Bunso Drawing :) Sobrang abala ang Sabado ko, ngayon lang nakasilip. Naglaba dami kaninang umaga tanghali na natapos. Pagkatapos pananghalian, nagreview naman kami ni panganay para sa exam nila next week. Marami-rami rin ang irereview ng panganay ko kapagod sa brain haha. Pagkatapos nagreview, umalis naman ako gabi na nakauwi. Kapagod ang maghapon daming ganap :) Kaya ngayon pa talaga nakabisita tambak na ang unread sinong relate diyan mga busy today hehe. Ito pala guhit ng bunso ko dahil nakatambak lang Kung saan-saan mga drawing niya inayos ko bibilhan ko ng lagayan. Natuwa rin akong makita ang mga drawing niya hindi ko kasi Kaya ang ganyan haha. Ito talaga isa sa libangan ni bunso ang magguhit, paggising sa umaga kuha kaagad ng bond paper at lapis yan :) Hindi ko pa kilala sino ginuguhit niya haha. Wala rin siyang kinokopyahan kapag gumuguhit nagagawa naman niya ng maayos, isa siguro ito sa talent niya kailangan lang i-explore para gumaling hehe. Mapagpalang gabi sa inyong lahat.
44 comments
kilala ko yn sis minsan ko n napanuod ang glng nya halos kuha nya tlaga heheh akoy khpun bc kaya ngaun nag bawepati ng tulog hahahah
Kilala mo pala yan sis haha tinanong ko sabi sila daw kalaban ni sonic haha. Sobrang pagod kahapon sis kaya maaga natulog. Blessed Sunday sis and morning :)
morning sis oo m3 tagalog nyn sa tv hehe
May future po anak nyo. Pahinga ka bukas ulit aandar ang makina heheh
Kaya nga sis nagpahinga ng maaga hindi na kaya ng power hehe. Blessed morning and Sunday sis!
Such a cute drawing its kawai ♥️🥰
Thank you :)
Ang ganda ng drawing ng anak mo sis.Good eve!
Salamat sis nakahiligan niya kasi ang magdrawing lalo,na paggising sa umaga. Blessed morning sis!
Congratulations sa kid mo hindi lahat ng bata may ganyang talent.
Salamat sis, kaya mabuti hindi nagmana sa nanay niya hindi marunong haha. Blessed morning sis :)
Naku, may future po ang anak niyo ma'am. Galing gumuhit. Kung hindi po ako nag kakamali, si Sonic po iyan😅 yung hedgehog hehehe. Galing, gandang gabi po! 🌻
Tinanong ko kagabi sis, sabi niya mga kalaban daw ni sonic mga yan sis silver at shadow. Wala akong ideya sino mga yan haha
Ahahaha cartoon po iyon, kalaban pala ehhehe, kamukha din kasi ni sonic. Galing niya po, sana wag siya tumigil, panigurado mahahasa po siya ng husto . Gandang umaga po🌻
Ang galing nya magdrowing may future:)
Siguro dahil nakahiligan niyang magdrawing sis tuwing gising sa uamga talaga yan ginagawa ayaw pang magpakita ng mga drawing niya hehe. Blessed morning sis.
May talent sa drawing ang anak mo, ka-noise! Ang ganda ng ginagawa Niya. Ganiyan din ako, tambak ang mga unread messages. Haha!
Siguro mate yun isa sa talent ng bunso ko ang pagguhit mahilig din kasi talaga siyang gumuhit kung anong maisip niya :) paggising ko kanina sobrang natambakan pa lalo sa unread haha. Blessed morning sayo.
Keep up the good work sa bunso mo, ka-noise! Same tayo ka-noise! Tambak na naman ako ng red sa discussion at unread messages! Di ko alam kung kailan ko matatapos ito. Hehe! Good evening!
Ako sis araw araw busy, buti nalang at naisisingit ko pa itong pag iingay dito
Kaya nga sis minsan lang talaga maluwag ang oras madalas sobrang busy tayo. Blessed Subday sis!
Ang galing naman ng anak niyo
Mahilig kasi talaga itong bunso ko magdrawing sis kung anong nasa isip niya ginuguhit. Blessed Sunday si!
Productive ka sa ibang bagay kaya halos dumible at ang dami ng unread notification mo, unti untiin mo nalng matatapos mondin sya
Ang galing mag drawing ng anak mo sisy.. Pahinga na tayo sisy inaantok na ako...
Hahaha mas marami ka ginawa pero busy din naman ako bukas na ako maglalaba naman
Same here sis ngayon lang naka silip dito dahil sobrang daming ganap today. Ang husay naman ni bunso.
Busy kahapon sis busy uli ngayon, kaya ngayon lang nakasilip. Blessed Sunday!
Wala talagang pahinga araw araw part na nang buhay natin Sis ko ❤️
Kaya nga sis walang day off buhay nanay haha
Galeng naman mag drawing san kaya nagmana?🤭
Oo nga sis ewan saan nagmana ang bunso ko hindi rin marunong ang daddy nila haha
Aba eh di kanino pa kundi sa akin na hahaha
Wow, galing naman ni bunso 😍 maganda yan habang bata mas lalong mahasa sa Arts 😊
Kaya nga sis pinapapraktis ko rin para lalong humusay.
Ang husay gumuhit ni bunso, himahanga talaga ako sa may kagalingan sa arts kasi ako hindi marunong gumuhit.
Ako rin sis hindi marunong gumuhit kaya natuwa ako sa mga drawing nitong bunso ko hehe
Busy din ako pag sabado.haist complete attendance ba naman ang mga amo..
Mahirap nga sis kapag nandyan mga amo :) Blessed Sunday sis.
Ang busy mo pala sis. Ang cute ng drawing. 🥰
Madalas busy talaga kapag weekend sis. Salamat sis. Blessed Sunday!
Walang anuman sis. Totoo sis busy pag weekend.
morning sis Ilan taon na si bunso? May talent sya ang galeng nya walang kopyahan Made develop pa yan sis pedeng NFT na 😊 Kaka proud naman sis
galing naman magdrawing, hindi ko kaya yan. Hanggang sticka lng ako haha