read.cash Log in
@ruby0622

Jobee Kids Request After Exam :) Blessed evening Noise app family! Dahil payday naman ngayon pinagbigyan ang request ng mga chikiting gusto daw nila kumain ng chickenjoy at spag sa jobee :) Sabi ng daddy nila deserve naman daw kasi pasado sa exam nila. Kaya happy mama here sulit and effort pagreview lalo na si bunso ko sabi niya siya daw highest score sa kanila perfect rin daw niya ang mother tongue. Ang ate naman hindi ganun kataas ang score sa AP niya atleast pasado yun naman importante hehe at sa tatlong subject niya bumawi naman matataas ang score niya. Pinagpahinga ko muna kanina pag uwi ng school, bukas na uli kami magreview para sa apat na subject na naiwan sa Friday pa naman ang exam nila uli. Advance celebration na ito ng mga kiddos kahit sa Friday pa matatapos ang exam nila hehe. Sini-celebrate na namin matataas uli scores makuha nila hehe. Maulan buong maghapon hanggang ngayon medyo malakas parin ang ulan. Pero kaninang umaga tirik na tirik ang araw pagsapit ng alas diyes ng umaga nag umpisa na ang ulan mabuti naihatid ko na mga bata sa school. Stay safe tayong lahat.

47 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.