read.cash Log in
@ruby0622

Foldable Sampayan Sobrang napagod ako sa araw nato halos buong araw din kaming nagreview ng mga estudyante ko tapos gawaing bahay pa. Tinodo na namin ang pagreview para mataas ang grades bukas sa exam hoping lang hindi nila makalimutan lalo na panganay ko medyo mahirap at daming pinag aralan. May delivery na dumating kanina akala ko biro lang sabi ni mister bago siya matulog may paparating daw na order niya. Akala ko nagbibiro lang hindi naman kasi sinabi na bibili siya ng foldable sampayan balak ko kasing bumili nito dahil naputol na yung sampayan namin inunahan na niya ako hehe. Kapag tambak kasi nilabhan kdikit-dikit na talaga pagkasampay. Maganda rin itong nabili ni mister kasi natutupi siya kapag hindi mo ginagamit. Tinambakan na naman ako ng unread hahaha nahihilo pa naman ako sa pinag aralan namin ng mga estudyante ko, nadagdagan ang hilo sa tambak na babasahin at rereplayan hehe Mapagpalang gabi sa inyong lahat :)

32 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.