read.cash Log in
@ruby0622

Share it Blessed morning Nose app family! Dahil umabot na ng 50pesos ang naipon ko na load sa share it kaya ni-redeem ko ito kahapon at binigay ang load sa kapatid ko sa probinsya mas kailangan niya kasi ang load kaysa akin kaya sa number na niya sinend ang load. Lagi kasing nagpapaload ang kapatid yun, Kaya tuwang-tuwa nakalibre daw siya kahit hindi pa dumating ang load hehe. Limang araw pa pala bago dumating sa kanya :) Ito Kasi unang beses kong magredeem. Sa ngayon may naipon ako uli na dalawang peso mahigit na load. Salamat kay sis @peechay siya nagturo sa akin para makaipon daw ng load at ito na nga nakaredeem na ng load :) Kaya bilang pasasalamat sayo ko ibibigay sa susunod na redeem hehe. Kumusta ang morning noisers, dito medyo malamig ang weather dahil maulan kagabi. Mabuti nalang talaga at inayos kaagad ang kuryente kagabi bago matulog mga chikiting 9:30pm nagkailaw uli akala ko mapuyat ako kakapaypay haha. Thank you Lord, inasikaso kaagad ng meralco. Nakapasok din si mister dahil work from home schedule niya.

48 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.