Sunset! Huli man daw at magaling ay huli parin. Haha.Dahil sa sobrang hina ng net, kanina pa ako nagtatry na iupload ang pictures nayan, pero hindi ko maiupload. Ano nabang nangyayari sa mga telcos ngayon? Halos lahat na lang yata panay ang reklamo sa sobrang bagal ng signal nila. Anyway! Kanina lang yan habang nagpapahangin sa labas ng bahay. Ganda sanang tingnan ang paglubog ng araw at samahan pa ng luntiang mga damo sa palayan.Pero panira naman ang mga Cable wires ng mga telcos nyan. Unti-unti na nilang natatakpan ang mga kapaligiran. Pati nga paglabas sa bahay namin, bumabalandra na ang mga cablewires nila. Haha. Sana naman magkatotoo na yung bali-balita na ilalagay na sa ilalim ng lupa ang mga cables wires na gaya nyan. Para hindi na maka affected sa mga may kanya-kanyang tapat ng bahay yung mga linya ng mga telcos and mga cables wires ng kuryente. Yung lang po muna ang maisasabi ko sainyo ngayon. Hanggang dito na lang muna ako at tinatawag na ako ng kapatid ko... Kakain na daw kasi kami. Hahaha.. Ysa19 -🌺
6 comments
nice shot hahaha green na green.. eat well po...
Ganda sana ng view, panira lang ang mga kable. Haha.. goodmorning
Di naman panira sakto lang din hahahaha
Sige na nga, haha . Basta kasi sunset maganda. Hehe
Naku sagabal tlga ang mga wire, nagpapasira ng view sis🤣
Kaya nga sis.. haha. Kaya hindi makaperfect shot Goodmorning