read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Bakit kaya Ganun 🤔 Share ko mga ka Noise yung experience ko kahapon. Ganito yun, pumunta kami ng Naga City ng mga kapatid ko at kasama din namin yung hipag ng kapatid ko at anak nya. Sabi nya sa kapatid ko pupunta muna daw silang Sm, kasi wala sa Robinson yung hinahanap nilang bibilhin. Sabi nya sa kapatid ko, tawagan nyo na lang kami kung papauwi na kayo. Kaya binigay nya yung number nya sa kapatid ko. Nung time na uuwi na kami, sabi ng kapatid ko, kung may pantawag daw ba ako at tawagan ko daw yung hipag nya.. so ako lagi naman akung may pangtawag kahit walang katawagan. Hehe.. Kasama kasi yun sa promo ng DITO network with call/text and Internet pa.. so ayon dial kona yung number ng hipag nya.. Nagring ang number at may sumagot na lalake.. Kay ganda ng boses nya, nagtaka ako kasi babae naman yung tinatawagan ko pero lalake yung sumagot. Kaya binigay ko yung phone ko sa kapatid ko,para sya na ang kumausap dun sa guy. Pero hindi narin nakausap ng kapatid ko yung lalake kasi call ended na. Sabi nya sakin i dial mo ulit at kakausapin ko.. Pero hindi na sinagot ng lalake ang tawag. Maya-maya pa ay nakita na namin yung hipag ng kapatid ko, sabi namin tinatawagan ka namin pero lalake yung sumagot ng tawag. Sabi naman ng hipag ng kapatid ko, wala naman kaming natanggap na tawag mula sainyo. Nagulat kami, sino yun? Kaya double check ulit namin ang number tama naman.. Bakit kaya ganun? Posebli bang mangyari yun na iisang number, pero magkaiba ang may-ari ng simcard? 🤔 Biniro tuloy ako ng hipag ng kapatid ko, baka daw yun na ang forever ko. Haha. Gawin kona daw textmate.. hehe.. Pasaway lang.. Ysa19 -🤔

16 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.