Baka kaba? Bakit? Kasi kapag nakikita kita Kumakaba ang dibdib ko 😁 Hahaha.. Usapang baka muna tayo. Kanina lang yan. Napadaan kami sa Bicol School of Theology. Malapit lang kasi yan sa bahay ng kapatid ko. Kaya everytime dumadaan kami dyan ay sumisilip-silip ako. Ang ganda ng place dyan kasi ang makikita mo ay puro green. Luntiang mga kahoy, luntiang mga halaman at mga damo.. Kaya naman pati mga baka ay natutuwang mamasyal sa likod ng school nyan. Gandang gabi po sainyong lahat. Kumain naba ang lahat? Kung hindi pa kain na kayo. Ako katatapos lang kumain. Ang ulam namin ay tinapa na ginisa sa kamatis. Ayon napadami ang nakain ko. Hehe. Ysa19-😉
9 comments
Tapos na sis hipon ang inulam namin
Busog na busog na ako sis. Hehe. Sarap ng mga ganyang ulam.
🎶Kumakabakaba itong dibdib lagin nalang sinasabi pede kabang makatabi😆 nyahahaha napakanta tuloy ako.Ang ganda ng lugar maberde at fresh air pa.done na sis ang aming dinner.
Ako naman sis na imagine ko yung step ni Donna Cruz kapag kinakanta nya yang, kapag tumibok ang puso. Haha.
Saka maganda ang life nya suwerte sya sa husband nya mabait. Sa lahatn ng cruz sya ang gusto ko eh kahit bata nag-asawa sila parin hanggang ngayon
Kaya nga eh, Bukod sa mayaman ang asawa nya at mabait pa. Kaya swerte din talaga si Donna.
Sugal ba talaga ang pag-aasawa tingin mo kasi yong iba tinatago nila yong ugali nila kaya pagnagsama boom gera ahaha
Si Donna kasi ay simply lang at mabait talaga. Sacrifice nya yunh showbiz career nya alang-alang sa family nya. Kaya biniyayaan din ng mabait na asawa.
Oo nga eh nagkataon swak ang ugali nila sa isa't isa parehas mabait.Sayang yong boses nya bihira na syang gumawa ng kanta