Nakapaglunch naba ang lahat? Ako po katatapos lang.. Tara napo at kumain ng panghimagas, Grapes and Mango.. Pang-alis uhaw sa tindi ng sikat ng araw. Ysa19 -🌺
@Ysa19 in September 2022
Sunset! Huli man daw at magaling ay huli parin. Haha.Dahil sa sobrang hina ng net, kanina pa ako nagtatry na iupload ang pictures nayan, pero hindi ko maiupload. Ano nabang nangyayari sa mga telcos ngayon? Halos lahat na lang yata panay ang reklamo sa sobrang bagal ng signal nila. Anyway! Kanina lang yan habang nagpapahangin sa labas ng bahay. Ganda sanang tingnan ang paglubog ng araw at samahan pa ng luntiang mga damo sa palayan.Pero panira naman ang mga Cable wires ng mga…
Lucky to have them 🌺 Yun bang kahit sa maliit na bagay ay mapapasaya ka ng isañg tao. Gaya nitong bulaklak na binigay sakin ng pamangkin ko. Haha. Akala ko kung anung kinukulit nya sakin nung birthday ko. Sabi may ibibigay daw sya sakin., Wait ko lang daw, ng inopen ko ang messenger ko yan ang bumulaga sakin. Hehe.. Sweet dba? Kahit sa simpling bulaklak lang ay napasaya ang ako ng bata. Masarap sa pakiramdam na napapaligiran ka ng mga taong nagmamahal sayo. Kahit hindi kaman…
From my facebook Memories. Ito yung gawa ng mga bicolano artist. First pics and yung ginagawamg pagpupugay sa aming Patron na si INANG PENAFRANCIA.. na kung saan nagkakaroon ng week celebration ang fiesta sa Naga City,. Second pics naman ay ang famous Mayon Volcano sa Albay at marami pang iba.Basta daw taga bicol uragon yan/ Basta taga bicol matibay yan.. hehe.. Basta saludo ang sa mga artist na napakalawak ng mga imahinasyon nila. Nakakagawa sila ng isang obra, galing sa…
Anak ng kuneho bow! 😁 Ako'y may alaga Tatlong kunehong matataba. Mukha nila ay parang biik Parang bata lang kung humilik. Hahàha. Share ko lang mga ka Noise yung maga anak ng kuneho dito. Ang cute nilang tingnan. Sa una mong tingin ay parang mga baboy lamang. Nakita ko kung paano sila alagaan ng kanilang Inang Kuneho. Nilalagyan nya ng kung ano-anong pwedi itakip nya sa mga anak nya para hindi lang sila lamigin. Pinapadede nya din. Sabi naman ng pamangkin kung makulit,, saan…
Sisimulan ko muna ang aking umaga sa mga dahon. Baka maumay na kayo sa bulaklak na lang lagi ang pinopost ko dito.hahaha. Sabado naman mga ka noise. Time naman makapagrelax ang mga nagwowork dyan. Mga nagback to school. Time na makapagpahinga Time para mamasyal kung saan-saan. Time din para sa pamilya. Time for yourself. Ako ang time ko ngayon ay para maglaba. Haha. Sana hindi po umulan ngayon. Balita ko may namumuo naman ulit na LPA. Sana hindi naman tuloyang maging ganap…
Talbos ng Kamote Sino ba sainyo dito ang nagluluto ng sinabawang talbos ng kamote? Favorite yan ng pamangkin ko, kasi kapag naluluto na sya, tapos lalagyan mo ng kalamansi, nagiging kulay pink ang kulay ng sabaw. Amazing daw.Hehe. Napaka-sustansya ang talbos ng kamote. Tamang-tama ito sa mga kulang ng dugo o kaya yung mga low blood. Kapag may sakit ako o kaya sino man sa pamilya, yang talbos ng kamote ang aming nilalapitan para manumbalik ang gana namin sa pagkain. Yan…
Kalabasa naman tayo 😁 Kung kanina ang post ko ay about sa talbos ng kamote. Ngayon naman sa kalabasa naman tayo.Haha. Isa ito sa tanim sa likod bahay ng kapatid ko. Bukod sa talbos ng kamote, may kalabasa din silang tanim dun. Kapag gusto nilang magluto ng kalabasa, pupunta lang sila sa likod bahay nila instant may pang-ulam na. Pero sa totoo lang, hindi ko masyadong gusto ang kalabasa, lalo na yung ginataan. Nakakasawa agad kasi ang lasa nya. Mas gusto kopa yung kalabasa na…
Minions 😀 Collection minions from McDonald's Kanina yan habang naglalaro ang batang bulinggit. Sabi ko sa kanya, Baby ang ganda naman ng mga minions mo. Sabay kuha nya ang isang minions, sabi nya, picturan ko daw yung mga minions nya. Haha. Pambihira lang yan mag-offer na ganyan sakin. Game na game sya kanina. Sya pa ang nag-iisip ng magandang angle daw ng mga minions nya. Hehe. Kung makikita mo yung Kuko nya dyan na parang may dumi, hindi po yan dumi ng kuko. Naglalaro din…
Green Lemon Marami namang bunga ang green lemon ng kapatid ko. Isa ito sa tanim nila sa kanilang backyard. Kasama ng kamote, kalabasa, malunggay, kangkong, mani at iba pa. Unang pagkakita ko nito, akala ko same lang sila ng lime. Magkaiba din pala sila, Yung lime ay mas maliit ng konti kung ikukumpara sa green lemon. Yung green lemon naman mas malaki at oval shape sya. Pero halos pareho lang naman ang health benefits na makukuha natin sa kanila. Btw, May nagsabi sakin dito…
Sinigang from kapitbahay Tara napo at kumain. Sinigang na Karne from kapitbahay. Ganito kami dito, kung sino yung may lutong ulam, bigayan na lang kung may sobra. Kaso kami dito sa bahay, laging walang niluluto. Haha.. Kaya walang maibigay sa kanila. Hehehe. Happy lunchtime mga ka noise. Kain nadin kayo dyan.. Ysa19 -🌺
Malayo ang tingin ni Jackie. Hapon na naman kasi. Nag-iisip na naman yata sya kung anong pweding kainin nya mamaya. Puro na lang kasi tirang pagkain at buto ang kanyang nakakain. Wala naman syang choose, aso lang daw sya. Haha. Pero ang bait talaga ng asong ito. Kaya once tingnan ka nya habang kumakain ka, hindi pweding hindi mo bigyan sya. Nakakakonsensya kasi. Ang amo ng mukha nya habang nakatingin sayo. Haha.. Isa lang ang hindi ko gusto sa kanya. Sa sobrang kabaitan nya,…
Sa bawat hakbang ng ating paglakabay. May kanya-kanya tayong patutungohan. May kaliwa at kanan May paliko-likong daan. May lubak-lubak Pero isa lang ang importante dyan. Maging matatag ka sa pagharap sa iyong tinatahak na landas. Sya nga pala, pamangkin ko yan nasa picture at ako.. Hanapin nyo na lang kung nasaan ako dyan.haha. Ganda ng sikat ng araw ngayon. Kasing ganda ko lang.haha.joke! Happy monday! Ingats po sa lahat. Ysa19-🌺
Pana-Panahon ang pagkakataon. Maibabalik ba ang kahapon? Hindi na kailanman maibabalik ang isang kahapon. Lalo na yung panahon ng hapon. Kaya dapat harapin na natin ang ngayon. Ang mga makabagong modernisasyon ng bagong panahon at bagong henerasyon. Isang makulimlim na hapon po sainyong lahat. Sabay sa pagkaway ng mga dahon, sabayan din po natin ito ng pagkain ng mamon.haha. Tara po meryenda na. Ysa19-🌺
Nakakaawang isipin. Humihingi ang batang yan ng pagkain. Para lang may pang laman sa kanyang tiyan. Kanina lang yan sa Eatery ng Kapatid ko. Habang nandun kami sa tapat ng kainan, may batang lumapit sa amin. Akala namin mag takeout sya ng pagkain. Bata", Pwedi bang humingi ng pagkain? Halong bikol at tagalog ang salita nya. Sabi namin taga saan kaba? Bata", Galing akung Naga Tanong ulit namin sa kanya, taga saan kaba? Sabi nya taga Pasacao daw sya. Isang lugar dito samin.…
Yung bang magugulat kana lang pag-open mo ng phone sa umaga ay biglang may magsasalita na kay liit ng boses nya. Nakakagulat kaya, lalo na kapag bagong gising ka lang. Ayon may biglang nag pop out sa notification ko, from talking tom.haha. Kagagawan naman ito ng pamangkin kung ubod ng kulit. Nagdownload naman sya kahapon ng talking tom. Sabi ko sa kanya, huwag munang idownload yan, kasi maghahang naman ang phone ko and phone storage na. Ang sagot nya sakin, kapag naghang daw…
Langit ay dumadagondong sa kulog.Tila ba ay galit na galit kung kanino man. Maitim na kaulapan iyong makikita sa kalawakan. Muli namang nagbabadya ang malakas na ulan. Mata ko'y bumibigat na, sabi nyay matulog kana. Sa pagpatak ng ulan, sabayan mo ng pagkuha ng unan at yakapin ito ng marahan.. POWER NAP Lang po 😁 See you all mamaya. Haha. Ysa19 -🌺
Pagbisita ni Inang Penafrancia sa Aming Barangay. Kinaugalian na dito sa Bicol, bago paman i celebrate ang fiesta dito sa buong kabikolan, specially sa Naga. In honor sa Aming mahal na Patron na si Inang Penafrancia.. Inililibot muna ang kanya replica sa ibat-ibang barangay dito sa bicol. Sa dalawang taong nakalipas, walang naging ganap na celebration kay INA..Kaya ngayon naman lang magkakaroon. Kanina nga, naganap yung procession kay Inang PenaFrancia. Inililibot ito sa…
Traffic na naman. Kanina lang yan, bago dumaan ang procession. Alam ng may dadaan na procession, pilit na nagsisiksikan ang mga sasakyan. Naghahanap ng pweding malusotan. Ayan tuloy ang resulta, imbes mapadali, mas lalong natatagalan ang pag-usad ng mga sasakyan. Balita namin sa may unahan lang ay may aksidente naman daw. Dahil din yan sa ibang mga driver na walang disiplina. Imbes na makauwi ng maayos sa kanilang pamilya. Hospital tuloy ang uwi nila... Ingat po sa mga…
Dewdrops While the Sun is up! Ito yung bakas ng ulan kahapon. Kahit tirik na tirik na ang araw ngayon, hindi parin nawawala ang mga patak ng ulan na naiwan sa mga halaman. Magandang morning sainyong lahat mga ka noise. Ibat-ibang ganap ang nangyayari sa atin araw-araw. Sa trabaho man o sa eskwelahan, taong bahay man o saang dako kaman nariyan. Doble ingat na lang po mga kaibigan. Alagaan ang ating mga katawan kasi nag-iisa lang yan at hindi pweding mapalitan. ysa19-🌺
BasTeakoy Mango Overload Dumayo pa kami sa kalapit na barangay namin para lang bumili ng BasteaKoy mango overload. Sobrang init kasi, parang matutuyo na ang utak sa init. Haha.. Sulit na sulit naman yung Te, sa halagang 80 pesos ang large, masarap na masarap yung lasa, mango with graham crackers yung flavor nya. Hindi ko kayang ubusin, kaya tinira kona lang sa kapatid yung kalahati. Kahit papano ay naimbsan ang init na aking nararamdaman. Wait and see na lang at baka siponin…
Simbahan sa Aming Bayan Ito pala yung simbahan sa aming bayan. Under renovation sya. Pero konting push na lang ay matatapos na sya. Ang ginagastos nila sa pagpapagawa ng simbahan ay nagmumula sa mga donasyon ng mga taong nagsisimba sa bawat simbahan ng barangay at tinitipon nila lahat ito para ibigay sa namumuno ng simbahan sa paggagawa nito. Kahit konting tulong kahit piso lang yan, once naipon ito ay malaking halaga na ito para maitulong sa pagpapaayos ng simbahan. Basta…
Kawawang rabbit, hinuli ni bulinggit. Ito yung isa sa rabbit na naupload dito. Yung bagong panganak lang. May hair na sya, Parang 3n1 coffee. ang kulay nya. Kanina lang yan, nakita ng makulit na bata dito, gusto nya daw hawakan ang baby rabbit.. Kulang na lang mapisa ang rabbit sa higpit ng hawak ng batang makulit. Hehehe.. Super kulit.. By the way, hapon naman po.patapos naman ang araw. Ano ba ang meryenda natin dyan? May suman ba, bilo-bilo sapin-sapin, pansit, spaghetti,…
Look up, look up, look up to the sky and bend. Haha.. Kanina lang around 6 pm, tinatawag ako ng pamangkin ko. Tingnan ko daw ang sky kasi ang ganda, akala ko kung anong sinasabi nya sakin na maganda. Firstime nya kasing makakita ng line sa clouds, dala ng may dumaan na jet plane yata. Kasi hindi naman nagkakaroon ng bakas ng dinadaaan ang eroplano. Haha.. So, yun.. ang ganda ngang tingnan ang langit. Sinabayan pang maagang nagpakita ang buwan. Kitang-kita kasi very cleae ang…
New Update from NoiseCash? Bigla akung nagising sa aking pagkakatulog ng marinig ko ang ingay nyo dito.haha. May new update pala ang noise.cash. Halos lahat na mabasa kung post ay yan ang nababasa ko. Ako na lang yata ang walang account dun 🤔 Pero later gagawa din po ako. Basahin ko muna ang mga post nyo, para hindi ako magkamali sa paggawa nito. Nagkatotoo na yung mga sabi-sabi natin dito, na sana magkaroon ng private chat sa noise.hehe. Soon nyan ay videocalling narin.…
Ganito ang Pusa samin. Hindi na kailangan pang bumili ng pangdisplay. Haha. Nandyan na sila at gumagalaw pa. Naghihintay naman yan ng pagkain. Pero behave lang sya dyan sa may kanto. Naghihintay lang kung tatawagin na sya para kumain. Haha. Magandang gabi mga ka noise.. Medyo may konting pag-ulan dito samin. Pero malamig naman ang gabi ngayon. Sarap matulog ng maaga. Haha. Sya nga pala, may ulam naba kayo o naghapunan na? Ako kasi hindi pa . Wala pa akung marinig na…
Kindly follow me if you want only 😁 Medyo nahirapan ako kung paano maglagay ng link ng account ko. Sabi nga, kapag gusto mong matutunan ang isang bagay. Hindi ka titigil hanggat matutunan mo ito.haha. Wala pang laman ang account ko dun. Saka na lang siguro ako magpost. Kapag officially lunch na ang apps. Tamang explore lang po muna. https://noise.app/Ysa19 https://noise.app/invite/gw5tcxjl
Gagambalain muna Kita. Kagabi yan bago ako matulog ng mapansin ko yung gagamba sa pader. Malaki syang gagamba,kulay gray ang kulay nya. As usual kinuha ko ang cellphone ko at dahan-dahan kung kinunan ng larawan ang gagamba.Nakailang take ako ng shot, pero ang pangit ng shot ko.Behave naman yung gagamba, hindi sya gumagalaw. Pero ng mahalata nyang may tao, bigla syang gumalaw at lumukso. Kaya naman ako, bigla din natakot sa kanya at napasigaw.haha. Akala ko kasi pupunta yung…
Bishop Francisco Gainza Trade Fair. Ito yung isa sa magandang puntahan kapag fiesta sa Naga. Ang trade fair.. magtatagpuan mo ito sa isang Mall sa Naga City. Tampok dito ang mga produktong gawa ng mga taga bikol. Mga Native products, Native delicacies, mga native foods, mga paintings na gawa ng mga bicolano artist... Ilan lang yan sa mga nasa larawan ang makikita mo sa trade fair. Dinadagsa yan ng mga dayuan sa Naga city, para may pasalubong o kaya may remembrance sila sa…
Naga Metropolitan Cathedral Yang ang simbahan kung saan nakalagak ang imahe ng aming Patron sa bicol na si INANG PENAFRANCIA.. Ilang months narin akung hindi nakakadalaw sa simbahan nayan. I'm sure ngayon mas marami namang mga deboto ni Inang Penafrancia ang dadalaw dyan para makahaplos man lang sa image ni Ina. Medyo pahirapan, siksikan ang mararanasan mo dyan, para lang makahaplos kay Ina.. Aakyat kapa sa isang makitid na hagdan, patungo sa taas kung saan nandun ang image…
Ako ang nagsaing, pero lahat kami ay kakain. Haha. Hindi pa dumarating yung kapatid ko na tagaluto ng pagkain namin. Hindi naman sya nagpaalam na gagabihin sya pag-uwi. Kaya ako nà lang muna ang nagsaing. Kaya ito sa rice cooker ako nagsaing. Ang hindi ko lang gusto sa rice cooker, ang tagal bago maluto ang kanin. Aabutin yata ng isang oras, bago sya ganap na maluto. Mas okay pangmagluto sa d uling, o kaya d kahoy.Mas madali dun, kaso kapag sa kahoy ka naman magluto,…
Buwan Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan. Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan. Saksi ang buwan at mga bituin sa pagmamahalan nating dalawa.. Nating dalawaaaa. Hanggang dyan na lang po ang aking kanta.. Ang sarap kasing titigan ang buwan. Kaya napakanta tuloy ako ng "KALAWAKAN ng Music Hero.. Kanina orange na orange ang kulay nyan. Parang nagbabagang apoy. Siguro bukas ang tindi namang init ang mararanasan natin 🤔 Btw,Makapasok na nga sa loob ng bahay namin at baka…
Kay Gandang Araw. Oh, Kay gandang araw Aking natatanaw. Mapuputing ulap na tila mga bulak. Mga ibong kumakanta Kaso hindi ko alam ang inaawit nila. Basta ang sabi ay tweet-tweet. Tila ba sinasabing pakinggan ko ang kanilang awit. Haha. Isang magandang umaga ng lunes po sa ating lahat mga ka Noise. Start naman ng maraming gawain sa bahay, sa trabaho man o sa eskwela. Basta kahit saan o ano paman yan. Ingat lang ang ating kinakailangang gawin, para ang lahat na mga tungkulin o…
Kalabasa at Talbos ng Kamote. Parang alam kona ang ulam namin ngayong lunch.Hehe. Padala yan dito samin ng kapatid ko. Madami kasi ang talbos ng kamote nila at nagharvest sila ng kalabasa. Maraming bunga ang kalabasa kaya ito pinadala samin. Ang gusto ko lang naman dyan, ay yung sabaw ng talbos ng kamote. Lakas makalabas ng pawis.Mabuti ito sa mga low blood o kulang sa dugo. Masaganang gulay at magandang kalusugan.Kapag kumain ka ng gulay. Ysa19 -🌺
Alas kwatro naaaaaaaaaaa Ang init parin kahit alas-kwatro na. Kaya tago na lang ako sa halaman na ito. Bagong paligo lang ako, sayang ng sabon at shampoo ko. Haha. Ano kaya masarap na meryenda? Ayoko naman ng kape? Tinapay naman, nakakaumay na. Makainom na nga lang ng malamig na tubig.hehe.. Sobrang mema.haha. Magandang hapon na lang po sainyong lahat. Ysa19-🌺
Gagawin ang lahat para sa Pamilya nya. Sya si Tiya Naty, Taga rito sya samin. Nag-iisang tinataguyod ang kanyang mga anak dahil isa na syang biyuda. Pero hindi naging hadlang ang pagiging isa nyang biyuda para sa kanya. Kahit namatay na yung asawa nya, hindi parin sya nawalan ng lakas ng loob para lang buhayin ang kanyang mga anak. Araw-araw ay nagtitinda sya sa Market sa Naga City ng mga gulay, prutas at iba. Maaga syang gumigising para masaktohan nya yung mga maaga ding…
Umaga na naman! Pero kay saklap! Unang hawak ko palang sa kanya ay bigla syang bumagsak. Ayon sabay pulot sa sahig. Mabuti na lang at nandyan ang protective case. Para kahit paano ay na proteksyonan sya sa kanyang pagkakahulog. Pero ang saklap parin, kasi pataob bumagsak ang cellphone ko. Ayon basag ang harapan nya. Wala pa naman akung pangpalit, Mabuti na naman at gumagana parin. Kaso yun nga lang,basag na ang front nya. Huwag mo naman sana akung tuloyang iwanan. Taon narin…
Ito na pala yung isa sa baby rabbit 🐇 Na naipost ko dito nung wala pa silang mga buhok. Ito na sya ngayon.. Naghahalong brown ang kulay nya at black. Ano kaya ang magandang ipangalan sa kanya? Pwedi naba ang mocha o kaya 3N1? Haha.. Nakatakas sya sa kanilang kulungan. Ewan ba namin kung saan sya dumaan ang kulit-kukit. Kaya tuloy hinuli naman sya dito ng katulad nyang ubod din ng kulit. Haha.. Ayan pinaglaruan naman ang batang rabbit. Kagigil naman kasi, pati nga ako…
A Quick Visit Kay Inang Peñafrancia. Sa wakas ay nakabisita narin sa aming mahal na Patron ng Bicol na si Inang Peñafrancia, nakapagsindi ng kandila at nakahaplos sa kanyang imahe. Yang ikatlong pics na nakikita nyo ay isang makatid na hagdan yan patungo kay INA.. Andun sa dulo nakalagay ang kanyang imahe. Medyo pahirapan na makarating dyan kasi makitid lang ang hagdan at ang init-init pa. Pero lahat yan ay pinagtitiiisan ng mga deboto ni Inang Peñafrancia para lang…
Naga Metropolitan Cathedral Dito nakalagak ang Image ni Inang Peñafrancia..ang mahal na Patron ng buong taga bicol. Kanina nagkaroon kami ng chance na mabisita si Ina ng malapitan at nakapagsindi narin ng kandila. Yan ang loob ng church. Kung titingnan mo sa labas, parang napakasimple na simbahan. Pero kapag nasa loob ka naman ay mapapawow ka dahil sa mga architectural designs with spanish romanesque style. Ito din ang tinuturing na pinakamatandang simbahan sa luzon na…
Welcome sa Noise Ysa19 😁 Yan yung pa welcome greetings sakin sa Noise Apps noong gumawa ako ng account dun. Kailan ba yun? Noong September 9 tandang-tanda ko ano. Haha . Pero kahapon lang ako nakagawa ng unang post dun. So, sa gustong bumisita ng account ko, ito yung link.. pasok na lang kayo yung gusto. Welcome na welcome po kayo dun sa bagong tahanan natin. https://noise.app/Ysa19 Ysa19 -🌺
Luntiang Palayan Kahapon yan ng sumama ako sa kapatid kung mag joyride. Nagpadiesel sya at yan ang nakikita sa likod ng gasoline station. Nakalimutan ko bawal palang gumamit ng cellphone sa gasoline station.. Mabuti na lang at saglit lang naman kami dun. Hehe.. Hindi napo mauuilit 😁 Isang makulimlim na hapon sainyong lahat. Ang ganda ng panahon kanina, pero biglang umulan. Mabuti na lang at tapos na ang ginagawang scout parade sa Naga City. Tuloy-tuloy kasi ang celebration…
Colgante Bridge Tragedy Fluvial procession, Ito ay yung paghatid kay Inang Peñafrancia pabalik sa kanyang tahanan sa Peñafrancia shrine. Pero sa pamamagitan na ng tubig. Nagkakaroon ng fluvial procession sa Naga River ang Imahe ni Inang Peñafrancia, iniikot ito hanggang makarating na sa sinasabing daungan ni Ina. Maraming mga deboto ang sumasama dito sa fluvial procession, Pero yung pagoda ni Ina ay bawal dun sumakay ang babae. Kaya puro mga kalalakihan ang sakay nun. Dahil…
Hands puppets Winnie the pooh with her friend. Ang cute nila ano? Once makita mo sila, parang agad mapapangiti ka. Ako pala yan may hawak kay Winnie and yung isa sa pamangkin ko. Pero nagtatalo kami kung Ano nga ba yan kulay brown na puppet? Bear ba yan o mouse? Haha. Kasi mahaba ang ears nya, sabi naman ng pamangkin ko bear daw yan.hehe. Anyway, Magandang morning ulit mga ka Noise. Napasarap ang tulog ko.Medyo malamig kasi ang panahon dito. Umulan kagabi at ngayon ay…
Feeding Time🐇 Nakawala sa kulungan ang rabbit na ito at mukhang gutom na kasi. Kaya to the rescue ang mga bulinggit dito. Wala silang pasok ang private and public school.Kasi holiday ngayon sa buong Camarines Sur, dahil sa ginagawang pagdiriwang ng fiesta sa Naga. Kaya free ang mga batang maglaro sa labas. Ito naman ang nakatuwaan nila. Si rabbit,kumuha sila ng talbos ng kangkong at kamote sa likod ng bahay para pakainin ang rabbit. Kaya ayon oh,busog na busog ang…
Hapon na naman mga ka Noise. Tara napo at sabayan nyo ako sa meryenda ko.. Sandwich dala ng kapatid ko. Kaso hindi ko alam kung klase ng sandwich na ito. Haha.. Sabayan ko naman lang ito ng pure water.. Grabe kasi ang init ngayon dito.... Ang pawis ko tumutulo hanggang legs. Hehehe. Ysa19 -🌺
Street Foods pa more.. Yan ang makikita mo ngayon sa Naga City. Buhay na buhay ang bawat sulok ng kalye. Specially sa Plaza Rizal.. Maraming nagtitinda ng ibat-ibang street foods, like mga tusok-tusok. Muling nagkabuhay ang pagcelebrate ng fiesta dito sa Naga. For almost two years din kasing walang naganap na celebration. Kaya ang mga tao ay naging sabik sa mga ganitong pagdiriwang ng fiesta. Kanina ay naganap ang Civic Parade and float competition. Naging masaya at masigla…
Muling nagbabalik ang inyong lingkod para bahagian kayo ng mga makukulay na bulaklak sa aking paligid. Haha. @mrpeelai para sayo ito 😁haha.. Inunahan na kita kasi alam ko favorite mo ang mga bulaklak. ✌️ Medyo makulimlim naman ang buong paligid.kanina lang nagpakita na si araw. Iba-iba talaga ang panahon. Hindi mo maintindihin.haha..Parang mga tao din ano? Hahaha Goodmorning Noise Community.. Kaway-kaway po sainyo dyan. Ysa19 -🌺
Pamaypay para sa ikabubuhay Ito ay isang eksena na makikita mo sa bawat sulok ngayon ng Naga. Ibat-ibang klase ang mga nagtitinda ng ilan naming mga kababayan para lang matustusan ang buhay ng kanya-kanyang nilang pamilya. Kahit umulan man o umaraw ay hindi nagiging hadlang para ipagpatuloy ang kanilang marangal na hanapbuhay. Alam naman natin na maliit lang kita na makukuha sa pagtitinda ng pamaypay. Pero malay natin sa maliit nayan ay dyan nila kukunin ang pangsaing nila…
Man in Uniforms Ito pala yung mga bantay kanina sa katatapos lang na Military Parade sa Naga. Mga dayuhan na mga police at army ang bantay galing pa sa ibang lugar ng kabikolan. Bakit kaya kapag nakakakita kang mga man in uniforms, parang lahat sila ay gwapo? Parang na-iimagine mo yung mga bida sa pelikula at tv. Hahah. Katulad din sila ng mga nakamotor with helmet. Once nakasuot nun ang lalake ay aakalain mo lahat gwapo. Pero once inalis na nila yung helmet, minsan makikita…
Messenger Kids Isa ito sa feature ng messenger ngayon. Para sa mga bata lang yan, nakalagay nga for kids. Haha. Na kung saan pwedi silang magdrawing. Ang mga yan ay send sakin ng isa kung pamangkin na one and only inaanak ko. na si baby Faith. Mahilig din kasi syang magdrawing, lalo na kung wala syang nakakausap sa bahay nila. Yan ang libangan nya. Drawing sya sa kanyang messenger and send sa groupchat namin para hulaan namin daw kung anong drawing nya. Kahit ni isa ay wala…
Empty bottle of Softdrinks Sino ba ang gumagawa nito sainyo? Imbes na itapon yung empty bottles ng softdrinks ay ginagawa naming lalagyan ng mga empty sachets ng kape, shampoo at iba pa. Tinutupi ko ito para magkasya sa butas ng sofdrinks. Haha. Para hindi kung saan-saan nagkalat ang mga basura. Kinasanayan kona ito kasi naging project yan ng mga pamangkin ko sa kanilang school. Kaya naman kapag may project sila ulit. Kumukuha na lang sila sa naipon kung mga empty plastic..…
Umaaraw Umuulan.. Ang buhay ay Sadyang ganyan.. Umaaraw.. Umuulan... Katatapos lang umulan at nandayn naman ang araw! Mamaya naman ay uulan naman. Ano ba talaga? Haha. Ganyan ang panahon ngayon namin dito.Hindi mo maintindihan,kaya nakakalito na.Kasasampay kopa lang ay biglang umulan at ngayon ay maaraw naman. Ang gulo ano? Katulad ng post ko.haha.. Yan palang nakikitq nyo ay bulaklak ng damo.Muntik kona silang maapakan pero napawow ako sa kanila. Sabay click ng camera.. d…
Alamang Ulam for Lunch Tara mga ka noise, lunch po tayo. Ang ulam ko ay alamang/balaw kung tawagin sa bikol. May kahalo syang itlog, kamatis, luya at sangkatutak na sili. Haha. Tara kakan kita/ Tara kain tayo at sabayan nyo akung kumain habang nakakamay para lasap ang sarap. Hehe.. Happy Lunchtime Everyone! Edit post- Hindi nakasama ang pics ng alamang.wahha Ysa19 -🌺
Kararating lang namin galing Naga City. Sinundo kasi namin yung asawa ng kapatid ko at mga pamangkin. Kahit tapos na yung fiesta, ang dami paring tao sa Naga. Lalo na sa may Plaza. Madaming mga vendors, ibat-ibang klase ng mga paninda ang nandun. Ang dinudumog yung mga tindang mga ukay-ukay. Minsan lang akung mapunta sa centro ng Naga. Ang kinaayawan ko kasi dun, once na siksikan ang mga tao, ibat-iba ang maaamoy mo. Amoy ng mga nagtitinda ng barbeque, amoy ng malansang…
Beautiful Sunrise 🌅 Sobrang na amaze si Jj ( foriegnonoy namin kung syay tawagin.. ng makita nya ang sunrise habang naglalakad sila ng mommy nya papuntang school. Walking distance lang kasi ang school na pinapasokan nya sa kanilang bahay. Kaya todo pose at papicture sya sa kanyang Ina.hehe.Sobrang kwela ang batang yan,nagmana sa daddy nya. Btw, Kuha pala ito ng kamag-anak ko na nasa Ohio. Kinaugalian nya na, na once may mga bagong pictures ang mga anak nya, send agad yan sa…
Passion Fruits from neighbor! Ang daming bunga ng passion fruits ng kapitbahay namin. Sa daming bunga nya ay nangangapitbahay na sila dito samin. Ang ganda sanang tingnan yung kumpol-kumpol nyang mga bunga. Parang mga Christmas balls na nakabitay lang sa taas. Kaso gumagapang na sya sa kawad ng kuryente na nakakonek sa poste, as in live wire sya na pweding makadisgrasya sa kukuha ng fruits nayan. Ilang beses ng sinabihan ng kapatid ko nabawasan na ang mga sanga nyan., eh…
Princess interested to Play Ukelele. Kanina lang yan, habang hinihintay nyang dumating si mommy nya. Napagtuunan pansin yung ukelele ni Tita nya. Pagkatapos gamitin ni tita nya yung ukelele,nilapag nya sa table yung ukelele at nakalimutan nya itong balikan at sinamantala ng bata ang pagkakataon na wala pa ang tita nya. Ayon kahit hindi pa naman marunong magtugtog ng ukelele..Todo strums sya. Haha.. Ang kinatatakot ko kapag naputol yung kwerdas na tinatawag,, lagot kami kay…
Best out of Waste from Plastic bottles. Basura kaba? Tara at gawing kitang paki-pakinabang pa. Tumingin-tingin sa ating paligid. Ang mga basurang nakikita nyo ay gawin natin yan paki-pakinabang. Pen holder out of waste empty plastic bottle of Minola oil. Ginawa ko ito lastyear yata🤔 Habang naghuhugas ako, nakita ko yung empty bottle ng minola oil. Nagandahan ako sa kulay nya at ayon biglang lumipad naman ang isip ko. kinuha ko sya at hinugasan para mawala ang mga natitirang…
Squash Chips and Banana Chips! Pinadala ito sa kapatid ko ng nasasakupan nyang association sa agriculture. Sample lang yan ng mga products na ginagawa nila. Nagstart kasi sila na magkaroon ng store na kung saan dun tinitinda ang mga gawa nilang products na galing din sa mga pananim nila. Katulad ng mga gulay at mga prutas. Nagkakaroon din sila ng mga free training's sa tulong ng D.A and DTI na kung saan tinuturuan sila kung paano gumawa ng mga produktong gawa sa gulay.…
Sa bawat kanyang pag-usbong may bagong halaman na muling sisibol. Dahil napakalakas ng ulan ngayon dito. Hindi tuloy ako makalabas ng bahay. Kaya ang tanging napagtuunan ko ng pansin ay itong halaman sa terrace namin. Hindi ko alam kung anung pangalan nya. Basta sya.. hehe Ang cute kasi ng pagkulot-kulot ng dahon nya. Kaya sabi ko sa sarili ko, ipopost kita.. haha.. Maulan na hapon sainyo mga ka Noise. Maliligo sana ako kanina sa ulan. Kaso natakot ako sa kulog at kidlat.…
Birds with the same feathers flock together. Kanina lang yan habang kasagsagan ng napakalakas na ulan. Kumpol-kumpol yung ibon sa kawad ng kuryente. Ang galing nila, hindi sila nakukuryente at ang galing ng balancing nila. Hindi sila nahuhulog.haha.joke! Actually binilang ko sila 21 silang lahat. Nagpapalipas na tumila ang malakas na ulan. Nakakaawa din silang tingnan kasi basang-basa ang kanilang katawan, i mean yung mga pakpak nila. Haha.. Pero kahit ganun, sama-sama lang…
First bloom 🏵️ May maagang pa Flower's naman ako para sainyo mga ka noise. Share ko lang ang unang pamumukadkad ng halaman na ito. Tanda ko galing ang seeds ng halaman na ito nung pumunta kaming Albay nung June. Two months na ang nakakaraan. Nung namasyal kami sa Eco Park and Wildlife ng Albay. Kinasanayan kona kasing kumuha ng mga seeds kapag nakakakita akung ganitong mga bulaklak. Gusto ko kasing punoin ng mga halamang namumulaklak ang paligid ng aming bahay. Haha.. At the…
Gusto kung ice cream.. Ay wala? Gusto kung halo-halo.. Wala din! Gusto kung ice candy... Wala parin! Gusto kung ice drop.. Lalong wala din! Puro na lang wala! Wala! Wala! At higit sa lahat,, Wala ding kuryente samin.. haha. May power interruption kasi dito kanina pang 9 am to 5pm daw ito. Kaya todo paypay naman ako. Grabe naman ang pawis ko.. Abot hanggang tuhod na. Hehe.. Ang init din sa kwarto ko.. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang mga unan ko at sa sahig ako nahiga. Haha.…
Dahil sa nakita kung post dito ng isa nating ka Noise na maruya/ Baduya kung tawagin samin. Kaya ito may saging pala dito samin, nilaga namin at nilagyan ng caramelized sugar.. Instant may meryenda na kami. My craving satisfied.. haha.. Kayo po anung meryenda nyo ngayon? Snack time na, para happy tummy time narin. Ysa19 -🏵️
Bananaaaaaa Napaaga ang lunch ko.. kaya tara at sabayan nyo akung kumain ng bananaaaa.. bananaaaa. Hehe. Ang sarap ng pagkakahinog nya. Tamang-tama lang kasi. Galing pa itong Davao, dala ng asawa ng pinsan ko. Kaya ito binigyan naman kami. Ako pa naman once saging ang usapan hindi ko yan inuurongan kainin. Hehe.. Masarap naman kasi at maganda ang benefits sa ating katawan. Kung ano-ano ang mga ito, google nyo na lang po at mahina ang net ko. Haha 😁 Happy lunchtime everyone!…
Barya-Barya kapag naipon ay may halaga. 25 centavo coins nilalagay ko yan sa isang basyo ng garapon. Kung mapapansin nyo sa pics, cheese whiz ang nakalagay sa bote. Haha. Dba may pakinabang parin ang mga bote ng mga palaman, kisa itapon ulit sa basurahan. Sya nga pala, ang mga coin's nyan ay matagal nayan sa cabinet. Minsan kasi,ang mga pamangkin ko pinaglalaruan nila yang mga coins nyan. Akala nila kung ano lang, hindi namin kasi sila sinanay humawak ng mga coins, o kung…
Buhay natin ay paikot-ikot lang Gaya ng munting bubuyog. Hindi alam kung saang bulaklak sya sisipsip. Kaya pati sa mga sanga at dahon ay pilit syang kumakapit. Marahil ay hinihanap nyo ang bubuyog sa larawang yan? Hindi nyo makita ano? Umiikot-ikot sya, palipat-lipat sa mga sanga, naghahanap ng ikabubuhay nya. Kaso malas nya nga lang at wala pang mga bulaklak ang halaman na nilalapitan nya.Haha. Ako naman itong bawat paglipad nya ay pilit din syang hinahagilap ng camera.…
Igado sa tagalog, dito naman samin ay higado with H.. hehe. Busog na busog na ako ka noise at ang ulam nga namin ay higado/ Igado basta may Do..haha Sobrang napasarap ang kain ko at todo nakakamay pa ako. Hehe Sino ba dito ang kumakain ng nakakamay? Ako po kasi depende lang naman sa ulam. Pero kapag ganitong ulam na may konting anghang, ayon napapasarap ang kain ko nyan at nakakamay ako. Para lasap yung sarap. Kapag nakakutsara kasi, parang hindi ka relax kumain. Ewan ko…
Paro-paro 🦋 May naligaw naman na paro-paro kanina sa may kusina namin. Dumapo sya sa bintana ng lababo. Sabi ko sa isa kung kapatid, ay si Mama naman yan. Nagpaparamdam na, kasi malapit na ang death anniversary nya.. at sa September 26 yun.Parang kailan lang mag 8 years na palang wala sya samin. 😔 Btw, Naniniwala ba kayo sa mga ganyan? Na nagpaparamdam ang mga mahal natin sa buhay o kaya malapit sa ating buhay. Kapag silay lilisan na sa mundo o kaya nagpaparamdam sila sa…
Tirik na si haring araw. Kaya tayo na at gumalaw-galaw! Habang naglalakad-lakad ako dito sa harap ng aming bahay. Wala akung makitang pweding picturan para maipost dito. May mga bulaklak pero halos pareho narin ng mga napost ko dito before. Kaya ito na lang munang anino ng dahon. Haha. Anino kaba? Bakit? Kasi lagi kang sumusunod sakin kahit saan man ako makarating! 😁 Lahat tayo ay may kanya-kanyang anino ng nakaraan. Maganda man yan at masama pero sa anino ng kahapon noon,…
Nilagang Saging Pinakialaman ko ang saging na binili ng kapatid ko. Nilaga ko ito, tanong ko sa kapatid ko, paano ba malalaman kung luto na ang nilagang sagaing?. Haha. Hindi nya ako narinig kasi nagmamadali syang umalis.. Sabi ko naman sa sarili ko, kinakain nga itong hindi nilagaga kaya tama nyan.haha.. Ang importante may meryenda na ako. Haha. Tara kain po tayo mga ka Noise with mainit na kape. Sana lang makatulog ako mamaya nito.. Ysa19 -🏵️
Tanaka with the Missionaries of Later Day Saints. Inabot ako ng gabi dun sa may kainan ng kapatid ko. Kasi alam kung may mga bisita sa bahay namin yun ang mga missionaries from laterday Saints. Ayoko kasing basahan nila ako about sa mga Bible.Once kasing pagbigyan nyo sila ay babalik-balikan kana nila. Hehe. Hindi naman ako kontra sa religion nila kasi yung pamilya ng kapatid ko ay lahat na sila nagconvert bilang latterdays Saints o populary known as mormons. Ayon na nga,…
Basilica Minore of Our Lady of Peñafrancia. Kararating lang galing ng Naga City. Nag-attend kami ng first sunday of mass after Peñafrancia Fiesta. Grabe siksikan parin ang mga tao. Hindi na namin nagawang pumasok sa simbahan sa daming mga nag-attend ng mass. Dun na lang kami sa labas nakinig ng mass habang nakapayong lang. Sana hindi ako sipunin nito. Kahit kasi may payong kami ay nauulanan parin ako ng konti. Hindi patitinag ang mga devotees ni Inang Peñafrancia, umulan man…
Sunday Mass at Basilica Minore Naga City Just got home from Naga City. Nag-attend kami ng mga kapatid ko ng mass. Dagsaan parin ang mga tao sa Simbahan para maka-attend ng first Sunday Mass after nung Peñafrancia Fiesta. Hindi tuloy kami nakapasok sa loob ng church. Kaya nagtiyaga nalang sa labas makinig ng mass. Grabe yung ulan kanina. Pero matiyaga parin naghintay ang mga tao na matapos ang mass kahit ang iba nga ay nababasa na ng ulan including me. Btw, Ingat po tayong…
Remembering My Mama' s Death Anniversary today! Parang kailan lang matagal na pala kaming iniwan ni Mama. Lastime ko syang nakausap nung first visit ko sa kanya sa hospital. Sabi ko Mama pagaling kana po, uuwi na tayo bukas. Sagot naman nya sakin, Oo. Uuwi na ako bukas.. Pero yun na pala ang lastime na maririning ko ang malamyos nyang tinig. Kinaumagahan sinugod na sya sa ICU. Almost 1 week sya dun na comatose.. Sabi nga kahit ayaw pa nating mawala ang mga mahal natin sa…
Bakit kaya Ganun 🤔 Share ko mga ka Noise yung experience ko kahapon. Ganito yun, pumunta kami ng Naga City ng mga kapatid ko at kasama din namin yung hipag ng kapatid ko at anak nya. Sabi nya sa kapatid ko pupunta muna daw silang Sm, kasi wala sa Robinson yung hinahanap nilang bibilhin. Sabi nya sa kapatid ko, tawagan nyo na lang kami kung papauwi na kayo. Kaya binigay nya yung number nya sa kapatid ko. Nung time na uuwi na kami, sabi ng kapatid ko, kung may pantawag daw ba…
Goodmorning Thuesday From Mingmings 🐈 Ito yung mga pusang alaga ng kapatid ko. Mga ordinary lang sila, kumbaga nagsimula lang silang mag-alaga ng pusa sa pusang naligaw sa bahay nila. Kapag ganyan kasi nakakakonsensya naman na hindi sila pakainin at hanggang mapahal kana din sa pusa. Ang lalambing naman kasi nila, kahit sobrang kukulit. Ayon hanggang sa nabuntis yung pusa nila at umabot ng mahigit sampung pusa. Minsan nakikita ko ang bayaw ko na nag-aabang ng nagtitinda ng…
Thumbs up ba? 👍 Or Thumbs down? 👎 Dumating kanina yung inorder ko from shopee na vase. Ang cute ng design nya kasi may naka-thumbsup na kamay. Kaya napaorder ako sa kanya. Haha. Pero ng binuksan kona yung parcel bigla akung napangiti ng ganito 🤣 Ang liit ng vase, parang 2 inches lang yata. Expectations versus reality.. hehe. Anung halaman ang pwedi kung mailagay dyan? Haha.. Shopee budol is real.. haha.. Ano bang pwedi kung i rate sa shop nila? Thumbs up ba or thumbs down.…
My Relatives Farm Ito yung view ng farm ng pinsan ko.. Sa Calabanga Camarines Sur yan.. Kasisimula palang nila ngayong year ang pagtatanim dyan kagaya ng mais at Luya at iba pa.. Iniinvite nila kami dyan na pumunta kasi maganda daw ang place. Kaso hindi nagkakaroon ng time, busy kasi araw-araw ang mga tao dito. Yang nakikita nyong yan ay naghaharvest sila ng mais. Ang sarap sanang magharvest ng mais. Pinipitas mo palang ay maaamoy mo agad ang bango nya Btw, Yan palang lupang…
Huggy Wuggy Toy Dumating na yung order ng Prinsesa namin dito yung huggy wuggy toy. Nakita nya ako nag nagscroll sa shoppe nung isang araw. Sabay pakalung sakin sa upuan. Tapos sabi nya, i search ko daw yung huggy wuggy.. search ko naman. Tanong ko ulit sa kanya ano ba ang hinahanap mo? Yung pink daw na huggy wuggy.. Sabi ko ito ba ang sinasabi mo? Oo Anty i place order muna yan at sabay tanong sakin, baka naman nextmonth pa ang dating nyan?Kabata-bata pa alam na ang place…
Quit Playing games with my heart With my heart.. With my heart With my heart I shouldn't know from the start.. Music from Backstreet boys... Yan ang kantang naririnig ko sa bahay ng kapatid ko ngayon. Kaya gandang pakinggan ang mga 90's songs.. Like from the boybands BLue, Nsync, boyzone, A1 and more... Nakakarelax sa isip at mamapasayaw ka din... haha.. By the way, Goodmorning po sa lahat.Happy thursday, kahit hindi tayo happy sa ibat-ibang dahilan, subukan parin nating…
Baka kaba? Bakit? Kasi kapag nakikita kita Kumakaba ang dibdib ko 😁 Hahaha.. Usapang baka muna tayo. Kanina lang yan. Napadaan kami sa Bicol School of Theology. Malapit lang kasi yan sa bahay ng kapatid ko. Kaya everytime dumadaan kami dyan ay sumisilip-silip ako. Ang ganda ng place dyan kasi ang makikita mo ay puro green. Luntiang mga kahoy, luntiang mga halaman at mga damo.. Kaya naman pati mga baka ay natutuwang mamasyal sa likod ng school nyan. Gandang gabi po sainyong…
Red Blooms 🌺 Matagal-tagal narin akung hindi nakapagpost ng bulaklak dito. Sa kadahilanang walang bagong bulaklak akung nakikita sa paligid namin. Kaya naman sabi ko sa relatives ko na nasa Ohio.. Send mo nga ako ng mga pictures ng mga bulaklak dyan sainyo.haha..Kaya ito red blooms daw ang tawag dyan. Ang gandang tingnan ng kulay nya, red na red talaga.. para syang poinsettia, tama ba ang spell ko? Haha. Basta yun na yun..hehe.. By the way! Happy friday everyone. Last friday…
Rainy Afternoon here! Umuulan din ba dyan sa inyo mga ka noise? Dito kasi samin ay umuulan. Pero yung ulan na tinatawag nilang ulan mayaman daw! Bakit kaya tinawag na ulan mayaman? Dahil ba ang mayayaman ay pino kung gumalaw? Kagaya ng mga pinong-pinong patak ng mga ulan? Whatever! Hahaha. Basta ang alam ko ang ulan ay nakakabasa. Hehe.. By the way, yang larawan nyan ay kung saan-saan lang yan na part dito. Kung alin ang mapansin ng mata ko, sabay kuha ng cellphone, sabay…
Pajama Party 🎉 Nagkaroon ng wholeday activities ang dalawa kung pamangkin na both Grade 1 students. Ito yung pajama Party, pero before nyan ay nagkaroon silang mga palaro at yung bonfire at syempre dahil sa bonfire sa labas yun ng school ginawa. Hehe.. Mabuti na lang at nakibagay ang panahon, hindi na umulan ngayong gabi. Enjoy na enjoy ang dalawa kung pamangkin kasi first experience nila ang ganyan. Overy night sana sila dun sa school, pero dahil sa mga baby pa naman sila…
Let say hello to the brandnew Month October. Bakit kaya tayo ganun? Matapos nating mag Hi,,kay September, tapos sasabihin natin sa kanya.. bye September hello October. Parang wala tayong loyalty ano? Haha. Joke! Hope maging maganda ang month na ito satin at tuloy-tuloy na hanggang December. Para happy tayong lahat sa pagsalubong ng bagong taon. Btw. Ang ganda ng sky ngayon. Sarap sa matang tingnan. Very clear sya, parang wala pang air pollution.. Sana ganun lang lagi ano.…