read.cash Log in
@ruby0622

My kids pet Owen :) Happy and Blessed morning noisers:) It's Monday again, tapos na ang weekend sobrang abala na uli sa sa trabaho ang iba at hatid sundo naman mga nanay sa ating mga estudyante. Mga estudyante ko bukas pa ang pasok dahil exam nila nabago ang schedule Tuesday at Friday ang pasok this week kaya review kami uli today. Pagkatapos ng week na'to full face to face na everyday na pasok sa school. Kaya magastos na sa pamasahe at baon hehe. Ito pala ang alagang pusa ng mga anak ko ampon nila hehe dito na sa bahay palaging nagstay siguro dahil may cat food siya haha. Kaya lang itong bagong bili na catfood ayaw niya inaamoy lang kahit halos isubo na sa kanya ayaw talaga haha ang arte lang :) Tuwing paggising ni bunso isa sa ginagawa niya ay pakainin itong alaga nila. Maaga Kasi siyang nagigising kaysa ate niya. Sa mga noisers na may alagang pusa anong gamot nyo kapag may sipon sila matagal na kasi itong sipon ni Owen hindi parin nawala. Kaya hindi ko masyadong pinapalit mga anak ko baka kasi magsneeze siya talsik sa kanila hehe. Nakakaawa rin medyo matagal na niyang dinaramdam hindi parin mawala. Ingat kayo sa buong maghapon :)

28 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.