Kiddos Baon Nakaready na ang baon ng mga prinsesa ko. Nagluto nalang akong tocino. Ayaw pang magbaon ng kanin kasi exam daw sila ngayon, sabi ko kahit exam hanggang alas dos parin uwian. Pinabaunan ko na rin ng mga biskwit para may magpapak sila :) Parang ako ang kinabahan sa exam nila ngayon lalo na sa eldest ko haha nagmessage Kasi ang titser ni panganay sa GC kagabi halos lahat daw ng nagtake kahapon ng exam ay bagsak nauna kasi ang set A. Sa isip ko mahirap yata ang exam at halos lahat ng mga kaklase ng panganay ko na naunang nag exam ay hindi pumasa. Hoping talaga maalala ng mga anak ko ang ni-review namin kahapon lalo na si panganay sobrang daming pinag aralan. Nakakalito rin kapag marami na ang pinag aralan halo halo na sa utak haha.
40 comments
Huwag Kang kabahan Sis kaya ng mga bata yan at least yaan patas face to face
Oo nga sis maganda talaga kapag face to face na exam ng mga bata. Mas kinabahan pa ako sa mga estudyante ko haha. Gandang tanghali diyan sis :)
Wag ka kabahan sis maniwala lang tayo sa kakayahan ng mga anak naten hehe so far si teacher eh wala pa chat sa gc namin waiting din ako sa result.
Kaya nga sis dapat tiwala Lang tayo sa mga anak natin na Kaya nila :) salamat sis!
Ang sweet Naman ng mommy na yarn .. some day makakakapag prepare din ako baon nga king chikiting
Soon sis darating Ka rin diyan hehe
Wag ka kabahan sis Tiwala ka lang sa taas at sa anak mo. Think positive parin tayo laban.
Kaya nga sis, pero hindi maiwasan kabahan haha. Tama sis think positive lang ako :)
Ako din sis yan ang naramdaman ko nung nagsabing exam week na. Kasi sis itong buong first grading puro nagkasakit ang aking mga anak. Tatlo silang estudyante ko, ang inaalala ko ay yung grade 2 at grade 3 ko. Kasi yung aking grade 5 kahit papaano ay natatandaan niya daw ang iba. Kaya lang marami pa rin silang namissed out na lesson kasi ilang weeks silang nag absent 😥
Ang hirap nga sis, hindi nakasunod mga anak mo sa lessons nila. Pero maiintindihan naman ng mga titser siguro yun sis kasi nagkasakit sila. Kaya napakahirap magkasakit lalo na ngayon face to face na sila sis. Tapos sabay pa talaga tatlo mong anak nagkasakit natapat pa na mag eexam. Maging positibo nalang tayo sis at tiwala sa kakayahan ng mga anak natin.
Kailangan nila yarn para ng nang sa ganon maylakas silang makapagisip ng tamang isasagot:)
Kaya nga sis pinabaunan ko talaga Ng kanin:)
Ang sarap naman sis tyaka napaka sweet mo na mommy sa mga anak mo sis. 🥰
Ganyan talaga role Ng mga nanay sis hehe
Okay na okay yan mate para pang baon sa mga chikiting. 😊
Oo nga mate mabilisang luto lang hehe
Yes , para hindi malate.. 😁
great mommy, morning ingat sis and ganun din sa mga siblings mo 😇
Salamat sis :) ingat rin, gandang hapon!
Sarap ng kanilang baon 😋
mabuti binaunan mo sya ng ganyang baon para kahit papaano makkaiwas sya sa pagkain na mag junkfoods ang mga bata kasi hilig ang ganun na walang gaano sustansya
Kaya nga dapat may baon talaga na kanin at ulam at mga biskwit na rin para hindi na sila bibili Ng junkfoods.
sarap ng ulam nila
Mas maganda tlga magbaonNG food kesa pera
Totoo sis mas maganda talaga apra alam natin ang kinakain nila.
Sanay makapasa mga prinsesa mo sa exam sis...
Masaya sis dahil nakapasa sila si bunso ko siya daw highest score sa klase nila sa isang subject lang daw hindi siya highest 4subjects kasi exam nila sulit ang effort sa pag study hehe. Ang ate niya ang hindi ganun kataas atleast panado naman hehe proud mom parin :)
Tiwala lang sis, they can do it hihi
Gandang hapon sis, maganda naman result exam nila sis Kaya sulit ang effort hehe
Makukuha ng anak mo yung exam sis kasi nag review naman.Hirap na nga din ng exam ngayon.Kaya nga niloloko ko anak ko sis baka naka chamba ka lang hihi.
Kakauwi ko lang sis galing magsundo nabusy kanina umalis kasi kami ni mister. Nakuha nga nila sis ang ate hindi ganun kataas ang score atleast hindi bagsak haha si bunso ko Sabi niya Siya daw highest score sa tatlong subject sa isang subject lang daw hindi siya highest :)
Good luck po sa exam nila sis. 😊
Salamat :) happy mom ako nakapasa sila sa exam hehe
Sulit po ang review hehe
Papasa ang anak mo sis, tiwala lang hehe
Nakapasa nga sila sis hehe si bunso ko siya daw highest score sa tatlong subjects isa Lang hindi hehe
Goodluck sa mga babies mo sis! Yakang yaka nila yarn. 😊
Masaya ako sis nakapasa sila sa exam at si bunso ko siya ang highest sa 3subjects sa isa Lang hindi hehe
Parang ikaw na rin ang mag-eexam, mate! Don't worry kaya ng mga kids mo iyon, lalo na nag-aral naman pala sila na kasama ka. Maalala nila iyon🙏
Yumny baon, ingat kayo mga kids