Goodmorning Thuesday From Mingmings 🐈 Ito yung mga pusang alaga ng kapatid ko. Mga ordinary lang sila, kumbaga nagsimula lang silang mag-alaga ng pusa sa pusang naligaw sa bahay nila. Kapag ganyan kasi nakakakonsensya naman na hindi sila pakainin at hanggang mapahal kana din sa pusa. Ang lalambing naman kasi nila, kahit sobrang kukulit. Ayon hanggang sa nabuntis yung pusa nila at umabot ng mahigit sampung pusa. Minsan nakikita ko ang bayaw ko na nag-aabang ng nagtitinda ng isda. Akala ko para ulamin nila, yun pala ay para lang sa mga pusa. Mabuti pa ang pusa laging ulam ay isda. Hehe.. Yang larawang yan ay katatapos lang nilang kumain. Hayahay buhay ano.. Behave lang sila habang nakatanaw sa labas ng bahay nila. Goodmorning mga ka Noise! kaway-kaway po sainyong lahat dyan. Ysa19 -🏵️
7 comments
Wow mukha silang sosyal na pusa or sa pic lang haahhaa
Mga ligaw na pusa lang yan. Kaso naalagaan kaya medyo naging sosyal haha. Nagsasalita pa nga yan kapag gutom na sila. Hehe.
Ano sinasabi guetowm hahahaa
D meowmeow. Haha.. Pwera biro parang may mga isip din talaga sila. Haha.
Malamang lahat naman ng hayop may utak ahahaha
Ang ganda nilang tingnan halos lahat magkakakulay at ang lulusog pa nila halatang alang-alaga :)
Kaya nga sis, mga behave din sila. Kaso ako ayoko sa mga balahibo. Pero nacucutan ako sa mga pusa, malalambing kasi sila at ang amo ng mga mukha.