Green Lemon Marami namang bunga ang green lemon ng kapatid ko. Isa ito sa tanim nila sa kanilang backyard. Kasama ng kamote, kalabasa, malunggay, kangkong, mani at iba pa. Unang pagkakita ko nito, akala ko same lang sila ng lime. Magkaiba din pala sila, Yung lime ay mas maliit ng konti kung ikukumpara sa green lemon. Yung green lemon naman mas malaki at oval shape sya. Pero halos pareho lang naman ang health benefits na makukuha natin sa kanila. Btw, May nagsabi sakin dito na baka sa sunod ko daw na post ay bahaykubo na. Haha.Kasi panay mga gulay ang post ko kahapon. Pero sa totoo lang, Pwedi pala talagang ma complete ang mga gulay sa kantang bahaykubo, kung magiging masipag lang tayong magtanim sa bakuran. Kagaya dun sa bahay ng kapatid ko. Imbes na panay mga ornamental plants ang tanim nila. Nagtanim din sila sa backyard nila ng mga gulay at ngayon ay napapakinabangan na nila at ng iba pang humihingi sa mga tanim nila. Sipag at tiyag lang talaga ang kailangan. Sabi daw, kapag masipag ka at merong tiyaga, tiyak ikaw ay may ilalaga. 😀 Happy Sunday Everyone Ysa19- 🌺
3 comments
bakit puro sa kapatid mo hahaha nasan ang tanim mo hihihihih.. o uulitin ko sayo yung mga last lines mo ha.. hihihihi.. alam mo na yan
Sabi kona nga ba at may makakapansin na puro kapatid ko ang nasa post ko. Haha. Paano kasi dito samin, puro bulaklak lang ang tanim. Walang mga gulay. Haha. Haha. Oo, gets kona yan.. Kaya sinisipagan kona. Hehe.
Peace yow ahhahaa