read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Pagbisita ni Inang Penafrancia sa Aming Barangay. Kinaugalian na dito sa Bicol, bago paman i celebrate ang fiesta dito sa buong kabikolan, specially sa Naga. In honor sa Aming mahal na Patron na si Inang Penafrancia.. Inililibot muna ang kanya replica sa ibat-ibang barangay dito sa bicol. Sa dalawang taong nakalipas, walang naging ganap na celebration kay INA..Kaya ngayon naman lang magkakaroon. Kanina nga, naganap yung procession kay Inang PenaFrancia. Inililibot ito sa buong barangay kasama din ang iba pang Santa at Santo..at ang kanyang mga deboto.Hindi nga lang kita ang iba sa larawan,pero marami sila,ang hirap nga lang kumuha ng picture kasi maraming mga sasakyan. Nakakatindig balahibo, sa wakas, nakita ko ulit ang ganitong procession. Mga bata, matanda ay nakiisa sila. Sa wakas nakatakas na tayo sa sobrang nagpahirap sa buong mundo, yan ay ang COVID-19 Pandemic. Kahit pa may mga case parin naman, pero unti-unti na tayong nakakabalik sa mga dati nating mga gawain at nakagawiang gawin. Pasensya na sa pics ko, medyo malabo, sobrang makulimlim kasi ang panahon dito at may konting pag-ulan. Pero hindi ito naging hadlang sa mga sumama sa procession kay Ina. Para lang magampanan nila ang kanilang tungkulin bilang kristyano at bilang deboto ni Inang Penafrancia. Alam ko ibat-ibang ang religion natin dito. Ibat-ibang paniniwala. Pero sa bawat pagkakaiba nyan ay iisa lang ang ating pinaniniwalaan ang ating Amang lumikha. ☝️ Ysa19 -🌺

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.