Remembering My Mama' s Death Anniversary today! Parang kailan lang matagal na pala kaming iniwan ni Mama. Lastime ko syang nakausap nung first visit ko sa kanya sa hospital. Sabi ko Mama pagaling kana po, uuwi na tayo bukas. Sagot naman nya sakin, Oo. Uuwi na ako bukas.. Pero yun na pala ang lastime na maririning ko ang malamyos nyang tinig. Kinaumagahan sinugod na sya sa ICU. Almost 1 week sya dun na comatose.. Sabi nga kahit ayaw pa nating mawala ang mga mahal natin sa buhay. Kung talagang oras na, oras na para kunin sya ng ating Poong Maykapal at wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang lahat. September 26 namatay si Mama at September 26 din yung birthday ng isa kung pamangkin. Simula ng mamatay si Mama ay wala syang naging celebration sa birthday nya. Sabi nya, paano ako magiging masaya kung si lola ay wala na, sakto pang kaarawan ko sya namatay! Kaya ilang taon din syang walang naging celebration simula noong mamatay si Mama. Btw, Kumusta po ang panahon dyan sainyo? Kagabi dito ay bumuhos ang malakas na ulan kaya napaaga ang tulog ko. Sinamantala ko yung malamig na panahon. Pero ngayon ang ganda na ng sikat ng araw. Parang wala lang bagyo. Pero under signal number 2 ang bikol. Walang pasok ang mga studyante, public and private school. Sabi nga daw mabuti na yung nagpapasiguro. Sana ay wala namang gaanong napinsala ang bagyong karding. Magandang umaga po sa lahat at tara bangon na... 😁 Ps- Nakapagsindi na pala kami ng kandila kahapon para ki Mama dun sa basilica. Ysa19 -🏵️
4 comments
May pansit ba later at shanghia hihihuh
Parang wala.. Juice and bread lang ay okay na. Tamang snacks lang. Hehe..
Ahahhaa pwede may peanut butter n a0alaman ba ahahaha
Walang palaman, plain lang na tinapay, sabay sawsaw sa juice. Hehe.