Pamaypay para sa ikabubuhay Ito ay isang eksena na makikita mo sa bawat sulok ngayon ng Naga. Ibat-ibang klase ang mga nagtitinda ng ilan naming mga kababayan para lang matustusan ang buhay ng kanya-kanyang nilang pamilya. Kahit umulan man o umaraw ay hindi nagiging hadlang para ipagpatuloy ang kanilang marangal na hanapbuhay. Alam naman natin na maliit lang kita na makukuha sa pagtitinda ng pamaypay. Pero malay natin sa maliit nayan ay dyan nila kukunin ang pangsaing nila kinagabihan. Ang isang maliit na bagay para sa atin ay malaking bagay nayan sa iba. Kung titingnan nyo ang larawan ni Manong, parang nasa isip nya.. Mapaubos ko kaya ang aking paninda? Sino o saan kaya ako maglalako nitong mga paninda ko? Kaya pagpasalamat tayo kung ano mang meron tayo ngayon.Lalo na kung hindi nyo dinadanas ang malaking paghihirap na dinadanas ng iba. Igalang ang kahit sino man. Huwag maging mapang-itaas at huwag ipagyabang ang karangyaan. Bagkus ay magpasalamat at kung pupwedi ay tumulong sa mga nangangailangan. Kuha pala ito ng kapatid ko kaninang umaga. Maaga silang humalik kay INa..para hindi nila maabotan ang dagsaan ng tao sa ginagawang MIlitary Parade Ngayon. Medyo may konting pag-ulan ngayon. Pero tuloy-tuloy lang ang ginagawang MIlitary Parade..Isa sa highlights ng celebration kasi yan ng fiesta.. Kaya maraming tao ang nanonood sa Plaza..Ako tamang nood lang muna sa live stream.haha. Good afternoon and Happy lunchtime po sainyong lahat. Ysa19-🌺
4 comments
Haahhaa sana navpabili ka pamay0ay para di ka naiinitan ahahaha
Bibili talaga ako nyan, kapag nagsimba ulit kami. Hehe..
Naku matibay yang pamaypay natin na yan sis
Oo sis. Native na native yan. May isang lugar dito na yan ang pangkabuhayan nila ang paggawa ng mga abaniko.