Seasoning Grinder Mapagpalang hapon! Magbreak time daw muna kami sa pagreview sabi ng aking panganay :) Si bunso ang naunang nireview ko kaninang umaga hanggang alas tres pagkatapos ang ate naman niya ngayon, gutom na daw ang bilis ng oras maghahapunan na naman. Na-wow mali talaga ako kanina akala ko talaga first quarter yung booklets na binigay sa panganay ko, sa second quarter na pala yun hindi kasi nagbabasa hahaha. Kaya pala nung tiningnan ko ang pointers bakit hindi ko mahanap wahaha. May dumating na naman na delivery kanina itong si mister ang hilig mag order ng hindi ko alam magugulat ka nalang may delivery na dumating mabuti hindi ganun kalaki ang halaga. Dinaig pa ako hindi ko nga naisip na bumili ng ganyan grinder na ako lagi sa kusina haha. Sabi ko dapat isa lang binili niya para sa pamintang buo lang hindi naman kailangan yung sa asin bibilhan rin. Kasi may iodized salt ako na bote sinasalinan ko lang ng rock salt. Ang sabi niya mura lang naman daw at maganda ang lagayan nasa 75pesos din ang dalawang seasoning grinder, kasama na shipping kaya pwede na rin. Nakapagluto naba ng hapunan?nag iisip pa ako ng uulamin bbque nalang siguro tinamad na magluto :) Kumusta ang inyong maghapon?makulimlim na hapon parang uulan na naman. Stay safe all. Happy and Blessed Wednesday!
23 comments
Ang susyal naman ng lagayan mo. Magkano mo nabili yan?
Si mister nag order nito sis 75pesos na yung dalawang bote.
Ang mura naman
Oo nga sis mura na kaya binili ni mister.
tama yan kapag may time break muna mahirap kasi kpag nasobrahan sila hindi din papasok s aisipan nila ang kanilang nirereview, o kaya naman kain muna sila para mas llalo sila ganahang mg review
Kaya nga, hindi rin talaga maganda kapag sobrang stress sila sa pagreview :)
Akala ko kung anong grinder ih hahaba
Ang sipag mo sis mah review sa mga anak mo. Hindi lahat ng parents ay ganyan sayo.
Salamat sis, kailangan ireview para makasagot sa exam sis sila rin kasi kawawa kapag walang masagot :) Gandang gabi sis.
Muka ngang maganda yan sis
Yup sis maganda rin siya kasi glass bottle sosyal tingnan hehe
Ai ang ganda naman ng lalagyanan mo sis..
Oo nga sis maganda rin kasi glass ang bottle niya lakas makasosyal hehe
Ang cute sis at ang mura hah.. Good evening..
Oo nga sis mura na tin naman siya kasi glass bottle na. Gandang gabi din sis :)
Mura na din pala sis kaya hayaan mo na mister mo. Hehe. Kanina pa kami nakapagluto at maya maya ay kakain nalang din. Good evening sis.
Kaya nga sis pagbigyan mura lang naman at maganda na rin glass bottle na :) kailangan ko rin ito sa pamintang buo hindi kasi ako bumibili ng durog na gusto buo tapos ako na magdurog hehe. Gandang gabi din sis!
Looks great po
Tutok ka talaga sa dalawang prinsesa mo sis 😊...maganda yang nabili ni mister, ganyan din mga pepper grinder namen
Kailangan tutukan sis para may maisagot sila sa exam. Ang ganda nga sis glass bottle ito yung gusto ko rin :) Good evening sis.
Kaka excite pa naman mag bukas ng parcel sis.
Si mister sis excited kanina nagbukas sa inorder niya hehe. Gandang gabi sis.
Wow ang sipag nmn po mag aral nang mga anak mo sis 😊