Parcel Received Dumating na ang inorder ko sa shopee na sandal dahil isa lang sandal kong pangsimba bumili ako ng isa para may pamalit. Excited pa ako pagbukas kaya lang maliit sa akin plus one na nga inorder ko. Kaya ayun napunta sa panganay ko magkasinglaki na kasi kami ng paa :) magkasingtangkad na din kasi haha. Maganda naman ang sandal bagay rin sa paa ng anak ko. Halagang singkwenta itong sandal tapos shipping fee na trenta pesos. Bibili nalang ako uli, mabuti nalang nagagamit ng anak ko kaya hindi sayang :)
14 comments
Dami niyo po inorder ah hehe
Isang pares na sandal lang yan sis :)
Same ng anak ko sis magka size na kami pwede na manghiraman ahaha.Sa tiktok sis free shipping lang maganda dun mag order.
Kaya nga sis kami rin ni panganay minsan hiraman na hehe. Mas maganda pala sa tiktok mag order sis free shipping sa susunod try ko dun. Salamat sis :)
Ang cute naman. π Buti nalang may taga pagmana. Haha
Oo nga sis mabuti mabuti may tagapagmana hindi nasasayang hehe. Gandang gabi sis.
Atleast sa anak mo napunta pwede kapa mag order ulit para sayo twinning kayo
Oo nga sis hindi parin nasayang may tagapagmana hehe
Buti na lang may pwedeng sumalo sissy hahaha yan lang ang mahirap kapag online ei ako kung maliit sa akin walaang sasalo mas malaki paa ng panganay ko kesa sa akin
Kaya nga sis, mabuti nalang talaga may tagasalo sissy hindi parin nasasayang. Ang mahirap kung walang tagapagmana sissy kagaya sayo matagal pa manahin ni bebe kulot hehe.
Oy na budol ka rin ka noise,pero mura na yan at 50 pesos lang hehe
Oo nga sis nabudol matagal na rin ang huling budol sa akin hehe.
ang cute nya sis ganda pa ng kulay.π
Cute sha nakakaputi sa paa ang ganyang shade