Nasan naba kayo??
@Ysa19
Joined 9 September 2022 · 1396 posts
" Through Simplicity comes great beauty"
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Bigla kung namis ang noise. Madalang na ang nagpopost dito but still glad na nandito parin ang site nato. π₯΄π₯΄
Patambay lang muna dito πππ
Nakakamis yung mga taong nakilala ko dito! Nasaan na kaya sila? Paramdam naman kung buhay pa kayo. Haha. ____Ysa19
Kumusta na kaya sila? sya? Ikaw? Haha. Bigla ko kayong namis dito sa Noise π
Happy new year everyone... Make some noiseeeeeeeeeeseeee Best of luck for this year 2024 ππππππππππππππππππππππππππππππππππππππ
Merry Christmas everyone πππ Christmas ko ngayon. Christmas in bed, kung kailan may okasyon, saka naman nagkaubo at sipon π€£π€£π€£π€§π€§π€§ Takenote hindi COVID to. Hehehe.. By the way, merry Christmas mga ka Noise. πππππππππππππππππππππβ€οΈβ€οΈπππππππππππππππππππ
Tama nga naman ang kasabihang, money can make the world go rounds. Ang mali ay nagiging tama, kapag pera na ang pinapaikot, ang tama nagiging mali na, kapag wala kang pinapaikot na pera π€£ Yan ang halos kaganapan sa nangyaring election dito samin. Maraming rampants votes buying na naganap. Maraming karapatdapat na manalo, pero hindi na nanalo kasi walang perang pinamudmud sa mga tao at isa dyan ang kapatid ko, for third term na sana sya, pero hindi na sya nanalo dahil sa mga kalaban nyang, hindi patas lumaban. Hahaha. Accept narin namin ang pagkatalo nya, kasi alam naming lumaban syang patas, hindi nanlamang. Nakakainis at nakakalungkot lang isipin, ang mga kabataan ngayon ay namumulat sa mga maling gawain. Paano na ang susunod na henerasyon kung mismong mga leaders sa ating lugar ay mali ang pinapakita sa mga kabataan? Sad realities but true π By the way, kumusta po kayong lahat dito? Yung ink ba sa daliri nyo ay natanggal na? Kung hindi pa, putulin na lang natin yan. Hahaha .... Mema -mema naman π€£ ____Ysa19
Happy Fiesta Bicolandia πππ 1 week celebration ang fiesta dito sa BICOL.. Specially sa Naga.. Pero hindi man lang ako nakadalo kahit anung ganap sa fiesta. Haha. Kung tutuusin ang lapit lang ng Naga sa amin, mga 30 minutes lang siguro, depende kung walang traffic π¦. Hay naku! Nakakaramdam ako ng lungkot na hindi ko maintindihan. Namimis ko lang siguro ang dating noon, ng nabubuhay pa ang mga magulang ko. Everytime fiesta sa Naga ay talagang sama-sama kaming pumupunta sa Naga para makadalo ng mga okasyon, specially yung fluvial procession. Kaya tamang panood na lang ako sa mga live coverage sa YouTube and Facebook. Sabi nga daw, kahit saan naman pwedi tayong magdasal at mahalaga hindi tayo nakakalimot sa kanya βοΈ Happy fiesta ulit sa lahat ng mga taga Bicol.. Long live the Virgen. Viva Inang PeΓ±afrancia __Ysa19

Happy birthday self π€£ Sabi kona sayo, ang kaarawan ay lilipas din yan. Hindi naman importante kung may selebrasyon o wala. May nakaalala o kahit nga wala! Naalala kaba nya o naalala kaba nila? Ang mahalaga ay matuto kang magpasalamat sa amang lumikha. Magpasalamat sa mga magulang, kahit sila ay wala na. Kasi alam ko naman, nandyan lang sila at binabantayan ako. Salamat sa dagdag taon naman na binigay ng may Kapal. β€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈ Ysa19_____ π΄π΄π΄
Dear Noise! Alam muba yung pakiramdam na kahit wala kang ginagawang mali o kasalanan, pero mali ang tingin ng iba para sayo!!! Hmmp! Ano ba itong pinagsasabi ko dito! Siguro dahil malapit na ang _______ ko, kaya tinutupak ako! Fill in the blank yan, ang makahula, may premyo sakin π ___ Ysa19
Goodmorning August ... π€ Month of August na pala! Au-gusto ko ito. Hahaha. Silip lang po mga ka Noise, Still exist pa naman si Ysa19 dito. Stay safe po sating lahat. Godbless everyone β€οΈ
Thinking of so many things π€ What if.. What if.. What if... How are you all mga ka Noise? Gaano man kahirap ng buhay Gaano man kabigat ang ating pinagdadaanan.. Sige tuloy lang sa paglakbay Kahit bali-baliko ang ating daan. ____Ysa19
Early bird catches early worms π Happy first day of July.. Kumusta na kayo mga Ka Noise? Sobrang namiss kung magpost dito at namiss ko din sya! Ay kayo pala. Haha. Muling nagbabalik si Ysa19 at muling maghahasik ng mga memang post. Hahahaha.... Good day po sainyo β€οΈ
Sa wakas π Maraming salamat at naayos na ang account ko sa coinsph at sa tulong narin ng advice ng isa nating kaibigan dito sa noise at kababayan kung si @kwekkwek Nag-install ako ng coinsapps sa ibang phone and nilogin ko sya dun at yun nga, finally nakita kona na nandun parin ang balance ko.. walang labis at walang kulang.. This is the proof... Maliit man na halaga ito para sa iba, pero para sakin, sobrang laki ng halaga nito. Ang hirap maghanap ng pera at kahit maghapon kang maglakad sa kalsada ay wala kang makukuha ni piso π Basta happy na ako . Hehe.. Makapunta na nga sa jabee πππ Ysa19
Congratulations from coinsph!!! Sa lahat yata ng congratulations na natanggap ko, yan ang pinakamalungkot! Imbes matuwa ka! Parang binagsakan ka ng langit at lupa! Kanina lang, bubuksan ko sana ang coinsph ko. Tapos may may nakalagay na kailangan ko daw i update ang apps for more exciting daw! So inupdate ko din ang apps ng coinsph ko. Nung maglogin ako, automatically naglogout ang account ko, need ko daw ulit mag sign-in, tapos madaming capcha, paulit-ulit kung ginawa hanggang sa makasign-in na ako at biglang may congratulations sakin si cphπ€£π€£π€£ laking gulat kona lang, nakalagay need ko daw magcashin? Ng makita ko zero na ang balance ng wallet ko! Samantalang nung umaga nakita kopang nandub parin ang balance ko na almost 5k πππ Sobrang nakakaiyak, kasi hindi ko yun ginagastos kasi may pinaglalaanan ako nun, nandun yung kahit may gusto akung bilhin, nagtitiis ako, tapos bigla na lang mawawala na parang bula! Papakinabangan ng iba na wala man lang silang contribution dun! Hindi ko maiwasan umiyak! Ang hirap kaya ng buhay ngayon. Ang hirap maghanap ng pera!.. Hay naku po... Sa Ysang iglap, naglaho ang lahat! Ysang masaklap na pangyayari πππ

Kay bilis ng Panahon Parang kailan lang ay sobrang iniyakan namin ang pagkawala niya.Isang taon ang nakalipas, nandun parin yung lungkot na nararamdaman, tuwing makikita namin ang kanyang mga larawan. Mga anak nyang, sobrang namimis syang tunay. Mga kalungkotan ay minsan ay hinihikbi na lang. Mga alaala nyang kay sayang alalahanin. Mga nagawa nyang kabutihan ay nandyan parin, sa mga puso namin ay nakatatak na at hindi maglalaho. First death anniversary ng brother inlaw ko ngayon. kaya maaga kaming bumiyahe papuntang reconada. para maabutan daw namin ang first mass. Kay bilis lang ng panahon. Parang kay bilis lang ng oras. Hindi ko masasabing nakamoveon na ang pamilya ng kapatid ko, specially ang mga anak nila. Hinahanap-hanap parin ang kalinga at pagmamahal ng kanilang ama. Mga binibigay sa kanilang kaginhawaan sa buhay na ngayon ay napalitan ng sobrang pagtitipid, para lang makaraos sa araw-araw. Iba talaga kapag nandyan pa ang haligi ng tahanan. Kahit may mga pagsubok na pinagdadaanan, parang okay lang yan, kasi nakikita mo at alam mong nandyan naman si Pa'pa,, nandyan naman si 'Tatay o kaya si daddy. Pero kapag naman biglang nawala na sila.. Parang bigla din gumuho ang mundo para sayo. Alam naman natin ang salitang moveon, pero sa kabilang banda, ay nandun parin yung kalungkotan na nadarama. Btw. Maaga kaming nakarating sa simbahan. Tulog pa yata ang pari, kaya tamang picture-picture muna sa labas.hehe.. Goodmorning mga ka Noise.. ___ Ysa19


+1 more
CANCER bakit ka naman ganyan? Bakit unti-unti mong kinukuha ang mga buhay! Isa naman sa kapamilya ko o kapuso ang nagpaalam dito sa mundo, dahil sa sakit na breast cancer. Nakakalungkot isipin, na yung babaeng punong-puno ng pangarap sa buhay at alam kung fighter sya, pero sa isang iglap ay biglang nanghina sa sakit na breastcancer. Nung March 11 ay binawian ng buhay ang first cousin ko. Isinugod sya sa St. Lukes Hospital ng pamilya nya. Pero sabi ng doctor sa kanila. Hindi na kakayanin ng katawan ng pasyente at araw at oras na lang ang itatagal nya. Kahit ganun ay pinaconfine parin sya, baka sakaling magkaroon ng miracle. Pero may kasabihan nga, kapag oras muna ay oras muna at wala kang magagawa. Nang mabalitaan ko yun, bigla akung nanlumo at nagpakatatag. Pilit kung inilihim muna sa mga kapatid ko. Dahil yun din ang gusto ng pamilya ng namatay na huwag munang ipaalam sa lahat ang kamatayan nya. Kasi alam ko din yun ang gusto ng pinsan ko, iilan lang ang sinabihan nya tungkol sa kalagayan at totoong sakit nya at isa ako don. Hindi ko naman masasabing close kami, dahil matagal na silang wala dito sa bicol Bibihira lang kaming magkachat. Kung magchat man kami ay puro about sa bible ang sinasabi nya sakin. Pero lagi nyang sinasabi sakin na always think positive lang. Maging matatag lagi sa hamon ng buhay. Ako daw ang favorite nya sa aming magkakapatid, dahil ako daw ang pinakamabait π Mataray sya, pero pagdating sakin, ang bait nya.. β€οΈ Btw. nasa San Jose Del Monte Bulacan sya ibinurol. Pinag-usapan namin dito at pati ibang mga pinsan nya kung pupunta para makabisita sa burol nya. Kaso may kanya-kanyang mga obligasyon araw-araw sa buhay. Kaya baka yung iba na lang na malapit sa bulacan ang dadalaw sa kanya. Gusto ko naman sana syang makita ng personal. Pero sabi ng kapatid ko, magsasama-sama na lang kami dito sa bahay at magvideocall na lang kami dun, para naman makita namin sya kahit sa videocall lang' Huwag lang syang mag ' Hi and hello sakin.. Tiyak takbuhan lahat yan ππ Hay naku mga ka Noise.. ang bigat sa pakiramdam, pero kailangan tanggapin. Lahat tayo ay darating sa point nyan. Ang mawawala sa mundo at magiging alaala na lang ng mga taong maiiwan natin π₯Ί _____Ysa19
March 1 Ang sarap pa sana ng tulog ko kanina, pero bigla akung nagising sa ingay sa kalsada. Tanong ko sa kapatid ko, bakit ang ingay? at may mga ambulance pa? Pero bigla kung naisip, march 1 na pala ngayon. Fire prevention month pala yun. Haha. Ayon bigla tuloy akung napapost dito. Another memapost naman po.. Pasensya na.. haha.. Goodmorning mga ka noise.. _____ Ysa19
Choco Mucho π Dahil Valentine's Day ngayon bibili sana ako ng" Honey sa tindahan, kaso pati ba naman yun ay ubos na agad! π€£ kaya ito na lang po ang binili ko " Choco Mucho" Para naman maging sweet ang " Valentine's Day ko πππ Btw mga ka noise, medyo matagal na yung huling post ko dito but it doesn't mean na nakalimutan kona ang noise. Medyo nagpapamiss lang po, kaso wala naman yatang nakakamiss dito sakin π€£π€£π€£saklap ano? Haha.. joke lang.. Sa mga lovers dyan, may asawa, may boyfriend/ Girlfriend single man na katulad ko.. Let's celebrate this heart's day kahit wala mang involve na material na bagay. Katulad ko Choco mucho lang ay sapat na.. hahaha... Ay ewan! Goodluck na lang po sainyong lahat. Keep the love alive in our heart β€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈ β€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈ ______ Ysa19
Kwekkwek/ Bulastog Niyaya ako ng kapatid ko, kung gusto ko daw sumama sa kanila para magjoyride. Ako naman. ' Oo agad. π Kaya pala ay sa NBI sya pupunta. Haha. Kokonti lang sana yung mga kumukuha ng NBI ngayon. Kaso nung kapatid kona ang nasa unahan, bigla daw nawalan ng kuryente. Sabi daw ng tao dun ay maghintay na bumalik ang kuryente. Paano na lang kung buong maghapon na hindi bumalik ang kuryente? Masasayang yung oras at pagod ng mga tao dun na umaga palang ay nakapila na. Sobrang boring at gutom na kami kahihintay.. Mabuti na lang at may nagtitinda ng "Kwekkwek" ayon busog na ang tummy ko. Matagal na akung hindi nakatikim nito. Musta na kayo mga ka Noise? Bukas pa sana ako magpopost dito kasi February na. Kaso biglang nagpakita na ang araw. Kaya ayon sa tuwa ko napapost na ako dito. Sa wakas matutuyo na ang mga nilabahan ko.haha. Hanggang sa muli po ulit. Nagbabalik napo ang inyong lingkod na nag-iiwan ng walang kabulohan kung mga post. Haha.. ______ Ysa19

Paalam naba talaga? Salamat sa masasaya nating ala-ala Salamat sa araw-araw nating pagsasama. Sa lungkot man o masasayang ala-ala. Hindi ko maitatanggi na minahal kita. Dahil sayo naging maingay ang tahimik kung mundo. Dahil sayo naibabahagi ko ang mga saloobin ko. Dahil sayo marami kang natulongan na mga tao. Hindi lang sa earnings kung bakit napamahal ka samin ng totoo. Naging masaya kami sa araw-araw na pagpopost namin sayo. Ikaw ang naging " Online Diary " ng buhay ng mga taong nandun. Nakakalungkot man na tuloyan kana ngang magpapaalam. Pero ganyan talaga..sabi nga walang forever. Pero para sakin.. mananatili ka..sa puso ko " Magpakailanman" β€οΈ Noisecash ikaw ang naging salamin ng aming buhay. Salamat salamat π _______ Ysa19
Craving for Tinapa π Crave ako ngayon sa " TINAPA " with kamatis sana. Kaso laging maulan ngayon, kaya mahirap makakuha ngayon ng dried fish π€£ Nakuha ng kapatid ko ay ' Balaw kung tawagin samin, medyo spicy sya, tamang-tama ito kasi malamig ang panahon. π _______Ysa19
Ramdam kita Sa aking pag-iisa Nanahimik at nakatulala Bigla ka lang magpaparamdam na bigla-bigla. Ako naman ay biglang nagulat. Puso ko ay parang bang lumundag. Hindi ko alam kung anong aking gagawin. Natatakot at gustong sumigaw. Natatakot at gustong humiyaw. _____________________ _________________________________ _______******_*__*_*_*_**_**_*_*_**_*_*_*______*_*_*_*_*___*_*_*_*_*__*_*_* ***___*___***_**_*_____*_*______*____________**********_____*_*___________********__________*******_____*_******"" __*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*__*_*__**_*__*_*_*_*_*__*_*__*_*__*__*_*_*_*_*_*_*__*_*_*_*__*_**__*_*_*__*_*_*__*_*_*_*__*_*_*_*_* Lindol lindol ramdam kita Lakas mo ay yumanig sa aking pag-iisa. Sa lakas mo ay natakot akung bigla. Sana huwag ng masundan pa. Para naman ako ay hindi na mabalisa π€£ Dahil sa lindol dito sa bikol Ako ay biglang napatula π Kahit hindi naman akma-akma. Haha. _________Ysa19
Buong maghapong maulan dito sa kabikolan, dahil daw yan sa " LPA " hmm.naman! Kaya naman malamig ang panahon, yun bang feeling mo ay nakasalang ka sa refrigerator. Haha. Kaya naman po, pinag-iisipan ko, kung maliligo ba ako or hindi? Habang nag-iisip ako..π€ Tara po muna mga ka noise.. Kape tayo, para mabawasan ang lamig. ________Ysa19
Anu ba naman itong nararamdaman ko ngayon. Kanina parang sobrang nilalamig ako. Ngayon naman masakit ang ulo at sinasabayan pa ng sakit ng tiyan. π₯Ί _____________ __________________ _________________________Ysa19
Since tinatamad akung maglaba, kaya ito munang mga halaman ko yung napagtuunan ko ng pansin. Pinalitan ko yung tubig sa pot, lastyear kopa pala, hindi napapalitan ng tubig. Kaya nangingitim na yung tubig. Haha. Binili ko pala ang pot nyan sa shopee. Nabudol ako nyan, akala ko kasi malaki sila, yun pala ang liliit lang, pero cute naman. Sabi nila, basta maliit cute π Another memapost lang po.. Goodmorning mga ka Noise. ________Ysa19

Deactivated my account π Parang hindi ko lang feel ang site nayon. Parang ang bigat dalhin. Haha. Sakit sa ulo, marami pa silang dapat baguhin para mapabuti ang site nila. Dito na lang muna ako sa Noiseapps π€ ______ Ysa19
Kalawakan Nandito ako sa labas ng bahay At nakatingin sa kalawakan. Kay gandang pagmasdan ang buwan, pero parang ang lungkot nya, wala yung mga bituin na kasa-kasama nya. Makapasok na nga at ako'y nilalamig na, Malamig parin kasi ang hangin na para bang pasko pa. Haha.. Magandang gabi po sainyong lahat mga ka Noise. Medyo sobrang tahimik na dito.. Mag- ingay naman kayoooooooo π ________Ysa19
Leaves Ngayon ko lang na appreciate ang kantang " Leaves by Ben & Ben " Someone na nag-suggest sakin na maganda daw ang kantang yan. Try ko syang kantahin, pero ang hirap pala, kailangan mo ng emotion and isa pa, panglalake ang tune nya.. Pero ngayong gabi, pinanood ko ulit yung official music video nya. Parang nakaramdam ako ng " LUNGKOT " Parang kinukurot ang puso ko at the same time, kasabay na tumutulo ang luha ko... Pero isa sa nagtatak na lyrics para sakin sa kantang yan ay yung " All will be alright in time " Hay naku! Super emo ako ngayon. Habang nagtatype ako ng pangpost dito, kasabay ang tulo ng luha ko π Try to listen na lang po mga ka Noise https://youtube.com/watch?v=hCd1nAI-po4&feature=shares _________Ysa19