Sunday afternoon
Kakauwi lang ng bahay,ito ang ganap kaninag hapon may Women's fellowship sa bahay ng kasamahan namin sa church dahil birthday din niya.
Bago mag umpisa ang fellowship may laro muna about sa Bible at sa topic kaninang umaga na service. At bago sumagot sa tanong kailangan bumuo Ka muna ng tower gamit ang cards dapat hindi matumba. Ang partner ko ang tagagawa ng tower, ako naman ang tagasagot sa tanong hehe. Sobrang enjoy ang laro kahit hindi nanalo ang hirap kasi bumuo ng tower gamit ang cards :)
Pagkatapos ng fellowship may kainan, Kaya busog much. Thank you Lord! Nakalibre kaming mag-iina ng hapunan haha sumama kasi ang dalawang anak ko medyo malapit lang sa bahay namin kung saan kami nagfellowship.
Kumusta ang Sunday nyo Noise app family, hope nag enjoy rin kayo :) Monday na bukas busy day na uli sa ating lahat hehe.
Lunch Time
Nagluto si mister ng ulam namin pork adobo, pag uwi namin galing church kanina mag alas dose ng tanghali ito niluluto niya. Nilagyan niya ng patatas na maliliit mabuti may stock sa ref medyo matagal na Ito nakastock. Hindi ko na pinabalatan ang patatas pinahugasan ko nalang ng maayos mas maraming bitamina daw kapag may balat hehe.
Nung naluto ang ulam maghahain na sana ako tapos wala palang sinaing na kanin. Grabe nagutom na ako sa ulam tapos wala palang sinaing, ngayon kumukulo pa lang sinaing ko.
Pinakain ko nalang muna ng tinapay mga anak ko. Hintay lang maluluto rin:)
Breakfast :)
Thank you Lord, sa panibagong buhay at kalakasan. Every gising is a blessing a gift from God. Good morning!
May naglalako ng suman na kamoteng kahoy mainit pa kaya napabili si ako :) namiss ko 'to tapos may kape. Hindi lang siya ganun kasarap pero pwede na rin hehe.
Nakakatapos ko lang magpunas ng sahig malinis na ang paligid. Ang dalawang chikiting ko tulog pa. Mamaya ko na gisingin alas otso dahil magsisimba kami ng alas nuwebe. It's Lord's Day, pahinga muna sa mga pinagkakaabalahan at spend time with God muna sa araw nato.
Blessed Sunday all and Enjoy!
Scrabble Game
Dahil weekend ngayon, pahinga daw muna sa mga activities sa school at playtime muna. Nandito sa bahay ang guy friend nila na english speaking hehe mapapalaban ka sa english kapag nandito ang batang 'to ayaw talaga magtagalog haha. Sa bahay kasi nila english speaking sila :) Ang mga anak ko lang din kalaro niya nahihirapan kasi mga bata dito sa amin maging kalaro siya dahil hindi siya nakakaintindi masyado ng tagalog. Ang mga anak ko naman ingles speaking pero nakakaintindi sila ng tagalog yun lang sinasagot ng ingles ang mga kalaro nagkakaintindihan naman sila hehe.
Ang saya lang nila tingnan nagkakatuwaan maglaro ng scrabble at may natutunan pa. Nakakatuwa kapag ganyan ang nilalaro kaysa gadget dati wala pang scrabble na laruan kapag nandito sa bahay ang guy friend nila, ang hawak kaagad ay gadget at naglalaro sila ng roblox.
Mga bata kasi ngayon, online games na ang alam laruin doon sila magaling :) Kaya dapat limitahan talaga mga anak natin sa paggamit ng gadget.
Kumusta ang lahat?Kabilis ng araw weekend na uli sobrang init na naman ang panahon. Happy and Blessed weekend to all enjoy :)

Scrabble Game
Good morning! Dahil weekend ngayon panhinga muna sa mga activities na gagawin, playtime daw muna :)
Mas nakakatuwa kung ganitong game ang laruin nila kaysa maglaro ng online games dati nung hindi pa nakabili ng scrabble kapag nandito ang guy friend nila ay gadget ang hawak at naglalaro sila ng roblox.
Pero ngayon kapag nandito ang friend nila ito na nilalaro nila. Masaya tingnan na nagkakatuwaan silang maglaro ng scrabble may natutunan pa.
Happy and Blessed weekend :)
Buffalo Chicken
Bumili lang kami ng ulam ngayon lunch tinamad na magluto kakatapos ko lang din maglaba nagkusot lang para tipid sa kuryente :) Mabuti umaraw uli nung nagsampay na ako habang naglalaba ako biglang umulan hindi naman nagtagal. Ngayon matindi na ang sikat ng araw kaya tiyak makakatuyo ako nito.
Nagtry si mister bumili nitong buffalo chicken 199pesos anim na piraso. Kaya lang parang hindi siya lasang buffalo hehe lasang sweet and sour chicken :)
Happy lunch Noise family :)
Video Presentation Done
May task ang panganay ko sa Mathematics her favorite subject :) Nagbigay ang titser ng problem solving tapos kailangan ibidyo ang sarili habang ginagawa ang task. Kailangan din i-explain ang sagot paano mo nasagutan. Bago kami nagbidyo syempre praktis muna sa gagawin niya at kung paano i-explain para mapabilis ang bidyo na magagawa niya ng maayos.
Naging successful naman ang ginawang presentation ng panganay ko nagustuhan naman ng titser niya. Mabuti nasend sa messenger inabot din ng apat na minuto mahigit ang bidyo. Sinend ko kagabi sa titser via pm kahit hindi na oras ng pagtatrabaho sumasagot talaga ito si titser kapag may concern ka ang bait niya.
Napakabait lang nagpasalamat pa sa akin dahil ginagabayan at tinuturuan ko daw si panganay sa kanyang pag-aaral.
Ang sabi kasi ng panganay ko sa batch nila dalawa lang daw sila marunong pa sa multiplication at division, sabi ni titser nila silang dalawa lang daw ang grade 4 ang iba niyang kaklase grade 1 dahil hindi pa marunong. Mabuti nalang din talaga tinuruan ko na siya grade 3 pa lang sa multiplication at division nung malapit na ang pasukan dahil alam ko yun na ang lesson nila :) Nakakaproud lang din bilang magulang masipag mag-aral itong panganay ko si bunso rin naman pero kailangan ko pang iremind sa kanya hindi kagaya kay ate nagkukusa na palagi :)
Malapit na ang uwian ng mga estudyante ko kaya sundo muna dahil maglakad pa papuntang school hindi naman ganun kalayo mula rito sa bahay para makatipid na din sa pamasahe tamang ehersisyo na rin :)
Happy and Blessed Thursday Noise fam? Stay safe and lahat.
Presentation done
Blessed evening Noise family!
May task ang aking panganay sa Math subject na problem solving at kailangan ibidyo habang sinasagutan para malaman ng titser paano sinagutan ng bata. At kailangan din i-explain ang nakuhang sagot. Syempre bago kami magbidyo nagpraktis na kami sa kanyang gagawin at explanation hehe para mabilis matapos :) Gumamit na rin ng white board para doon niya isulat o ipakita ang solusyon.
Natuwa naman ang titser sa presentation ni panganay mabuti nalang nasend sa messenger mahigit apat na minuto rin ang tinagal ng bidyo :)
Chicken Afritada
Nakapaglunch naba ang lahat. Ito ang ulam namin ngayon pananghalian baka hanggang bukas na'to na ulam kapag hindi naubos :) Gusto ni mister ng menudo sabi ko ang mahal ng mga sangkap tapos ang mahal ng karneng baboy. Kaya ito afritadang manok mas affordable na recipe :) magkaparehas lang din naman sila sa menudo hehe.
Katatapos ko lang magtupi ng mga nilabhan kahapon ayaw kong kumain ng hindi pa natapos sa pagtupi kasi tatamarin na ako kapag nabusog na haha.
Tara kain tayo gutom na masyado :)
#Lunch
Grocery Budget
Halos tatlong araw din nanahimik namiss ko mag ingay hehe hindi kasi maganda pakiramdam mga nagdaang araw kaya pahinga muna sa pagbabad ng gadget. Ngayon medyo okay na pakiramdam tambak din mga gagawin, naglaba dami kaninang umaga mabuti nakiayon si weather, kaya nakatuyo ng nilabhan. Pagkatapos, mga activities naman ng mga estudyante ko nahihilo ako mag assist sa dalawang anak ko daming tanong haha hirap maging titser :)
Nakasahod pala si mister kahapon kaya nagbudget na kaagad ng grocery para in case maubusan ng allowance may mga de lata o noodles kaming maiulam at hindi rin pabili-bili sa tindahan. Nasa 2k na kaagad mahigit ang nagastos hindi naman ganun kadami ang nabili halos mga snacks lang ng mga chikiting, malalaki na sila kaya mabilis maubos ang stock nila na pagkain :) Sobrang mahal na talaga ng bilihin ang sahod hindi naman tumaas ang hirap magbudget.
Ang pasalubong na binili ng daddy nila para sa akin na butter macaroons, mga chikiting lang din nakaubos isang araw lang halos ubos na kaagad may tatlong piraso natira masarap daw kasi hehe.
Have a great and blessed night :)

Evening Snack
Naubusan ng biscuit at nanghingi ng makakain itong dalawang chikiting ko mabuti may fries sa fridge kaya ito niluto ko para may snacks sila. Nag-iistock kasi ako ng mga biscuit para hindi na bili ng bili sa tindahan mas magastos.
Matutulog na gusto pa ng snack sabi ko magmilk nalang ayaw pumayag. Kaya dapat talaga may stock na makakain grabe ang gastos na nila sa pagkain hahaha. Ang bilis maubos maubos ng snacks nila na stock, yung kakain lang tapos maghahanap na kaagad ng meryenda dahil gutom na naman haha.
Saturday Bible Class
Every Saturday ng umaga, ito ang ganap sa church may Bible class mga bata. Nakakatuwa lang din mga kiddos na'to gustong makinig ng Word of God.
Bago mag umpisa makinig ng Salita ng Diyos, sing and dance muna for the Lord at exercise na rin ng mga kiddos hehe.
Pagkatapos ng klase nila hindi pwede walang meryenda mga bata nakakagutom Kaya mag aral hehe. Kaming dalawa ng kasamahan ko sa church ang nakaschedule ng meryenda nila ngayong araw. Kaya naisipan namin magluto ng sopas para maiba naman madalas kasi tinapay o biscuit at juice ang kanilang snacks. Mas nagustuhan naman ng mga kiddos ang sopas mas nabusog sila nakailang balik pa dahil kulang isang bowl na serving :) Ang mga anak ko isang bowl sapat na nabusog na daw sila.
Pagkatapos mabusog ang spiritual dapat busugin din ang physical natin :)
#BibleClass
#SopasForSnack
Saturday Bible Class
Dahil Sabado ngayon may Bible class mga kiddos. Bago mag umpisa ang word of God, sing and dance muna for the Lord. Para makapag exercise na rin mga bata hehe.
Dalawa kaming kasamahan ko sa church ang nakaschedule ng snacks sa mga bata. Naisipan namin magluto ng sopas kaysa bibili ng biscuit para maiba naman. Madalas kasi biscuit o tinapay at juice ang meryenda nila pagkatapos ng klase.
Nag enjoy naman mga kiddos sa kanilang snacks mas nabusog sila kaysa biscuit o tinapay nakailang balik pa dahil kulang yung binibigay na isang bowl :) Ang mga anak ko isang bowl lang sapat na.
Pagkatapos mabusog ng spiritual dapat busugin din ang physical :) Nakakatuwa lang daming bata gustong makinig ng Word of God.
Happy and Blessed weekend Noise fam!
Breakfast
Good morning all, ang bilis talaga ng araw weekend na uli. Ito ang ulam namin for breakfast tulog parin mga chikiting ko. Gigisingin ko na para makakain at may Bible class pa sila today. Mahigit alas diyes na natulog kagabi Kaya puyat :)
Blessed weekend sa ating lahat!
Ginisang sayote at Pritong tinapa
Ito ang aming simpleng pananghalian ng mga anak ko, wala kasi dito si mister nasa Tagayatay sa mga magulang niya dahil nahospital ang kanyang kapatid doon.
At dahil kami lang mag-iina magkakasundo kami sa ulam maarte kasi ang daddy nila mapili sa ulam hehe. Naggisa lang akong sayote may stock kaming century tuna nilagyan ko. Grabe ang mahal na talaga ng gulay ngayon magulat ka sa presyo dalawang sayote lang kwarenta na kaagad mahigit.
May naglako kahapon ng hapon na tinapang galunggong bumili na rin ako isang balot kwarenta din tama lang sa presuo niya, kaya ito partner sa gulay namin na ulam. Hanggang hapunan na ito na ulam namin tipid-tipid muna ngayon ang hirap magbudget sa araw-araw na uulamin sa mahal ng bilihin.
#LunchTilDinner
Throwback Thursday
Nakakamiss ang moment na'to kasama ang aking kapatid, magkasama kaming nagtatrabaho sa malayong lugar na'to. Nauna lang ako ng dalawang taon sa kanya. Hanggang ngayon nandun parin siya sa lugar na'to hindi niya talaga pinagpalit sa pag aasawa ang kanyang career sakit lang daw sa ulo ang pag-aasawa which is totoo naman hahaha.
Ako naman gusto ko makita ang mini me version ko Kaya kahit sakit sa ulo enter parin haha. Masaya naman ako dahil may dalawang prinsesa ako hindi man sagana sa materyal o pinansyal, sila ang aking kayamanan :)
Ang saya lang din balikan ang moments sa lugar na'to dito rin kami nagmeet ni mister, magkasama kami sa trabaho :)
Isang dekada na rin mahigit ang alaala na'to. Namiss ko yung halos every Sunday dahil walang work nasa beach kami tapos daming baon na food, pagkain talaga ang habol hehe.
#GtmoMemories
#WithMySister
Throwback Moment with my Sis 😍
Nakakamiss rin yun ganitong moment free kang gumala na walang inaalalang mga chikiting hehe. Ito yung panahon kumakayod para makapag aral ang mga kapatid at mabigyan ng magandang bahay ang mga magulang. Ang saya lang ng mga panahon na'to kapag walang work beach lagi ang outing namin at hindi mawawala ang maraming baon na pagkain 😁
Isang dekada na mahigit ang picture na'to kasama ang aking kapatid na hanggang ngayon nandun parin sa lugar na'to nagtatrabaho. Hindi niya talaga pinagpalit ang kanyang trabaho sa pag aasawa hehe. Magkaiba kami, Kasi ako gusto kong makita ang mini me version ko haha siya naman ayaw masaya na siya sa work niya kahit wala siyang anak.
#GtmoMemories
#MomentWithMySis
Happy Teacher's Day!
Ito ang simpleng regalo ng mga chikiting ko sa kanilang guro, kahapon pa nila ito ginawa na ibibigay sana ngayon kaya lang walang pasok dahil may celebration mga teachers.
Hindi pa tapos ang drawing ni bunso kinuhaan ko na ng litrato wala pang mga design tatapusin daw niya ngayon hehe. Bibigyan nalang din ng flower si titser bukas kasabay ng pagbigay nitong card na ginawa nila. Mas maganda kasi kung mismong mga estudyante gagawa ng greetings card kahit hindi kagandahan ang ginawa atleast nag effort ang mga bata para sa kanilang mga guro 😊
Dahil bawat subject iba-iba ang titser marami pa silang card na gagawin ngayon hehe. Kahit sa simpleng regalo ng mga bata maramdaman ng mga titser ang pasasalamat ng mga estudyante sa kanilang kasipagan at pagtitiyaga para may matutunan ang mga bata.
Happy Teacher's Day sa lahat ng dakilang Guro! Pasasalamat sa inyong pagmamahal at dedikasyon para matuto ang aming anak.
Smart LED Bulb
Isang mapagpalang gabi Noise fam!
Dahil nagpapalit na yung ilaw namin sa sala, bumili si mister ng bagong ilaw. Ito yung nabili niya sa hardware na bulb, ngayon ko lang din nalaman may ganito na palang ilaw pwede mong i-kontrol ang liwanag niya :)
Kaya tuwang-tuwa itong dalawang chikiting sa bagong ilaw na binili ng daddy nila pinaglaruan na hahaha. Ang galing naman kasi ng bulb nato idownload mo lang ang app tapos makokontrol mo na ang iba't ibang kulay (tatlong kulay) ng ilaw at kung gaano kahina o dim ng light :) At pwede mo rin utusan to on/off the light gamit ang google assistant kung saan nakaset up using the app. Ang high tech na talaga ngayon hehe.
#FireflySmartLedBulb
My In-law Birthday Celebration
Ito ang ganap kahapon ng hapon bumisita ang aking mga biyenan galing Tagaytay dahil gustong makasama ang mga apo sa pagcelebrate ng kaarawan ng aking biyenan na babae. Pumunta lang ng mall para mapasyal ang mga bata. Kapag nasa mall sa arcade kaagad ang gustong punatahan ng mga makukulit :) Sobrang dami ng tao dahil weekend ayaw ng Lola makipagsiksikan ang mga apo kaya dito sila sa carousel gusto sumakay kahit hindi na bagay malalaki na sila pangbaby lang yung kabayo na sinasakyan hehe.
At naglaro pa sila sa palaruan ng mga baby sila lang malalaki dun mga kasabayan nila naglaro mga bebe pa lang talaga hehe. Super enjoy na sila dahil nakapaglaro na, pagkatapos maglaro nagdinner kami sa sampgyupsal. Ang mga chikiting binilhan nalang ng jobee dahil ayaw ng samgyup. Pagkatapos kumain ng mga kiddos nagpabili ng cotton candy nasa labas lang kasi ng samgyupsal restaurant ang tindahan. Matagal na rin huli kong kain ng samgyup kaya busog much kagabi, thank you Lord!
#SamgyupsalDinner
#HappyKids
October 1st (Celebrating Lola's Birthday)
Ito ay kahapon pa na ganap, dahil kaarawan ng aking biyenan na babae bumisita siya kahapon dito sa bahay galing Tagaytay para kasama magceleberate sa kanyang mga apo. Mag alas singko na sila dumating dahil nagpasahod pa daw sila sa mga manggagawa ng kanilang furniture shop kaya hindi pwedeng umalis ng maaga.
Pinasyal lang mga apo sa mall at kapag nakapunta ng mall hindi pwede walang laro :) sumakay pa sila sa carousel hindi na bagay malalaki na sila at naglaro pa dito sa palaruan ng mga baby sabi ko sila nalang matanda naglalaro, pero gusto talaga kaya no choice kundi palaruin pagbigyan minsan lang naman medyo mahal kasi sa trenta minuto 150pesos kaagad hehe.
Nung napagod maglaro kumain kaming samgyupsal nakakatikim rin uli hehe. Ang dalawang chikiting ayaw ng samgyup kaya binilhan nalang ni mister sa jobee nagpaalam muna kami sa restaurant ng samgyup kung pwede magdala ng ibang food pwede naman daw. Kaya ang dalawang makulit jobee kami lang ni mister at mga in-laws ko nagsamgyup. Kaya busog much kagabi, thank you Lord!
Pagkatapos kumain ng mga chikiting nagpabili pa ng cotton candy sa labas kasi ng samgyup restaurant may nagtitinda. Kaya super enjoy ang dalawang bata spoiled lang kahapon binibigay kung anong gusto pa-birthday daw kasi ng Lola kay bunso hehe.
Dito na natulog mga biyenan ko kagabi sa bahay at kaninang alas diyes ng umaga umuwi sa Tagaytay. Kapag Sunday daw kasi medyo maraming customer sa shop nila dahil maraming namamasyal kaya kailangan nilang umuwi :)
Happy and Blessed Sunday Noise fam!
#MallDay
#HappyKids
#SamgyupsalForDinner
Physical Fitness/Ruler Drop Test
Sobrang abala kahapon pa may pinuntahan kami ni mister at sa araw na'to daming activities na ginagawa mga estudyante ko at may mga performance task pa, dito kami tumatagal sa PT basta bidyo ang gagawin.
Kaninang umaga ito ginawa namin ng panganay ko ang performance task nila sa P.E. ang dami kaya naabutan kaming pananghalian hindi ko namalayan ang oras malapit na pala ang ala una:)
Isa sa pagsubok sa physical fitness ang natuwa ako itong ruler drop test ilang beses muna kaming nagpraktis kasi hindi niya masalo ang ruler hehe, pati kami ni mister nakikisali dito at si bunso :)
Sa pagsubok na'to nasusukat ang bilis na aksyon sa pagsalo ng ruler kasi walang hudyat kung kailan ito ilalaglag.
Natapos rin ang sampung physical fitness na gagawin ng panganay ko pero super pagod din siya lalo na sa 3 minute step test medyo mataas kasi ang hagdan kung saan akyat-baba siya tapos may push up pa kaya todo exercise siya kanina haha.
Isang mapagpalang araw ng Biyernes Noise fam! Ang bilis talaga ng araw weekend na uli at October na bukas nalalapit na talaga ang pasko :)
https://noise.app/ruby0622

Scrabble with Fam ^_^
Pagkauwi ng mga kiddos sa school kaninang alas dos, gumawa kaagad ng mga activities. Pagkatapos sa kanilang mga homework nagyaya ang mga dalaginding ko na maglaro daw kaming scrabble. Dahil day off ng kanilang daddy kaya kaming apat naglaro mas maganda maglaro nitong scrabble kung marami kayo mas masaya hehe.
Ang tagal lang laruin ng game nato kailangan mo talagang mag isip haha kaya maganda ito para sa mga bata para madagdagan ang kaalaman sa spelling words o tamang spelling ng bwat salita.
Nakakatuwa lang kasi instead na magtablet o gadget ang mga kiddos pagkatapos ng activities ay naglalaro nalang kami nito hehe, less gadget at may natutunan pa :)
#ScrabbleGame
Yummy Spicy Ramen!
Maulan ngayong araw pagsapit ng hapon mabuti nalang at maaga akong natapos maglaba kanina, alas sais pa lang nag umpisa na akong maglaba kaya natapos ako ng alas otso medya banlaw nalang ginawa ko dahil pinaikot na ni mister madaling araw pa lang. May work from home kasi si mister at night shift kaya sabi ko isalang ng maaga ang labahin. Nakatuyo rin sa ibang labahin dahil naka spin naman.
Dahil maulan ang weather ngayong gabi, nagcrave akong spicy ramen for dinner kaya pinabili ko si mister. At itong asawa ko pagdating sa pagkain walang tipid-tipid, sa korean mini mart pa bumili ng instant ramen may malapit kasi dito sa amin at may mga sahog pa na pangshabu-shabu kompleto pa talaga ang mga balls :) Pinabili ko kasi ramen spicy lang tapos gulay na pechay baguio mas masarap kasi may gulay, pero napagastos hehe. Sulit naman sa sarap ang ramen medyo nawala lang ang lasa ng dahil siguro sa dami ng sahog niya.
Mabigat na rin sa tiyan hindi na ako kumain ng kanin ito lang busog much na at dahil spicy hindi makakain mga chikiting kaya nagpaluto rin sila ng beef noodles. Hindi namin naubos ni mister nilagay ko nalang sa ref para hindi masira for breakfast naman ang natira :)
https://noise.app/ruby0622
#SpicyInstantRamen
Paksiw na Dilis/Panghimagas
Ito ang aking simpleng ulam sa pananghalian sa mga bata nagluto akong century tuna na may sayote, ayaw kasi nila ang ulam ko :) Kahapon pa itong paksiw na dilis niluto ko, bihira lang may tinda nito dito sa palengke namin. Namiss ko itong ulam maalala ko noon kabataan pa sa probinsya namin madalas ginagawa namin dito sa dilis ay kilawin kapag presko at ginagawang tinola.
Dahil malansa pagkatapos kumain ng paksiw kailangan may panghimagas. Ang arte lang dati naman noon ganito lagi ulam namin sa probinsya hindi ako nalalansahan. Pero ngayon kailangan may matamis na kendi akong kinakain pagkatapos mag ulam ng paksiw, masarap na ulam pero pagkatapos gusto ko may kinakain na matamis para maalis ang lansa arte lang haha.
Mabuti itong si mister may binili na panghimagas ito ang paborito niya. Sabi ko dapat bumili rin ng kendi na matamis masarap kasi kumain ng ganun pagkatapos ng meal pampaalis umay o lansa mahal kasi ang chocolate kaya kendi nalang mas mura hehe.
Kumsuta ang lahat? Ang gulo ni weather ngayon, aaraw tapos uulan naman kaya yung sinampay ko labas-pasok nakakapagod kaya hindi ko na nilabas :)

Ngiting Wagi!
Grabe lang mga ngiti nila lalo na si bunso wagas lang haha. Dahil siningil ako ni bunso kanina sa pangako na regalo niya dahil wala ng ulan pwede na daw akong bumili :) At dahil wala daw regalo ang ate nakaraang birthday niya kaya nakisali nagpabili ng gift pero maganda naman pinabili niya Scrabble kaming pamilya maglalaro :)
Si bunso naman guitar daw gusto na gift kaya ayan tuwang tuwa sa natanggap niya kita naman sa ngiti niya hehe. Basta happy sila happy na rin si mama :)
#LateBirthdayPresent
Late Birthday Present
https://noise.app/ruby0622
Grabe lang ang ngiti ng aking mga prinsesa lalo na ang bunso ko wagas lang hehe. Natupad ang gusto niya na regalo sa kaarawan niya. Dahil nangako ako ng gift ayan napabili talaga kanina dahil naningil na naman ang aking bunso wala na daw ulan pwede na akong bumili hahaha. Alam ko naman na sisingilin ako nakaraang araw pa kasi dapat daw yan dahil yun ang araw ng birthday niya :)
Ang ate din nakisali sa regalo dahil wala daw siyang regalo nakaraang birthday :) Maganda naman pinabili niya na gift Scrabble lahat kami gagamit o maglaro nito pampatalino na rin haha. Si bunso guitar ang pinabili na regalo kahit laruan lang daw. Sabi ko hindi na bagay ang laruan sa kanya kasi big girl na siya haha. Kaya ayan nabili kong guitar sabi ko aralin niya para matuto siyang gumamit :)
Kaya happy na sila sa kani-kanilang natanggap na gift. Medyo busy ang araw nato sa mga activities maraming performance task silang ginawa, kaya walang time gamitin ang kanilang regalo :)
Kumsuta kayong lahat Noise fam? Hoping maayos ang lahat sa bagyong dumaan, dito lumakas ang hangin at ulan kagabi pero hindi naman ganun katagal. Salamat sa Diyos umalis na si karding. Stay safe all.
#HappyKiddos
Bunso Birthday Celebration
Sobrang abala ko kahapon dahil kaarawan ni bunso, naghanda lang akong kaunti pansit para sa mga kapitbahay ipamimigay at mac & cheese na request ni birthday celebrant.
Dahil birthday niya hindi pwede walang cake, kapag birthday dapat may cake daw talaga hehe. Kaya bumili ang daddy niya ng cake at sinamahan ng pizza na fave nila ng ate niya. Masaya na rin siya sa selebrasyon may bisita siya pagsapit ng gabi yung kalaro nila at dumating din ang kapatid ko at asawa niya. Nafeel na niya ang birthday niya kasi may visitors na daw siya hahaha. Pero naniningil naman sa kanyang regalo bakit wala daw siyang gift sabi ko kahapon bukas nalang. Tapos ngayon tinamad rin akong umalis para bumili ng regalo dahil maulan. Tinatandaan pa naman talaga kapag nangako ka, kaya sinabihan ko na bukas nalang uli kasi maulan may bagyo bawal lumabas hehe. Pumayag naman bukas singilin na naman ako uli nito mga bata ngayon talas ng memory kapag nangako ka hindi nila nakakalimutan :)
Kumusta ang weather diyan sa inyo? Dito sa amin medyo lumakas na ang ulan hoping wag ng lumakas pa signal number 3 na dito sa Cavite nagulat pa ako sa alarm ng selpon ko na alert galing sa NDRRMC. Mag iingat po tayong lahat be ready and alert nalang tayo. Nag iipon na akong tubig baka mawalan maigi ng handa.
First time ko pala magpost sa noise.app ko hindi ko pa masyadong kabisado sa kabila kakaumpisa pa lang. Hoping maging friends rin tayo doon hehe.
Ito po ang link : https://noise.app/ruby0622
#Bunso8thBirthday
Simple Birthday Celeberation!
Sobrang abala kahapon sa simpleng selebrasyon ng aking bunso. Nagluto lang akong pansit para ipamigay sa mga kapitbahay at mac & cheese na request ni birthday girl :)
Kapag birthday dapat daw may cake siya para mafeel niya na birthday niya haha. Kaya bumili ang daddy niya ng cake at sinamahan na ng pizza favorite nila. Sinisingil pa ako sa gift niya bakit wala daw siyang present nakaraang kaarawan meron daw. Kaya mapapabili talaga ako nito ngayon pagbigyan si birthday celebrant :)
Isang maulan na araw naman, dahil sa bagyo na paparating. Mag iingat po ang lahat. Blessed Sunday to all!
Mac and Cheese
Isang mapagpalang araw ng Sabado Noise fam! Sobrang init ng weather ngayon tirik na tirik si haring araw kapag hindi ako naglalaba pansin ko ganito ang panahon haha. Kapag naglalaba ako madalas umuulan, kaya itong asawa ko kapag nakita akong naghahanda ng mga labahan sabihin kaagad alam ko na ang weather ngayon mamaya uulan dahil maglalaba daw ako haha.
Anyway, ito ang aming simpleng meryenda ngayong hapon Mac & cheese. Ito ang request ng birthday girl, ang aking bunso. Ang cake to follow na dahil tulog pa ang bibili night shift kasi ang daddy nila mamayang alas kwatro medya daw siya bibili ng cake. Nagluto rin akong pansit bihon para ipamimigay sa aming kapitbahay wala masyadong gulay ang aking pansit ang akala ko kasi may repolyo pa sa ref wala na pala tinamad na akong bumili :)
Ang sabi pa ng aking bunso, parang normal days lang daw ang birthday niya ngayon, wala daw kasi kaming bisita hindi kagaya nung nakaraang birthday niya marami siyang visitors hehe. Ang plano kasi namin kakain lang sa labas para walang gastos masyado kailangan magtipid :) Sabi ni mister sa day off na daw niya sa Miyerkules ang selebrasyon magdinner lang kami at may pasok din mga chikiting sa araw na yun.
Ang sarap daw ng mac and cheese na niluto ko kumpara sa niluto ng daddy nila nakaraang birthday ng aking panganay mas cheesy daw :)
#SnackTime
#MacAndCheese
#BirthdayGirlRequest