Gandang hapon! Kaninang umaga, pagkatapos maihatid sa school mga bata nagpasama si mister bumili ng t-shirt pangpasok sa trabaho na susuotin kapag weekend kasi okay lang daw naka t-shirt sila tuwing weekdays lang polo o polo shirt. Ang hirap hanapan ng damit plus size kasi hehe. Makakabili sana ng mura kung medium or large size lang :) Kaya sabi ko seryosohin na niya ang pagdadiet para naman makasuot na siya kahit large size lang haha. Nung nagsusukat na siya tuwang-tuwa dahil kasya na raw sa kanya ang 1x pumayat na daw siya haha dati daw 2xl siya ngayon maluwag na ang 1x sa kanya atleast may nabawas :) Nakabili siya ng tatlong shirts pagkatapos ikot ikot lang kami sa mall. Medyo late na namin nasundo mga bata natrapik, Kaya napagsabihan tuloy kami ni bunso any tagal daw namin. Kaya ayan binilhan ng ice cream peace offering hehe bakit daw kasi hindi sila sinama sa mall :)
20 comments
hehhehe pero buti naka pamili kau para tuloy kayong nag date yieee
Haha oo nga sis parang ganun na nga haha
naks ay sana all me bebe time hahahah
May kamahalan talaga pag damit panglalake
Oo nga mate lalo na kapag plus size hehe
siguro nga kasi medium ako. pero normally mahal damit panlalaki
Wow shopping tapos konting date kayo ni hubby mo hehe.
Oo nga sis parang date na rin haha
Dapat nga takaga mag diet na din siya para mas healthy diba.
Totoo yan sis hoping talaga magseryoso na sa pagdadiet niya :)
Mahiral talaga pag plus size need ko na din mag diet kahit konti lang
Ang hirap nga bilhan ng damit sissy kapag plus size ang mahal pa damit nila hehe
nako sisssy bawas kanin os the key ganyan din ako now kaya na yung large hahahaha dati nahirpan ako magsupt pati paghinga ko nakakamiss din na kapag lumakad ka yung braso may tinatamaang bilbil now wala na hahha
Namiss mo talaga yun sissy hahaha mas maganda parin seksi tayo sissy hehe hayyy kailan kaya makasuot ng large size itong si mister hehe. Bawas kanin na talaga siya sissy hoping ma achieve niya hanggang pasko haha.
Hirap din mgdiet sis kaya pg pumayat eh sobrang saya tlaga hehehe.
Kaya nga sis ang hirap talaga magdiet lalo na kapag masasarap ang pagkain :)
mahal na nga damit ngayon, sis
Oo nga sis lalo na plus size kaya hirap bumili mas mahal :)
Iba't iba Ang Sistema ng katawan ng tao. Merong madaling tumaba na nahihirapan magpapayat. At meron Naman yung mahirap tumaba pero madaling pumayat. Meron Naman yung talagang okey lang kahit di mag effort eh sakto lang ang katawan . Mas madali nga na makahanap ng size sa Damit na fit Ang di oversize. Di Kasi pang Pinoy na size yun. Pang American size na, Ika nga.
Ang asawa ko sis kaunti lang kinakain pero mabilis siya tumaba hehe. Kaya nga sis, hirap talaga bilhan ng damit ang oversize :)