read.cash Log in
@ruby0622

Blessed Morning! Pagbangon sa umaga simulan ng pasasalamat sa ating Panginoon, sa bagong buhay, kalakasan at pag-asa. Ganun din sa biyayang kaloob sa araw nato at sa araw-araw. Thank you noisers for your generosity sa everyday na pagshare ng inyong blessings. Happy palagi ang ating morning sa biyayang bungad paggising :) Throwback lang ang picture na share ko, ito yung time pabalik na kami dito sa cavite galing sa aming probinsya sa Surigao nagbakasyon nakaraang pasko. Nasa airport kami niyan, sobrang aga kami umalis ng bahay papuntang airport alas tres pa lang ng madaling araw dahil flight ng alas nuwebe ng umaga mas mabuti doon na daw maghintay kaysa maghahabol kami ng oras. Kasama ko mga kapatid ko na nagbakasyon din at sabay kaming lumuwas ng manila. Nagkahigpitan pa ng oras na yan dahil ayaw kaming papasukin sa airport dahil bawal daw mga bata sumakay may bagong memo daw silang natanggap sumusunod lang sila. Kaya pumunta pa akong office ng airlines malapit lang din sa airport para kausapin na return flight naman kami at hindi magbabakasyon. Mabuti pumayag, nakipagtalo pa ako dun sa mga staff sa airport haha. Grabe pala ang iyak ng pamangkin ko nung umalis na ang mga pinsan ayaw na kaming pabalikin dito doon na daw kami tumira sa probinsya wala na daw siyang kalaro best buddies kasi silang tatlo hehe. Itong panganay ko naman nagsuka pa sa plane mabuti to the rescue palagi ang plastic ang hirap talaga mga anak mahihiluhin sa bayhe. Kahit may lagos (hindi ko alam sa tagalog mga bisaya kabalo😄)na nakatali sa tiyan sabi ni mama sumpa daw yun para hindi mahilo hindi naman tumalab haha. Pasensya na napahaba ang kuwento kay aga aga haha.

26 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.