Naga Metropolitan Cathedral Yang ang simbahan kung saan nakalagak ang imahe ng aming Patron sa bicol na si INANG PENAFRANCIA.. Ilang months narin akung hindi nakakadalaw sa simbahan nayan. I'm sure ngayon mas marami namang mga deboto ni Inang Penafrancia ang dadalaw dyan para makahaplos man lang sa image ni Ina. Medyo pahirapan, siksikan ang mararanasan mo dyan, para lang makahaplos kay Ina.. Aakyat kapa sa isang makitid na hagdan, patungo sa taas kung saan nandun ang image ni INANG PENAFRANCIA.. Iba din kasi ang pakiramdam kapag nahahawakan mo sya o kaya mahaplos man lang ang katawan nya. Ganyan kami magmahal sa aming Patron dito sa bicol.. Kahit pa siguro isang maton o makasalanan na tao, nagiging malambot ang puso nya, kapag si Inang PENAFRANCIA na ang pag-uusapan. Alam ko marahil marami sainyo dito o taga ibang lugar ang matatanong, kung bakit ganun na lang ang paniniwala naming mga bikolano kay INA.. Marami kasing naging himala ang nangyari noon at hanngang sa ngayon na pinaniniwalaan namin, galing sa tulong ni INang PenaFrancia.. Happy Sunday po sainyong lahat. Nakapagsimba naba ang iba sainyo dito? Kung hindi pa, marami pa namang pong time at kung hindi naman makapagsimba, ay okay lang yan.. As long na nandyan sa puso nyo ang Diyos.. Pwedi nyo syang kausapin anytime.. Kahit ano pang ginagawa nyo at kahit nasan pa kayo 🙏 Ysa19 -🌺
No comments yet