Colgante Bridge Tragedy Fluvial procession, Ito ay yung paghatid kay Inang Peñafrancia pabalik sa kanyang tahanan sa Peñafrancia shrine. Pero sa pamamagitan na ng tubig. Nagkakaroon ng fluvial procession sa Naga River ang Imahe ni Inang Peñafrancia, iniikot ito hanggang makarating na sa sinasabing daungan ni Ina. Maraming mga deboto ang sumasama dito sa fluvial procession, Pero yung pagoda ni Ina ay bawal dun sumakay ang babae. Kaya puro mga kalalakihan ang sakay nun. Dahil sa paniniwala na kapag may sumakay daw dun na babae ay lulubog ang Pagoda. Kasi dapat si Ina lang ang tanging babae at wala ng iba pa. September 16, 1972 before Former President Ferdinand Marcos declared the Martial Law ay nangyari ang isang trahedya. Maraming mga tao ang nag-aabang sa pagdaan ng Pagoda ni INa, Kanya-kanyang pwesto sila.Siksikan kahit saan, basta masilayan lang ang Aming Patron ng Bicol. Hanggang sa isang tulay na tinatawag nilang colgante Bridge ay dun nagkumpulan ang mga tao dahil alam nila na dun ang magandang pwesto na kung saan makikita mo talaga ng malapitan si Ina.Sa hindi inaasahan, hindi na nakaya ng tulay ang bigat ng taong naroroon, kaya yung tulay ay biglang naputol sa gitna. kasi yari lang naman yun sa kahoy. Maraming tao ang nahulog, nalunod at iba ay namatay dahil sa kuryente daw. kasi yung isang poste ng kuryente ay may naputol na kawad at napunta dun sa tubig. kaya maraming tao ang namatay, umabot lampas 100 katao ang namatay at ang iba ay mga sugatan. Lagi yan kinukwento samin ni Pinsan ko.Kasi that time na mangyari yun ay nandun sila. Karga-karga nya daw yung pinakapanganay nyang anak at sinabi nyang lilipat tayo dun sa tulay kasi mas kita dun ang pagdaan ni INa. Ilang minuto palang bago daw sila makarating sa tulay ay nakita na nila yung mga patay, mga sugatan na nakahandusay at marami ng ambulance. Mabuti na lang daw at hindi sila nadamay sa trahedyang nun. Pero kahit ganun ang nangyari. Hindi parin nawala ang tiwala at pananamplataya ng mga taga bikol kay Inang Penafrancia. Image from.. Ang Naga Ngunyan Page. Ysa19 -🌺
2 comments
Naku may history pala ng ganyan sis ndi ko alam, yhanks for sharing
Meron sis, Paulit-ulit yan na kwento noon ng mga nakakatanda dito.