read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Talbos ng Kamote Sino ba sainyo dito ang nagluluto ng sinabawang talbos ng kamote? Favorite yan ng pamangkin ko, kasi kapag naluluto na sya, tapos lalagyan mo ng kalamansi, nagiging kulay pink ang kulay ng sabaw. Amazing daw.Hehe. Napaka-sustansya ang talbos ng kamote. Tamang-tama ito sa mga kulang ng dugo o kaya yung mga low blood. Kapag may sakit ako o kaya sino man sa pamilya, yang talbos ng kamote ang aming nilalapitan para manumbalik ang gana namin sa pagkain. Yan palang nakikita nyong picture nyan sa likod bahay yan ng kapatid ko. Dyan kami kumukuha ng talbos ng kamote. Malulusog kasi ang dahon at sure na malinis rin. Kaya kung may backyard kayo, taniman nyo ng kung anong pweding itanim na gulay. Para hindi na kayo bumili sa market. Nakatipid kana, masustansya pang gulay ang makakain ng inyong pamilya. Ysa19 -🌺

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.