Hubby Birthday Treat Pumunta kami kahapon sa mall dahil kaarawan ni mister kumain nalang kami labas. Dahil hindi natuloy ang plano nung nakaraang buwan birthday ni bunso na kakain sa labas. Sobrang enjoy mga dalaginding ko sa paglalaro, kapag pumunta sa mall hindi pwede walang laro na magaganap hehe. Isang oras din sila naglalaro sa children's playground. Pagkatapos naglaro nagutom na tamang-tama dinner time na rin. Ang sabi ni mister dahil life begins na daw edad niya ang gusto niya kumain kami ng steak. At dahil namiss ko rin ang steak, go kaagad minsan lang naman pagbigyan ang birthday celebrant. Kaya kumain kami sa Prime Steak House, nag unli steak kami ang mga bata pork barbecue lugi naman din kasi kung unli steak sila kaunti lang makain kaya tikim nalang sila sa steak namin :) Nakatatlong serve lang kami ng steak busog na masyado, thank you Lord! Kaunting kanin nga lang kinain ko mashed potato lang binanatan ko. Kagabi lang uli nakatikim ng steak mahigit isang dekada na nakalipas huling kain :) #HubbyBirthdaySimpleCelebration
14 comments
happy bdy ke hubby mo sis naks panu na ang diet nyan heheheh .. sarap nmn nyan sana all nakakapasyal pasyal sa mall
Salamat sis :) start na daw talaga ngayong araw magseryso na siya sa pagdadiet haha sabi ko nga ilang buwan nalang december na kaunti pa lang nabawas haha
Sarap ng hubby treat mo sis. Ga umaga
Minsan lang sis makakin nitong steak :) Gandang umaga din sis.
Happy birthday sa imong mister sissyyyy
Thank you much sissy :)
iba tlaga kapag kahit papaano bigyan natin ang ating sarili na itreat yun kasi ang way para mas lalo tayu magiging masaya sa bawat kaarawan naitn at kasama ang ating pamilya
Totoo yan minsan lang itreat ang sarili kaya sulitin na mag enjoy hehe. Good morning.
Happy bday to your hubby, sis!
Salamat sis sa pagbati :)
Belated Happy Birthday kay habibi mo sis!
wow sana nag enjoy kayu sa pamamasyal niyo sissy at happy birthday nga pala sa mister mo
Sarap ng steak! Grabehan nag crave ako ah. Haha
Sarap naman nyan sissy naku sira ang diet ng hubby mo sana mapanindigan na talaga niya ang diet para matanggap ang ayuda ni beyanan hehe