read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Paro-paro 🦋 May naligaw naman na paro-paro kanina sa may kusina namin. Dumapo sya sa bintana ng lababo. Sabi ko sa isa kung kapatid, ay si Mama naman yan. Nagpaparamdam na, kasi malapit na ang death anniversary nya.. at sa September 26 yun.Parang kailan lang mag 8 years na palang wala sya samin. 😔 Btw, Naniniwala ba kayo sa mga ganyan? Na nagpaparamdam ang mga mahal natin sa buhay o kaya malapit sa ating buhay. Kapag silay lilisan na sa mundo o kaya nagpaparamdam sila sa pamamagitan ng mga paro-paro? Kasi kami ay Oo,, Lagi kasi yan may dumadalaw samin kapag death anniversary ni Papa o kaya ni Mama. Minsan kapag kaarawan nila o kaya kapag allsouls day. Kaya malakas ang paniniwala namin na sila yun. O pwedi rin nagkakataon lang talaga. Pero kahit ano pa yan, ang mahalaga ay hindi parin natin sila nalilimutan. Isang malamig na gabi po sainyong lahat. Ihahanda kona ang aking higaan, kumot at mga unan. Kasi sigurado akung mapapasarap ang tulog ko mamaya. Haha.. Ps-Kung hindi nyo po makita ang paro-paro pakiclick na lang po ang picture.Nakatago kasi sya eh.hehe. Ysa19 -🦋

15 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.