read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Simbahan sa Aming Bayan Ito pala yung simbahan sa aming bayan. Under renovation sya. Pero konting push na lang ay matatapos na sya. Ang ginagastos nila sa pagpapagawa ng simbahan ay nagmumula sa mga donasyon ng mga taong nagsisimba sa bawat simbahan ng barangay at tinitipon nila lahat ito para ibigay sa namumuno ng simbahan sa paggagawa nito. Kahit konting tulong kahit piso lang yan, once naipon ito ay malaking halaga na ito para maitulong sa pagpapaayos ng simbahan. Basta tulong-tulong at sama-sama at nagkakaisa ang bawat tao ay walang imposebling mahirap gawin. By the way, Medyo malayo yung kuha ko ng larawan ano. Kahapon kasi yan ng bumili kami ng Milktea, nasa harap lang kasi sila ng simbahan naka locate yung binilhan namin. Yung nakikita nyo pala nasa gitna ng kalsada ay yung center highlands. Which is laging binabatikos ang mayor namin sa pagpapagawa daw nyan. Kasi mula ng ginawa daw yan, maraming nangyayaring aksidente. Pero sa totoo lang wala sa center highlands ang problema, nasa mga tao yun, specially yung mga kaskaserong mga driver's. Wala silang disiplina sa pagmamaneho. Kaya kapag may asidente, isisi sa center highlands, isisi sa Mayor..Haha. Ang mga tao talaga ngayon. Gumawa ka ng mabuti ay may masasabi parin sayong masama. Kung wala ka namang gawin, mas marami silang masasabing against sayo. Happy thursday po mga ka Noise. Isang ngiti na lang nga muna dyan oh..😁 Ysa19-🌺

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.