Kiddos Snack Kaninang pagsundo ko sa mga anak ko sa school nagpapabili ng fries at juice kaya sabi ko may fries naman sa bahay magluluto nalang ako. Para makatipid hehe. Marami na rin nakabukas na tindahan sa labasan ng school ng mga anak ko. Ang ganda ng pwesto nila ang daming bumibili o kumakain lalo na ngayon malapit na magfull face to face. Naglakad lang Kami kaninang uwian mabuti pumayag dalawang prinsesa ko hindi kasi mainit kaya maganda maglakad. At para makatipid na rin ako :) itong bunso ko ayaw na magpakandong gusto niya nakaupo rin kaya nakakahiya kung hindi mo bayaran hehe. Ito mga estudyante ko habang kumakain nagsasagot din ng activities daming gagawin tapos periodical exam na next week, ang daming pag aaralan. Bukas nalang kami magstart magreview sa kanilang exam next week focus muna ngayon sa mga activities na dapat tapusin.
22 comments
Pagkatapos ng exam long weekend dahil All Saints day.
Oo nga sis pagkatapos exam undas na.
Totoo yun sis makakatipid pag magluto na lang talaga. Mahal pa minsan tapos kaunti lang ang tinda hehe.
Kaya nga sis, makatipid talaga kapag tayo magluto sulit pa, mabuti may natirang fries nakatipid ako pati pamasahe.
Ganyan si kulot ko sissy kaya akoy nasira ang budget kung kelan naman matao saka uungot ng turo kaloka pero buti may fries ka sa bahay
Haha nakakasira nga ng budget sissy dito sa labasan ng school ng mga anak ko daming pagpipilian na tinda ng pagkain. Magaling diskarte ni bebe kulot mo sissy para hindi Ka makatanggi dahil maraming tao hehe.
Nako puro naman laruan dine bihira ang pagkain tinda kaya madalas mag away kami pero sa kanto may tinda ng mga ganyang fries ayun binibili ko siya nun hahahahaha
Maganda talaga kapag ang pwesto mo at nasa school lang sis. Kahit anung itinda mo ay maraming bibili yan, kasi sa mga bata palang ay ubos agad yan.
Oo nga sis ang ganda Ng pwesto Ng mga nagtitinda ng malapit sa school kumikitang kabuhayan talaga hehe
Padukot aman sawap yarn:)
Wala na sis ubos na kulang pa haha
Huhuhu bakit hindi mo ko nitirhan ahaha π
pag sarili luto din kc sis d sila mabibitin e pag bili parng bitin hehehe
Totoo yan sis sulit rin kapag tayo magluluto mabusog talaga sila.
pati tayo maka kaen gahahah
Hahaha korek Ka talaga sis busog Rin Tayo.
kame wla pa ulam dpa nkakabili aruy babagsak n ang ulan
Mas tipid talaga pag sa bahay nalang mag luto ng meryenda. Periodical na nga next week un mga anak ko kawawa sa exam lalu na un grade 4 ko mabagal pa mag read. Tapos sa english hirap din sya. Slow learner kase anak ko need pa ulit ulitin sakaniya
Kahit ako mahilig din ako sa fries.
busy ang mga estudyante natin sis kkauw lalo na kung masipag silang mag aral :)
Wanto sawa sila niyan pag bibili kasi ng luto na kokonti lang.
ang mahal pa naman sa labas sissy noh peru di talaga maiwasan na magpabili sila