag na ang 1x sa kanya atleast may nabawas :) Nakabili siya ng tatlong shirts pagkatapos ikot ikot lang kami sa mall.
Medyo late na namin nasundo mga bata natrapik, Kaya napagsabihan tuloy kami ni bunso any tagal daw namin. Kaya ayan binilhan ng ice cream peace offering hehe bakit daw kasi hindi sila sinama sa mall :)
Early Morning Blessing!
Truly a blessed morning, dahil sa bungad na mga biyaya kaysarap sa pakiramdam :)
Kayganda ng gising kapag ganito ang sasalubong sayo. Maraming salamat sa mga generous noisers na patuloy nagshare ng kanilang blessing.
More blessings to all noisers!
Happy and Blessed day sa ating lahat :)
Sinigang sa Miso
Matagal ng nagrequest ang aking panganay nitong salmon belly sinigang sa miso. Nakatikim uli medyo mahal kasi ang isda na'to kaya bihira lang talaga makaulam nito hindi mo rin makikita dito sa palengke namin sa supermarket pa ito binili ni mister.
Hanggang bukas na namin itong ulam si mister sabaw lang gusto niya ayaw ng isda. Mas gusto ko rin itong miso kaysa sampalok mas masarap ang sabaw :) Kailangan ubusin ang gulay nito para bukas pag initin ko lagyan ko uli ng bagong gulay para hindi halatang ulit half cook lang ang gulay hehe. Mas gusto ng mga bata kangkong at sitaw na gulay kaya yun nilagay ko.
Happy dinner noise app family :)
New Fan :)
Yey! may kapalitan na ang isang electric fan namin hindi na masyadong mapapagod araw at gabi kasi ginagamit. Kung makapagsalita pa siguro ang bentilador nagreklamo na kapagod kaya 24hrs siyang nagtatrabaho hehe.
Tuwang-tuwa pa si bunso dahil paboritong kulay niya ang binili, kulay purple. Nalungkot naman ang ate kasi dapat daw kulay pink daw haha.
Thank you Lord, sa biyayang materyal na kaloob.
Hubby Birthday Treat
Pumunta kami kahapon sa mall dahil kaarawan ni mister kumain nalang kami labas. Dahil hindi natuloy ang plano nung nakaraang buwan birthday ni bunso na kakain sa labas.
Sobrang enjoy mga dalaginding ko sa paglalaro, kapag pumunta sa mall hindi pwede walang laro na magaganap hehe. Isang oras din sila naglalaro sa children's playground.
Pagkatapos naglaro nagutom na tamang-tama dinner time na rin. Ang sabi ni mister dahil life begins na daw edad niya ang gusto niya kumain kami ng steak. At dahil namiss ko rin ang steak, go kaagad minsan lang naman pagbigyan ang birthday celebrant. Kaya kumain kami sa Prime Steak House, nag unli steak kami ang mga bata pork barbecue lugi naman din kasi kung unli steak sila kaunti lang makain kaya tikim nalang sila sa steak namin :)
Nakatatlong serve lang kami ng steak busog na masyado, thank you Lord! Kaunting kanin nga lang kinain ko mashed potato lang binanatan ko. Kagabi lang uli nakatikim ng steak mahigit isang dekada na nakalipas huling kain :)
#HubbyBirthdaySimpleCelebration
Parcel Received
Dumating na ang inorder ko sa shopee na sandal dahil isa lang sandal kong pangsimba bumili ako ng isa para may pamalit. Excited pa ako pagbukas kaya lang maliit sa akin plus one na nga inorder ko. Kaya ayun napunta sa panganay ko magkasinglaki na kasi kami ng paa :) magkasingtangkad na din kasi haha. Maganda naman ang sandal bagay rin sa paa ng anak ko. Halagang singkwenta itong sandal tapos shipping fee na trenta pesos. Bibili nalang ako uli, mabuti nalang nagagamit ng anak ko kaya hindi sayang :)
Blessed Monday Morning!
Monday again, thank you Lord sa panibagong araw at kalakasan.
Maagang nagising kaya maagang nakapaglaba habang nakasalang ang labahin dotdot muna :) hoping makiayon uli si weather ngayon para makatuyo sa mga labahin.
Nagkakape na rin at tinapay pinabili ko si mister ng pandesal nag excuse muna sa work nila hindi naman masyadong busy daw. Kaya maganda talaga work from home lang si mister may nauutusan ako hehe. Kaunting oras nalang out na siya kapag night shift ang duty nakakaidlip siya kapag breaktime niya kaya hindi masyadong puyat :)
Kape tayo guys wag kalimutan magbreakfast bago pumasok sa eskwela o trabaho man. Have a blessed day to all!
Monday morning :)
Isang mapagpalang umaga Noise fam! Thank you Lord for the new life, new strength and new blessing. It's Monday again, busy day uli nating lahat.
Maagang nagising dahil gusto kong maglaba rin ng maaga para hindi ako aabutan ng matinding sikat ng araw habang nagbabanlaw at makatuyo rin sa mga nilabhan hoping lang makiayon si weather. Kaya habang nakasalang ang labahin dotdot muna habang nagkakape :) Parang ako ang nakaduty hehe work from home si mister night shift mamayang alas siyete out niya kaunting oras nalang. Pinabili ko muna si mister ng pandesal hindi naman masyadong busy sa work niya. Kaya maganda talaga work from home lang may nauutusan ako hehe. Ang mga chikiting ko tulog pa mamaya kaunti ako magluluto ng almusal nila.
Tara kape muna tayo, wag kalimutan magbreakfast bago pumasok sa eskwela o trabaho.
Blessed morning everyone.