read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Huggy Wuggy Toy Dumating na yung order ng Prinsesa namin dito yung huggy wuggy toy. Nakita nya ako nag nagscroll sa shoppe nung isang araw. Sabay pakalung sakin sa upuan. Tapos sabi nya, i search ko daw yung huggy wuggy.. search ko naman. Tanong ko ulit sa kanya ano ba ang hinahanap mo? Yung pink daw na huggy wuggy.. Sabi ko ito ba ang sinasabi mo? Oo Anty i place order muna yan at sabay tanong sakin, baka naman nextmonth pa ang dating nyan?Kabata-bata pa alam na ang place order. Hehe..Sabi ko naman sa kanya magpapaalam muna tayo k mommy mo. Kaya ayon in the winner is yung batang makulit.. Yan din ang iniyakan ng isa kung pamangkin nung sunday. Nakakakita syang nagtitinda ng mga Huggy Wuggy Toy dun sa malapit sa simbahan. Sabi nya sa kapatid ko, mommy ibili mo ako nyan please! Sabi naman sa kanya ng kapatid ko, mamaya na lang pagkatapos natin magsimba. Ayon na nga, natapos na ang pagsimba namin. Kinulit ulit sya ng pamangkin ko.. mommy bibili na tayo ng toys,, Sagot naman ng kapatid ko, anak maulan at saka grabe ang traffic. Wala tayong madaanan.. Hay naku! Todo iyak na ang pamangkin ko.. Sabi nya, ang daya mo kasi mommy, sabi kona sayo bibili na tayo kanina ayaw mupa! Sabay iyak naman sya! Haha. Ang ginawa ng kapatid ko para matigil lang sa pag-iyak ang anak nya. Bumaba sya sa sasakyan at hinanap nya yung nagtitinda ng huggy wuggy toy nyan.. Sabi daw sa kanya ng nagtitinda. Mabuti ma'am may naabuatan pa kayo. Halos lahat na bumibili sakin ay huggy wuggy ang hanap nila. Hindi nila pansin ang ibang laraun na tinda ko. Ano ba ang nasa laruan nyan at ganun na lang sila ka gusto ng mga bata ngayon? Haha... Kasalanan yan ni Justin And Adams.. Pati accent ng pagsasalita nila ay nagagaya narin ng mga pamangkin ko. Kaya tuloy nose bleeding na ako lagi.🤣 Ysa19 -🤔

11 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.