Kids Lunch Malapit na pasok ng mga chikiting ko ito nalang baon nila pananghalian chicken nuggets. Hindi pwede wala silang baon na kanin sa school hanggang dos pa sila. Ready to school na girls ko :) Pag uwi maghatid lalabhan ko rin nabili naming damit ni mister kahapon para magamit na niya. See you later guys :)
17 comments
Gusto din yan ng bunso ko sis.
Ang sarap naman ng baon nila. Yung mga chikiting ko sa school na sila bibili ng ulam. Kanin lang baon nila.
Hindi rin kasi makakalabas ng room mga anak ko sis 15mins lang lunch break kaya mabilisan din sila.
kainitan pla ang pasok nila hehhe mas ok nga yn sis mag kanin sa anak ko juice bisquit kc uuwi din nmn sa lunch
Kainitan talaga ang pasok sis alas diyes hanggang alas dos pero mas okay ang ganitong schedule matagal kasi silang nagigising :)
aun lng nga sis kaya kame maaga gising maaga pasok e pero kagndahan nyan e tulog sila sa tanghali gaya ngaun tulog heheh
Masarap sis Monterey nuggets
Meron palang ganun sis hindi pa namin natry nagustuhan rin nila ito masarp naman daw :)
Uu meron. Factory worker Ako dati. Hawak ko pure foods chicken nuggets and Monterey chicken nuggets
Alanganing oras pala pasok ng mga anakis mo sis, need nga Nila mag baon ng kanin at tiyak magugutom sila sa oras ng tanghalian.
Ganan din baon ng mga chikiting sa bahay.
kahit ako parati sila may baon na pagkain sa school iba kasi kapag sarili na nila ang kakainin nilang baon, minsan an ,ga bata sitsiriya ang inuuna nilang bilhin mainam yung pagkain na may sustansya
Masarap eto sis at gusto ni eldest ko.
Ingat kayo sissy, naku anak ko di masyado sa kanin eh
gusto ko ganyan oras nang pasok sissy kasi hindi ma pressure yong bata na pumasok nang maaga dito jusko alas 4 palang dapat gising na
Akala ko pang bata lang Yan e pag nasa McDonalds Ako Yan agad order ko hihihi. Favorite ko Sis..
Panghapon pala mga prinsesa mo sissy