read.cash Log in
@ruby0622

Walang Kuryente Ang hirap naman ng walang kuryente pero mas mahirap ang walang tubig. Nawalan ng Kuryente dito sa lugar namin dahil pumutok daw ang transformer. Pero sabi aayusin daw ng meralco ngayon kaya hoping talaga maayos na. May work from pa si mister ng 10pm at pagod rin ako kakapaypay nito kapag hindi magkaroon ng ilaw puyat abot ko nito. Mabuti nalang medyo malamig ngayon kakatigil lang ng ulan. Kaya hoping talaga mapuntahan ng meralco at maayos kaagad. Ito si bunso naglalaro sa kandila hehe pero syempre may patnubay at gabay ng daddy niya hehe gusto lang niyang itry kung mapapaso ba daliri niya, ang ate niya ayaw talaga magtry takot lang hehe. Maalala ko kabataan dahil wala kaming kuryente sa bahay ginawang katuwaan ang lampara o kandila hehe #Brownout

28 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.