read.cash Log in
@ruby0622

Pa-Throwback muna :) Blessed morning noisers! Namiss ko lang ang probinsya namin yung ikaw ang magsawa kakapaligo ng dagat. Halos tuwing umaga maaga magising para magluluto ng babaunin puntang dagat maghihintay kami ng sunrise sa tabing dagat doon na rin mag almusal sa tabing dagat magdala lang sapin para paglagyan ng mga pagkain ang saya ng bonding nakakamiss lang. Kuha ito nung bakasyon namin nakaraang pasko sa aming probinsya sa Surigao na sinalubong kami ni bagyong odette. Pagkatapos ng dalawang araw dumating kami sa bahay namin sa probinsya dumating din si odette. Hindi ko rin talaga makalimutan ang bakasyon na yun dahil sa sobrang lakas ng bagyo. Hindi natuloy ang plano na outing nasayang lang ang down payment dahil nasira ng sakuna ang aming pupuntahan. Pero sobrang enjoy parin naman ang bakasyon nagkakatipon kaming lahat na magkakapatid pwera sa bunso namin hindi nakauwi. Lalong nag enjoy mga bata sa paliligo ng dagat sinulit talaga ang bakasyon sa kakaswimming medyo malapit lang kasi bahay namin sa dagat. Pero sasakay kapa rin ng tricycle 10mins lang naman ang biyahe. Pwede rin bangka papuntang dagat pero ayaw kasi ng mga bata dun maraming mangrove mas gusto ko naman dun kasi pag uwi may ulam kana dahil nangunguha din kami ng shells. Hoping next year makabakasyon uli God's will. Pasensya na napahaba ang kuwento :)

20 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.