read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Nakakaawang isipin. Humihingi ang batang yan ng pagkain. Para lang may pang laman sa kanyang tiyan. Kanina lang yan sa Eatery ng Kapatid ko. Habang nandun kami sa tapat ng kainan, may batang lumapit sa amin. Akala namin mag takeout sya ng pagkain. Bata", Pwedi bang humingi ng pagkain? Halong bikol at tagalog ang salita nya. Sabi namin taga saan kaba? Bata", Galing akung Naga Tanong ulit namin sa kanya, taga saan kaba? Sabi nya taga Pasacao daw sya. Isang lugar dito samin. Tanong ko naman sa kanya, Badjao kaba? Yan ang naitanong ko sa kanya, kasi halos lahat na mga dayuhan na badjao ay nakatira sa isang barangay sa Pasacao. Tumingin ang bata sakin, sabay pairap at sumagot sya. Hindi ako badjao, tingnan mo naman ang suot ko, ang badjao at hindi ganito ang mga damit. Sa madaling sabi, binigyan na namin sya ng kanin at ulam. Sabay sabi ng bata, ang tono ng boses nya ay tuwang-tuwa.. Sa wakas daw at may makakain na sya at sabay lakad papalayo na samin. Ilang minuto lang ang nakalipas, may nakita kaming apat na magkakasama. Sa palagay namin kasamhan yun ng batang nauna. May mga bitbit din silang mga plastic na may mga laman ng kung ano. Nakakalungkot lang isipin, may mga taong nabubuhay sa ganung paraan. Humihingi ng makakain sa ibang tao. Paano na kung wala sa kanilang magbigay ng pagkain? Gutom ang aabutin nila.,paano ang mga bata? Katulad ng batang yun, halata mo sa pagmumukha nya kulang sya sa binamina. Maputla ang kanyang labi at mababakas mo sa kanyang mga mata, yung lungkot na kanyang dinarama. Pero sa pagkain na binigay namin sa kanya, kahit paano ay ngumiti sya. Kaya pasalamat tayong nakakain ng tatlong beses sa isang araw at may meryenda pa. Kasi may mga taong namamalimos sa lansangan, magkaroon lang ng laman ang kanilang tiyan 😔 ysa19 -🌺

13 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.