read.cash Log in
@ruby0622

Birthday Party May party kaninang hapon dito sa kapitbahay namin. Naimbitahan ang mga anak ko, bebe din kasi ang birthday celebrant. Grabe ang tuwa ng mga bata sa magician bentang benta sa kanila hehe. Ito yung naabutan ko kanina nung sinilip ko ang mga anak ko kung saan ang venue hindi na kasi ako sumama sa kanila. Tamang-tama rin pagpunta ko kainan na sila kaya nakalibre din ng hapunan haha pati mga anak ko hindi na kumain ng dinner dito sa bahay, uminom nalang sila ng gatas. Nag enjoy din mga anak ko sa selebrasyon daming mga kendi pag uwi ng bahay so much fun daw ang celebration :) Ang daming bisita rin parang wala ng covid talaga ngayon balik normal na may party at inuman na uli. Bago ako umuwi ng bahay kanina galing sa selebrasyon nabigyan pa akong fridge magnet :) Kumusta ang inyong weekend nasulit at nag enjoy ba? Mas busy day na uli bukas pasukan na ng mga estudyante, sa mga anak ko Tuesday pa ang pasok exam lang sila kaya review uli bukas.

39 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.