read.cash Log in
@ruby0622

Diner BBQ Tinamad na magluto kaya bbq ang aming hapunan, hindi kasi nakaluto kaninang tanghali dahil nabusy sa mga estudyante ko magreview bumili lang din lutong ulam kaninang pananghalian. Madalas kapag nagluto akong ulam pananghalian kasama na talaga ang hapunan para isang lutuan lang, tipid oras gas na rin initin mo nalang :) Si mister ang pinabili ko nitong bbq, sabi ko isaw sa akin namiss kong kumain nito. Ang sarap din kasi ng bbq at suka ng binibilhan namin gaganahan ka talagang kumain hehe. Ang sabi ko bbq lang ang ulam na bilhin itong si mister bumili pa ng pares talaga naman itong asawa kong nagdadiet daw pero laging bukas nalang ang isasagot sayo. Sabi ko panalo na talaga si mommy niya sa challenge nila dahil hanggang ngayon ilang days nalang Christmas na pero ilang kilo pa lang nabawas haha. Niloloko ko iready na niya ang 15k na pambayad sa mommy niya wala akong pang abuno hahaha. Sabi naman niya kaya pa daw may isang buwan mahigit pa siyang chance magstart na daw talaga siya bukas sa diet food niya hoping talaga magseryso na hehe. Pero ang sarap ng timpla ng pares inalis ko ang mga taba na lumulutang para hindi na makain pa hehe.

44 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.