A Quick Visit Kay Inang Peñafrancia. Sa wakas ay nakabisita narin sa aming mahal na Patron ng Bicol na si Inang Peñafrancia, nakapagsindi ng kandila at nakahaplos sa kanyang imahe. Yang ikatlong pics na nakikita nyo ay isang makatid na hagdan yan patungo kay INA.. Andun sa dulo nakalagay ang kanyang imahe. Medyo pahirapan na makarating dyan kasi makitid lang ang hagdan at ang init-init pa. Pero lahat yan ay pinagtitiiisan ng mga deboto ni Inang Peñafrancia para lang makalapit at mahaplos ang imahe nya. Makapagpasalamat at makahingi ng gabay o kaya kapatawaran sa mga kasalanang nagagawa. Parang magaan kasi sa pakiramdam kapag nahawakan mo ang imahe ni INA..Parang pansamantala mong nalilimutan ang mga problema mo sa buhay o kaya mga bigat mong dinaramdam. Ysa19-🌺
13 comments
nice very good ka dyan.. so magaan ang pakiramdam mo ngayon.. hiniling mo ba na wag muna bumitaw ang phone mo hahahaha..
Yes magaan ang pakiramdam ko. Pero init nga lang, sobrang sweat like coin.Hahah. Parang kasama nayan sa dasal ko. Wala pangpalit kasi. Haha..
hahahaha.. sana nga.. kaya ipon pa ng sweat coin.. kaso dapat madami ka back up hirap if sweat coin lang
Dun sa lit sana, kaso minsan ang hirap mag-upload ng video.
Hahahaha.. tyagaan lnag hihihih.. basta wag masyado umasa sa online earnings. Alam mo na importnate pa din ang may kinikita outaide online..hay paulitnulit nako dito jahahaa.. alam mo na yan
Alam ko kung anung ibig mong sabihin. Nasa isip ko din yan. Marami akung naiisip pero hindi parin makapagsimula. Haha.
Good pinakamahirap sa lahat action. Kaya mo yan ... Promise aimulan mo kahit ano..sugurado mas may liwanag ang buhay ahhaa
Baka ngayong October makapagsimula ako. Pag-isipan ko munang mabuti. Sa hirap ng buhay ngayon, kailangan magkaroon ng diskarte.
Ok good asahan ko yan
Sige ba, kahit maliit lang munang panimula.
One small step at a time
Buti ka pa sis, parang pareho din sya sa black nazarene ng Quiapo
Oo sis. Pero lagi naman kaming nadaan dyan kapag pumupunta sa Naga. Black talaga ang kulay nya sa labas.