read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Naga Metropolitan Cathedral Dito nakalagak ang Image ni Inang Peñafrancia..ang mahal na Patron ng buong taga bicol. Kanina nagkaroon kami ng chance na mabisita si Ina ng malapitan at nakapagsindi narin ng kandila. Yan ang loob ng church. Kung titingnan mo sa labas, parang napakasimple na simbahan. Pero kapag nasa loob ka naman ay mapapawow ka dahil sa mga architectural designs with spanish romanesque style. Ito din ang tinuturing na pinakamatandang simbahan sa luzon na tinayo pa noong 1575 pero ito ay natapos noong 1579.Pero may konti narin dyan pinagbago dahil nasunog daw ito. Bukas pala ay magkakaroon ng civic Parade dito sa Naga. Kaya inaasahan naman ang pagdagsa ng mga tao, para makapanood ng mga nag-gagandahang mga float's galing sa ibat-ibang sponsors and stablishments dito sa Naga. Maganda sanang manood nyan, pero pahirapan naman yan, sa sobrang dami ng tao ay baka himatayin o kaya maapakan ka lang dyan. Kaya tamang nood naman lang kami sa mga maglive streams bukas. First post ko pala dito sa bagong Noise Cash. Kaway-kaway na lang po sa mga nakafollow na sa akin at dun sa mga hindi pa... Hello din po sainyo, Ito ako si Ysa19 galing sa kabilang ibayo. Haha. Ysa19-🌺

27 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.