read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

First bloom 🏵️ May maagang pa Flower's naman ako para sainyo mga ka noise. Share ko lang ang unang pamumukadkad ng halaman na ito. Tanda ko galing ang seeds ng halaman na ito nung pumunta kaming Albay nung June. Two months na ang nakakaraan. Nung namasyal kami sa Eco Park and Wildlife ng Albay. Kinasanayan kona kasing kumuha ng mga seeds kapag nakakakita akung ganitong mga bulaklak. Gusto ko kasing punoin ng mga halamang namumulaklak ang paligid ng aming bahay. Haha.. At the same time remembrance kona rin sa place na pinupuntahan ko. Hindi rin ako nabibigo, kasi napaparami ko din sila at ito na nga ang resulta. Maraming halaman na namumulaklak mas marami ding mga bubuyog at paro-paro ang lilipad-lipad sa paligid nito. Kaya masayang pagmasdan dba! Hehehe... Btw, Kung magkakaroon ako ng chance sa second life ko hindi bilang tao.Gusto kung maging isang bulaklak. Bulaklak na once maamoy ng mga taong lalapit sakin ang bango ko ay gagaan ang kanilang pakiramdam at mababawasan ang bigat ng kanilang pinapasan sa buhay. Miracle Flower kung tatawagin 🤔 Kung ano naman ang pumasok sa isip ko. Kulang lang yan sa tulog mga ka Noise. Ang bigat ng ulo ko ngayon.. Sabi kona kasing hindi na ako iinom ng kape! Inom pa ako ng inom! Pero masarap naman kasi ang kape. Hehe.. Goodmorning to all.. Ysa19 -🏵️

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.