read.cash Log in
@Nengste

@Nengste in April 2022

@Nengste

Makulay na umaga mga kaingay! Tara at magluto uli tayo! Simpleng ulam pero maraming benipisyo sa katawan. Lalo ngayon kaingay kailangan nating alagaan ang ating katawan. Mahal magkasakit ngayon. Kaya sa simpleng paraan ito ay alagaan. Pakbet at isda tayo ngayon kaingay. Magandang umaga sa lahat!

@Nengste

Kaingay after 4 years tsaka lang namunga itong pinya ng kaibigan ko from pampangga . Super excited siya kaingay na ikwento ito. Sinubukan lang niyang itanim , ngayon may bunga na. Patunay iyan kaingay na kahit gaano mo pa katagal itinanim, meron pa ring aanihin!

@Nengste

Healthy tips sa mga gustong magkaroon ng mas healthy na life style. Ito ang, ' Malunggay Rice'. Dahil pihikan mga kaingay ang mga apo ko at sakitin noon. Sinubukang gawin ng anak ko ang mungkahi ng kaibigan niya na gamitin ang pinakuluang malunggay sa gatas nila. 4 years old noon ang bunso at 9 naman ang panganay nito. Kalaunan sinubukan na rin niyang magblend ng malunggay at gawing tubig sa sinaing nila. (Nasa picture ngayon ang kinalabasan ng sinaing na bigas na may…

@Nengste

Dahil si bunso was screaming for Halohalo, heto po nagpabili sa akin malapit dito sa amin, pagdating ko doon pang lima po ako sa pila kaya nagwait, ang kainaman aircon kaya naginhawaan ang pakiramdam habang naghihintay.

@Nengste

Pinakisuyo sa akin itong lumpiang shanghai kanina para balutin dahil may handaan sa kanila, isang kamag-anak ng aking mister, kakakuha lang tapos sinabing punta daw ako, sabi ko hingi na lang akong lumpia para meryendahin kaya ito kaingay pinirito ko na. Meryenda tayo!

@Nengste

Homemade siopao mga kaingay. Sa nais gumawa narito ang mga sangkap. 3 cups apf 3 tbsp sugar 1 tsp instant yeast 1 cup water 1 tsp salt 1 egg (optional) 2 tbsp oil Paghaluin lang ang sangkap at masahin at i rest ng hanggang 30 mins to 1 hour ang dough, at masahin uli hanggang mag smooth na ang dough. Itabi uli at hayaang umalsa. Para sa filling Giniling na baboy/manok Bawang Sibuyas Paminta asin Oyster sauce Soy sauce 2 tbsp na corn starch Gisahin ang mga sangkap hanggang sa…

@Nengste

Good morning! Panibagong araw na naman, laging simulan ang umaga sa panalangin at pagpapasalamat. Meron tayong 24 hours pero parang hindi natin ramdam, sobrang bilis ang pagdaan ng oras at araw. Ingat sa maghapon!

@Nengste

Blue Ternate Rice naman ngayon mga kaingay itong inihanda ng aking anak. Maaari ninyo I research kung hindi kayo pamilyar. Ang bulaklak ng Blue ternate ay kadalasang ginagawang tsaa. Pumitas lamang ng bulaklak nito, hugasan, banlian lang ng mainit na tubig at maaari ng inumin. Para sa mga benipisyo nito maaari ninyong hanapin sa Internet. Sa kanin naman ay inihalo lamang ng anak ko ang Blue Ternate sa sinaing niya. Magkukulay asul ang sinaing dahil sa bulaklak pero hindi…

@Nengste

Ito na kaingay ang kanin na may halong blue ternate, kwento ng aking anak noong una ayaw kainin ng aking dalawang apo, pero hindi siya sumuko sa pagpaunawa at pagpapaliwanag na nakakabuti itong kainin para sa ikabubuti ng kalusugan nila kaya hanggang ngayon ito ang inihahain niya sa tuwing may bulaklak ang tanim niyang Blue Ternate. Happy lunch sa ating lahat.

@Nengste

Dahil wala ng stock na harina, hindi na ako nakakagawa ng hurnong kakanin, buti walang work si bunso ngayong araw, siya yung naghanap sa labas ng mameryenda, heto may uwing kamote cue,fish balls at lumpiang toge, busolved! Hindi ko na po nakuhanan ng litrato. Meryenda na rin kayo!

@Nengste

Share ko lang kaingay itong homemade malunggay pandesal na gawa ng isa kong anak. Sent picture niya ngayon lang. Hindi pa ito perfect pandesal kaingay dahil hindi ito masyadong umalsa. 1st time lamang niyang gumawa ng ganito. Sa pagluluto kaingay siguraduhing tamang sukat at kagamitan ang gamitin para makuha ang ninanais na kalalabasan. Pero kung hindi pa rin maganda ang finish product , tandaan natin kaingay na sa buhay pwedeng magkamali. Huwag matakot sumubok nang bago ,…

@Nengste

Malutong na mangga Sa nangangasim na dila, Maaaring papakin o iulam pa nga. Samahan ng bagoong na masarap ang lasa, May kaunting sili at may asukal na timpla. Halikayo kaingay pagtulungan natin itong ubusin heheh..

@Nengste

Sino pa dito ang katulad kong gising? Baka ikaw ay napapapikit na ngunit pilit mo itong tinututolan dahil gusto mong tapusin ang iyong ginagawa o pinanonood, pagbigyan niyo na ang iyong mata, baka magtampo pa iyan at hindi na kailanman kayo ay bisitahin ng antok, tara matulog na tayo Kaingay. Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Rise and shine mga kaingay. Magandang umaga sa ating lahat. Simula na naman ng mga gawain ngayong araw. Sa mga magsisimba . Ingat tayo sa byahe. Magpasalamat muna sa mga pagpapala, magandang kalusugan, buhay na taglay, magagandang bagay, lakas, o materyal. Kumain ng maaga para may lakas ka.

@Nengste

Hello Kaingay! May bisita si granny ngayon, mga 10 am dumating, pagdating kaagad sinabing gusto daw nila ng french fries, may dala silang patatas at mantika kaya kaagad ko namang binalatan ang patatas at heto nakasalang na, inuna kong niluto para makakain na sila habang nanonood.

@Nengste

Ang ganda titigan ng bulaklak Kaingay, di ko lang alam kung ano ang pangalan. Sarap tingnan. Share lang ito ng kaibigan ko hindi rin niya alam ang pangalan. Kayo Kaingay baka alam niyo ang pangalan sa halaman na may bulaklak na ganito.

@Nengste

Pagkatapos ng isang oras na pamamahinga, heto po Kaingay ginagayak ko na ang lulutuing maminindal mamaya nang aking dalawang bisita (apo), masarap ipagluto kasi mahilig kumain ang isa sa kanila, may dala din silang prutas, inihain ko itong Pinya, panghimagas kaninang lunch hindi naman nila kinain. Tara kaingay kain tayong pinya.

@Nengste

Kilala ba ninyo itong isda na ito kaingay? Naalala ko dito ang sikat na palabas na Finding Nemo. Salamat sa sa friend kong taga Bicol sa pagshare sa akin ng kagandahan sa kanilang lugar, Pakiramdam ko tuloy parang ang sarap tumira sa Bicol, Camarines Sur. Ang ganda ng tubig at ang daming corals, itong litrato ay kuha sa Siruma beach.

@Nengste

Ito po nagmiminindal na sila ng spaghetti, may dala din silang melon at papaya kaya nakagawa ng melon shake, hindi ko na hiniwa ang papaya dahil baka hindi na rin nila makain. Yung bunso kong apo hindi naubos kain ang spaghetti hinahanap ang french fries nang narinig ng kanilang tita kaagad na binalatan ang natirang patatas. Nagminindal din ang aming alaga.

@Nengste

Goodmorning kaingay, ang sarap ng almusal ng panganay ko daing na isda. Sarap itambal sa kamatis na may mangga at mainit na sinangag. Tinda ito kaingay ng kaibigan niya sa Vizal Pampanga, sariling gawa, hindi lasang burak at malinis ang paggawa. Sa halagang 30 pesos meron na silang masarap na almusal.

@Nengste

Mga Aral sa Buhay • Huwag kang mamuhay sa isang araw na laging iniisip ang kahapon. • Iwasang pansinin ang komento ng iba. Mamuhay sa paraang makakapagpabuti sa iyo. • Kapag nasaktan, tandaan mong pinagagaling ng panahon ang lahat. • Iwasang magkumpara. • Huwag madaliin ang lahat ng bagay. • Tayo lamang ang may kontrol sa buhay natin. • Maglibang . Maikli lang ang buhay kaya mag enjoy paminsan-minsan.

@Nengste

Simpleng Thank You Card Drawing ng apo ko kaingay. Kwento niya sa akin , nais niyang bigyan ng thank you letter ang kanyang mga titser. Kaya naman kaingay, naghanda siya ng papel at nagdrawing dito nang design para sa cover ng letter nya. Hindi original ang design kaingay. Nag research siya ng picture at kinopya ito. Sana nagustuhan ninyo kaingay! Magandang tanghali.

@Nengste

Noong nakaraang araw may nabasa ako sa aking facebook feeds tungkol ito sa "ordinaryong tv gawin nating smart tv" naging interesado ako kasi yung tv namin ay flat kaso ang antenna ay yung traditional antenna (cable wire) kaya pagkakita ko kaagad kong hinanap sa shopee, nabasa ko na pwede ito ikabit sa tv na may HDMI at nicheck ko rin ang tv namin kung meron nito at nakita kong meron kaya ni add to cart ko na po at naicheck out na rin po ngayong araw.

@Nengste

Ang init man ng panahon pero pagnakakita kang ganitong kagandang nilalang na kay ganda tingnan sa liwanag ay mapapawow ka talaga. Magandang magkaroon ng kaganitong bulaklak kaingay sa bakuran, samahan pa ng iba"t ibang uri pa ng bulaklak at kulay. Paborito ko ang ang Vietnam Rose o Portulaca na uri ng bulaklak maliliit lang ito na parang rosas, madali lang itanim at hindi maselan. Makakakita ka na ngayon ng ganitong uri ng bulaklak na may samo't saring kulay dahil ang iba ay…

@Nengste

Dilaw na Pakwan Share ko lang kaingay itong pakwan na dilaw. Salamat sa nagbigay! Ang tamis ng pakwan kaingay, feeling loved parang nasa cloud 9, lalo na kapag may kasamang effort ng nagdala. Kain tayo kaingay!

@Nengste

Goodnight kaingay. Salamat sa maghapong pagbabasa. Kahit marami ang gawain pero may oras pa rin tayo sa pagshare ng mga ganap natin sa buhay. Syempre mga positibong ganap lang kaingay, stress na tayo sa araw-araw na hamon kaya dapat positibo naman ang pamparelax natin. Hangad ko na makatulog tayong lahat nang maayos, managinip ng maganda at gumising ng masaya! Goodnight!

@Nengste

Mga Maaring Tandaan Kapag nasa Mahirap na Kalagayan • Manalangin • Maniwala ka sa sarili mo, na kaya mo. • Isa-isa lang kaingay. Hindi kaya ng isip ang sabay-sabay intindihin. • Magpakatatag ka • Ang problema ay hindi nagtatagal. Bubuti ka rin. • Magsikap ng husto. • Magpatuloy at huwag kang hihinto. • Laging gumawa ng pagbabago kung hindi akma ang unang plano. • Kapag may problema, isipin mo rin ang iba. Hindi lang ikaw ang may pinagdadaanan,kaya subukan din na mangamusta.…

@Nengste

Gatas with malunggay ng aking apo. Sa nais sumubok, -Kumuha lamang kayo ng tamang dami ng malunggay na gagamitin. - Hugasan at iblend bago pakuluan. Maaari ring tadtadrin muna o diretso pakulo na (kung saan ka mas komportable kaingay) - pakuluan ang dahon nang ilang minuto. (wag matagal, isang kulo lang ay pwede na) - salain para hindi sagabal sa iinom Live healthy kaingay. Kasalukuyan umuulan nga pala dito sa aming lugar ngayon.

@Nengste

Dahil maulan ang panahon ngayon dito kaingay , tara munang magluto ng ginisang dahon ng ampalaya na may tinapa. Sangkap - dahon ng ampalaya - tinapa - bawang - sibuyas - patis - paminta - kamatis Procedure - ihanda ang mga sangkap at kagamitan na gagamitin - igisa ang kamatis , sibuyas at bawang. - isunod ang tinapa - maglagay ng kaunting patis at paminta - maglagay ng saktong dami ng tubig para sa sabaw - sa huli ay ilagay ang dahon ng ampalaya at bahagyang pakuluan. Ihain…

@Nengste

Chinese Chives/ Garlic chives / Kutsay sa tagalog Isa sa tanim ko itong chinese chives / kutsay, madalas ko itong isinasahog sa ginisang itlog at sinangag na kanin, next time ipapakita ko sa inyo. Para sa benepisyo at ilan pang impormasyon ng chinese chives ay maaari ninyong ireseach kay google.

@Nengste

Pritong tokwa Bakit kaya kapag sa tuwing maulan masarap kumain kaingay? - Para sa masarap na tokwa. Siguraduhin kaingay na bago ito at walang masamang amoy ang bibilhin. - Para sa mas crispy na texture, maghalo ng kaunting corn starch bago I deep fry. (Kaunting corn starch lang kaingay, kapag sobra ay mawawala ang lasa nito at posibleng di maluto ang tokwa, posible rin na magiging matigas ang kalalabasa ng luto. - Para sa mas magandang klase ng tokwa , piliin ang tofu. -…

@Nengste

Magandang gabi kaingay, nagpadeliver ako kanina ng gasul at naubusan kami. Nagulat ako dahil 900 pesos na ang isang tangke. Tumataas ang bilihin natin kaingay. Mapamantika, asukal, gatas, isda at karne kaya kailangan pang mas higpitan ang budget. Magpakawais at madiskarte, kailangan humanap ng extra income. Nga pala dahil buong maghapon ang pagbuhos ng ulan, hindi ako makakalabas para bumili ng lutong ulam buti may natirang patatas pa dito, heto ginawa kong french fries…

@Nengste

Gumamela at Blue Ternate Share ko lang kaingay itong uwing gumamela at blue ternate ng anak ko. Dahil maraming tanim na bulaklak ang kaibigan niya, nanghingi at namitas muna siya para magamit niya sa susunod na gumawa siya ng tsaa. Istock muna niya ito sa ref para di agad masira. Ang bulaklak ng gumamela nga pala kaingay ay ginagawa niyang juice at tsaa, piinakukuluan lamang niya ito sandali at nilalagyan ng asukal at kalamansi sa juice. at pinakuluan lamang kapag tsaa. Kung…

@Nengste

Malamig magdamag kaya nakatipid ng kunsumo sa kuryente dahil hindi ako gumamit ng electric fan, maliban kay bunso na mainit o malamig man ang panahon nakaefan pa rin. Mukhang hindi na yata uulan ngayon araw, makapaglaba na ako nito. Almusal muna tayo kaingay bago sumabak sa mga gawaing bahay. Magandang umaga!

@Nengste

Nakasalang na ang aking labahin sa washing machine at habang inaantay ang paghinto nito. Gagawa muna si granny Nengste ng.... Homemade Skinless Chicken Longganisa Sangkap -350 grams giniling na manok -2 buong bawang -1 1/2 kutsara ng Paprika -1/3 asukal na pula -1 kutsara ng Asuete para sa kulay -Asin -kutsay (optional) -2 kutsara ng corn starch Procedure -Paghalu-haluin lamang ang lahat ng sangkap. - Ilagay muna sa ref bago ibalot sa cling wrap para mas madaling ihulma. -…

@Nengste

Eto na kaingay ang ating home made skinless longganisa. 15 pcs ang nagawa ko kaingay s 350grams na giniling na manok. Sakto lang ang tamis nito kaingay kaya wag na kayo magdadagdag ng asukal o magbawas pa sa sukat ng ingredients sa naunang post. Ang halaga lamang ng nasa sachet na Paprika ay nasa 25-35 pesos depende sa lugar na pagbibilhan. Happy cooking sa lahat.

@Nengste

Little advice for today - Magplano ngayon para sa kinabukasan - Magsalita ng nakakapagpatibay - Maging mabait kahit hindi mabuti ang iba - Maging mapagbigay - Kumilos - Matuto - Isaisip lagi ang tunguhin mo -Pagnapapagod, pwedeng magpahinga pero huwag kang hihinto. Ang sarap matulog kaingay, napagod yata ako kaya nakaramdam ng antok.

@Nengste

Dahil malamig pa rin ang panahon, magmeryenda muna tayo ng cupcakes. Sa nais gumawa narito ang sangkap 2 cups all purpose flour 1 cup evap 2 pcs egg 1/4 cup veg. oil 1 tsp. Vanilla 1 cup water 1 1/2 cup sugar 1 1/2 tsp baking soda 1 1/2 baking powder Chocolate chips Procedure -Pagsamahin lamang ang lahat ng sangkap, haluin ng bahagya, salain ang batter para maging smooth. - ilagay sa nais ninyong hulmahan at isalang sa oven. Kung wala kayong oven ay maaari ninyo itong i…

@Nengste

Magandang paglubog ng araw kainga! Bawat araw ay biyaya. Pagsikat man o paglubog. Laan sa atin para masiyahan sa buhay kahit minsan ay may problema. Ingatan ang kalusugan, mag ehersisyo, kumain ng sapat, pumili ng pagkaing nakalulusog sa katawan. Para sa darating na bukas hindi tayo mapabigatan ng pagkakasakit at sama ng katawan. Katatapos lang ng ulan, masarap ang mainit na sopas sa malamig na gabi.

@Nengste

Samgyeopsal, ang pagkain mula sa Bansang Korea na nakilala at naibigan kainin ng karamihang Filipino at isa na dun ang aking mga anak. Ito ang hapunan ngayon ni bunso, hindi ko alam na umorder pala siya, nalaman ko na lang nang dumating na ang delivery rider. Hindi ko type kainin ito pero tumikim pa rin ako ng dalawang subo. Nakafloat sa mainit na tubig ang Mozzarella para hindi tumigas.

@Nengste

Sopas isa sa mga tinatawag na comfort food sa tuwing malamig ang panahon o sa tuwing umuulan. Kaingay kain tayo ulet hindi kasi ako nasiyahan sa kinain ko kanina kaya naghanap akong makakain at heto ininit ko ang natirang sopas. Magandang gabi!

@Nengste

Good morning kaingay. Share ko lang ang alagang kuneho ng apo ko. Mag he hello lang itong si bun-bun, pampagood vibes lalo na sa mga pet lovers diyan. Stress releiver ang may pet, kahit parang bata sila na kailangan ng atensiyon at aruga ngunit may ibinibigay silang kakaibang saya sa loob ng tahanan. Good morning sa lahat!

@Nengste

Paper Bracelet Dahil 2 years na nasa bahay lamang ang mga bata kaingay, maraming pagkakataon na nakadadama sila ng pagkainip. Likas sa kanila ang pagiging matanong, mainipin, maiksi ang pasensya, malikot ang imahinasyon, masigla, at mahilig magkalikot ng mga bagay-bagay katulad ng aking mga apo, minsan nagsusumbong na ang kanilang ina sa akin na naiinis na siya sa kakaligpit ng mga kalat. Ang totoo, parte ito ng kanilang development. Kapag napapansin natin kaingay na meron…

@Nengste

May naghatid ng pagpapala ngayong araw kaingay, isang plastic na mangga! Salamat sa nagbigay. Kung sagana lang tayo lahat sa libreng prutas, siguro wala ng magugutom tapos lahat tayo malusog. May mga puno na namumunga ng prutas sa ibat ibang panahon buwan-buwan. Ngayon, may mangga,pinya,pakwan,kaimito. Ang saging naman sa lahat ng panahon meron. Ang saya sana kung lahat tayo nakakakain ng prutas na hindi na kailangang bumili, na may kanya kanya tayong lupa na pagtataniman.

@Nengste

Hello, kaingay nagluto ako ngayon ng ilang pirasong tinapay para sa meryenda. Simpleng tinapay lamang ito na pinahiran ng butter at binudburan ng sesame seed sa taas. Bagay ito kaingay sa mainit na kape habang nagmumuni-muni. Kapag nais ninyo ng mas healthy na version ng tinapay, maaari kayong maghalo ng gulay sa minasang tinapay. Gaya ng tinadtad na malunggay, na grate na carrot, kaonting nilagang kamote o kalabasa. Siguraduhin kaingay na saktong dami ang ilalagay na gulay…

@Nengste

Na aamaze ako kaingay kapag nakakakita ng magandang bulaklak. Tulad nitong nasa picture, nishare ng isang friend sa akin, mula sa Legazpi Albay. Ayon sa kanya matagal na itong nakasave sa kanyang cellphone. Nag kwentohan kami via chat kaninang umaga sinabi niya na, walang makita sa labas ng bahay nila dahil napuno ito ng fog sa kadahilang malamig sa kanilang lugar. Gusto niya sanang kuhanan ng larawan ang kagandahan ng Mayon Volcano dahil natatanaw ito mula sa lugar nila.…

@Nengste

Sinigang na Bangus Belly at Panghimagas Hapunan namin kanina kaingay, napadami ang kain dahil sa mainit na sabaw ng isda na may sawsawang patis at sili. Perfect combo. Samahan pa ng hinog na mangga. Scroll, scroll muna ngayon si granny para malibang, minsan nanonood sa facebook kung anong ganap. Nakakawala rin ng inip kapag nagbabasa-basa.

@Nengste

Magandang morning kaingay, Nakakuha ako ngayon ng fresh na malunggay. Libre lamang ito kaingay mula sa mabait na kapit-bahay. Ang presyo ng malunggay sa palengke ay 20 pesos isang tali. Nakatipid na ako ng 20 pesos ngayong umaga. Sa nakaraang post ko, ang malunggay ay inilalagay ng anak ko sa gatas ng kanyang mga anak at sa kanin.( maaari ninyong tingnan ang mga naunang post) Inihahalo rin niya ito kaingay sa ulam. Ang malunggay ay sagana sa Bitamina C na makakapagpalakas ng…

@Nengste

Siyanga pala Kaingay, natanggap ko na kahapon ang inorder kong tv box at ito ay pinakabit ko kaagad sa akin son in law, gumana naman kaagad kaya lang naglalag hindi stable ang lakas ng wifi dahil siguro may kahati ito dahil ginagamit din ni bunso ang desk top sa oras na yun. Nang nakaout na si bunso sa work from home niya, sinubukan ko ulit ang tv box, nag youtube ako isang oras na ang nakaraan, hindi nakaranas ng internet loss. So sa palagay ko okay ang tv box sa internet…

@Nengste

Tara kaingay magluto tayo ngayon ng Pansit Miki. Mahilig sa gulay si granny , tipid na, masustansiya pa. Sangkap - Miki noodles - gulay na nabibili na nakapack - squid ball at kikiam - Bawang - Sibuyas - 2 tbs toyo - pamintang durog Procedure - igisa ang bawang at sibuyas - ilagay ang mga hiniwang gulay gaya ng carrot, sayote at bitsuelas - isunod ang squid ball at kikiam - ilagay ang 2 tbsp ng toyo at pamintang durog - sunod na ilagay ang miki noodles, haluin, lagyan ng…

@Nengste

Luto na kaingay ang granny's Pansit Miki. Ang dami nang maluto, kaya meron na kaming tanghalian at meryenda. Pwede ng kainin kahit walang kanin. Maganda ang miki at gulay na nabili ko ngayon. Last time nagmomoist na ang gulay sa plastic. Mas mainam kapag maagang namimili, marami kang pwedeng pagpilian. Kumain na tayo kaingay, happy lunch time!

@Nengste

Flex ko lang kaingay itong Bulkang Mayon ng Legazpi Albay, ang picture ay kuha ng kaibigan ko mula sa Estanza Legaspi, Albay. Sana minsan makabisita ako sa kanila. Olongapo, at manila pa lang ang nabisita ko kaingay. Share naman po ninyo kaingay ang magagandang tanawin sa lugar niyo. Magandang hapon!

@Nengste

Hello kaingay, share ko lamang itong donut. Tamang tama sa pansit miki kanina. Bili po ito sa panaderya sa labasan pero kung nais ninyong gumawa, narito ang sangkap. Sangkap 3 cup all purpose flour 1/2 cup sugar 1 tsp yeast 50 grams butter 1 cup water Procedure - paghaluin ang sangkap - masahin - rest ng 30 mins - masahin ulit pagkatapos ng 30 mins - ihulma ng pahaba - rest uli ng 30 mins - masahin - iform pabilog at iflat - rest ng 15mins - at i deep fry sa mainit na…

@Nengste

Ang init na Kaingay, ramdam na ang summertime. Umiinom ng maraming tubig at manatili sa lilim. Kung wala namang gagawin sa labas, manatili na lamang sa loob ng bahay. Enjoy your siesta kaingay.

@Nengste

Kamusta ang ating maghapon kaingay? Heto po ako nanonood ng movie about sa K9 dog na ang titulo ay Ace of hearts, ito ay hango sa true story ng pagkaheroism ng isang aso, nagustuhan ko ang story kaya heto nagpupuyat. Masarap ng panooran itong aming tv kasi malinaw na hindi kagaya noon na parang may ulan dahil tradisyonal na antenna ang gamit.

@Nengste

Kape at pritong saging almusal ko ngayon kaingay, umaga na naman, haharap uli tayo sa tambak na trabaho. Kailangan natin ng energy. Maaraw ngayon kaya ilalabas ko ang mga kutson at unan para maarawan. Ingat sa maghapon kaingay!

@Nengste

Ang buhay ay puno ng magagandang bagay kailangan lang hanapin para makita at pahalagahan para mapasalamatan. Salamat sa magandang araw ngayon. Nadaanan lang ni granny Nengste itong magandang bulaklak kaya heto kinunan at binahagi din sa inyo.

@Nengste

Ay salamat! Sa ilang oras na paghihintay may connection na rin sa internet. Nagkaroon ng troubleshooting yung pagginalaw ang box sa poste nawawalan ng connection ang ibang linya na nakasama sa box, pati ang aming linya, kaya kanina naiinip po ako kaya naghanap ako ng ibang magagawa. Tapos panay din ang labas at kinukulit ang mga lineman techincian ng Internet provider heheh.. nasasayangan kasi ako sa nawalang oras ko kay noise, sa pagpost at pagbigay ng tip. Ngayon happy na…

@Nengste

Banana cue/ Banana que, alin kaya ang tamang spelling diyan? Parang Banana que dahil parang tunog barbeque na isang pagkaing tinutuhog ng stick, heheh kahit alin diyan. Meryenda po tayong Banana cue or que, luto ko po request ni bunso ang aking bunso na kahit sabado may pasok pa rin work from home.

@Nengste

Naalala ko ito kaingay, ito ay tinatawag na oyster mushroom. Masarap siyang ideep fried o ilagay sa bulanglang na gulay. Parang nakakamiss kumain uli. Pwede rin itong gawing Siomai, hindi lang maperfect ni granny Nengste ang paggawa.

@Nengste

Dinner: No rice muna kami ni bunso ngayon, tig-isang small box kami ng pizza. Pagkaout niya sa work, umalis siya kanina para bumili ng kanyang mga gamit, naisip niyang dumaan sa greenwich para bumili ng pizza para ito na ang aming kakainin for dinner kesa magluluto pa ako ng ulam.

@Nengste

Goodmorning kaingay! Ang aking late na pagbati sa inyong lahat. Sana maganda ang bungad ng inyong umaga ngayon gaya ng bulaklak na ito. Medyo abala lang si granny Nengste kaninang umaga at hindi maharap kung ano ang ganap dito sa community. A blessed Sunday to all!

@Nengste

Bad po ba ang inyong umaga kaingay? I feel you, may mga time na ganyan din ako, kaya hindi kayo nag-iisa kaingay. Huwag lang natin hayaan na masira ang maghapon natin. Pakatatag tayo lagi, mahaba pa takbuhin natin. Mamahinga ng bahagya kapag pagod pero wag hihinto, hindi naging mabuti ngayon, pero sa susunod maayos na dahil lilipas lang yon. Magbasa at manood para malibang.

@Nengste

Spaghetti: Andito kanina ang pangalawa kong anak kasama ang aking apong 5 years old, nagpapaluto sa akin ng Spaghetti may dalang mga sakap, kaya niluto ko kaagad pagkatapos kong mananghalian. Heto po naglagay ako ng spaghetti sa isang tupper ware pinuno ko ito para may mauwi siya sa kanila.

@Nengste

Flex ko lang po itong natanggap na biyaya mula sa isang kaibigan na nanggaling sa Palawan upang magbakasyon. Sarap sa pakiramdam na binahagian ako at pinatikim ng masarap na hopia gawang Puerto prinsesa, Palawan. Pag may ishare po siya sa akin na larawan ng magagandang tanawin sa Palawan, baka maisishare ko rin po dito sa inyo kaingay.

@Nengste

Ang ulam na hindi nakakasawang kainin kahit pa ulit-ulit, sinubukan ko gumawa ng Chicken Shanghai para maiba naman. Ito ang paboritong pagkain ng mga Pinoy lalo na sa mga handaan. Heto natimpla na at pwede ng balutin, tamang tama sa almusal, pritong Shanghai at fried rice. Sa mga Kaingay sa gawing Visayas ingat po kayo at may bagyo.

@Nengste

Noon may nishared akong post tungkol sa alagang pusa ng aking pangalawang anak na may pamilya na. Itong pusa na ito ay napakatalino, nanonood ng tv at marunong gumamit ng CR upang doon umihi at magdumi, ngayon po ay nanlalata po ang pusa dahil may nakadikit na tinik sa kanyang dila dahilan na nagkasugat ang ngala-ngala nito at nagkanana. Kanina sinubukan daw ng aking anak na bunutin ang tinik kaso nakagat siya ng pusa nang hindi sinasadya, ngayon po ay pumunta siyang center…

@Nengste

Natapos ko ng balutin ang Chicken Shanghai kaso kinulang ng pambalot, kaya nilagyan ko ng 1/2 kutsarang corn starch ang natira para gawing maging patty, nga pala itong Shanghai ay hinaluan ko rin ng kutsay, pandagdag sustansya.

@Nengste

Chicken Shanghai and the patties were cooked, ready to serve to share with. Happy lunchtime noisemates! I'm hungry by staring what's on the plate. I hope everyone here is satisfied with my cooking.

@Nengste

Noong December nakatanggap ako ng ibat ibang brand ng set of Spaghetti pasta at Spaghetti sauce at ito lang ang swak sa aming panlasa, dagdagan lang ng isang small can of evaporated milk, ginadgad na cheese at konting asukal. Nang hindi ko pa ito nasubukan, sa tuwing gagawa ako ng Spaghetti, ang talagang hinahanap at paborito kong brand na Spaghetti sauce ay Del monte Italian style Spaghetti sauce. Share ko lang po sa inyo Kaingay.

@Nengste

Uminit na ang klima ng panahon dito sa aming lugar kaingay, kaninang umaga makulimkim akala ko uulan, ang sarap kumain sana ng halo-halo. Siyanga pala kaingay may gusto akong ishare sa inyo, ang alagang orchids ng aking kapit-bahay, hindi niya po alam kung anong uri ng orchids ang kanyang inaalagaan, first time pa lamang niya nakita itong namulaklak. Naikwento niya sa akin sobrang natuwa siya na naging kulay berde ang bulaklak nito. Nag-enjoy kaming nagkwentuhan ng ilang…

@Nengste

Flex ko lang kaingay itong si Bun-bun ang alagang kuneho ng isa kong apo. Nagmamagandang hapon sa inyong lahat. Kwento ng apo ko mahilig ngat-ngatin ni Bun-bun ang cord ng ref nila, gilid ng upuan, at wallpaper. Gusto lagi nitong sumisiksik sa gilid ng kabinet at ilalim ng higaan. Ang lagi nitong kinakain ay damo o kaya ay Feeds.

@Nengste

Good morning kaingay! Heto po nakagayak na ang aking lulutuin pang almusal, scramble egg na may patatas, hahaluan ko ito ng malunggay dahil may uwing malunggay kahapon ang aking son in law. Tandaan, tamang dami lamang ang ilagay, at siguraduhin na sariwa ang dahon na gagamitin. Tara magluto na tayo!

@Nengste

I would love to show you the finish product of what I had cooked for breakfast earlier, its a combination of fried scrambled eggs,potatoes and malunggay leaves. I hope you gonna try this, its yummy and nutritious.

@Nengste

Flex ko lang po kaingay ang ibinahagi sa akin na magagandang tanawin, kuha ito sa probinsiya ng Palawan na kung saan binigyan ng pagkakataon na bisitahin ng aking kaibigan. Kwento niya sa akin na tatlong lugar ang kanilang pinuntahan, ito ay Talaudyong, Nagtabon, at Tagkawayan. Ayon sa kanya hindi crowded ang lugar kaingay at nakakarelax ang paligid. Gusto niyo rin bang pumunta sa ganitong lugar? Halina kayo kaingay, gawa na tayo ng listahan ng mga lugar na pwede nating…

@Nengste

Ito ang nakakapagod na araw sa akin, labadami labango ko ngayong araw, katatapos ko lang maglaba dahil tanghali ko na kasi inumpisahan, inispin dryer ko na para siguradong matuyo din kaagad ngayong araw. Heto namamahinga na habang nagpapatugtog ng instrumental sounds na pampaantok.

@Nengste

Noong kasagsagan ng pandemic ang isa sa pinagkakakitaan ng anak ko ay ang pagbebenta ng halaman. Nauso ang 'Plantito at Plantita' sa social media, dahil dito nahikayat ang marami sa pagkahilig sa pagtatanim at pagpapaganda ng bakuran at sa tahanan. Isa sa madaling ibenta itong Vietnam Rose, lalo na sa mahihilig sa mga namumulaklak na halaman, madali nang itanim, hindi pa mahirap paramihin. Isa rin ba kayo kaingay sa nahumaling sa paghahalaman? Magandang gabi!

@Nengste

Ang Superfood Na Gulay Malunggay o Moringa pangalang kilala Mga sangkap na taglay Pampahaba ng buhay Madaling makita Saan ka man magpunta, Maaari tanim, bumili o manghingi pa Sa tinolang manok ay bagay na bagay Lalo na kung sariwang dahon ang ilalagay. O alam nyo na kaingay, kung ano ulam ni granny Nengste bukas? Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Mga Maaaring Gawin Ngayon Araw • Maglakad • Manood • Manalangin • Makipagkwentuhan • Mamasyal • Makinig ng musika • Magsulat • At mag scroll sa inyong sinalihan platform at community na nagbibigay ng positibong pananaw. Goodmorning kaingay, para sa araw na paulit-ulit at paikot-ikot na gawain , huwag kalimutang mag relax at maglibang din. Kailangan ng katawan ang pahinga kapag tayo ay pagod na. Hindi lang katawan ang napapagod, ang ating damdamin at isipan ay maaring…

@Nengste

Hello kaingay! Heto na po niluluto na ni granny Nengste ang kanyang dish sa araw na ito, ang "Tinolang Manok." Para sa mas malasang tinola, damihan lamang ang igigisang luya, sibuyas at bawang, mas maraming ilalagay mas lalo pa nitong pinapasarap ang sabaw, bukod pa diyan, makakakuha pa tayo ng dagdag na sustansiya sa mga extrang gulay na isasahog natin katulad ng papaya, sayote,dahon ng sili, malunggay at iba pa. At syempre tamang dami lamang ng tubig na pansabaw ang ilagay…

@Nengste

#foodphotography Flex ko lang itong pinaluto ni bunso, kinunan ko muna ng litrato bago ibigay sa kanya para meryenda niya. Meryenda na rin kayo diyan kaingay.

@Nengste

Pastilyas Dumpling Itong Pastillas ay gawa ng aking 11 years old na apo kaingay at nais ko na ibahagi ang finish product na kanyang ginawa. Naisipan niyang gumawa nito dahil naging activity nila ito noon sa school. Baka nagtataka kayo kung bakit perfect ang pagkakagawa sa hugis ng dumpling? Ginamitan lamang niya ito ng panghulma ng dumpling na gamit ng kanyang nanay. Super enjoy ang aking apo ko sa kanyang ginawa habang natutulog ang kanyang ina.

@Nengste

Kalabasa Kalabasa, Kalabasa Gulay na dilaw, pampalinaw ng mata at maraming taglay-taglay na bitamina. Masarap gawing okoy kapag hilaw pa, budburan ng asin at iba pang pampalasa. Lagyan ng konting cornstarch para extra crunchy siya. Katambal ng okoy ay masarap na suka, Samahan ng patis, sibuyas asukal at paminta. Magandang gabi kaingay! Sana nagustuhan ninyo ang gulay na kalabasa, siyanga pala mas magandang gawing okoy ang hilaw na kalabasa, hindi malabsa kapag naluto.

@Nengste

Kahit gabi na mainit pa rin ang panahon dito kaingay, kaya may naisip ako, dahil binigyan ako ng aking mga friendship ng Indian mango at karamihan ay hinog na, kaya gagawa ako ng fresh Manggo Juice para pampapawi ng init sa maalinsangang panahon. Kaonting asukal lamang ang aking ilalagay dahil matamis na ang mangga kaingay.

@Nengste

Gusto ko pa sanang tapusin ang pinapanood ko kaso dinalaw na ako ng antok, hindi ko na kaya, kaya exit na ako Kaingay, bukas ulet natin ipagpapatuloy ang pagbabahagi ng ating mga activity araw-araw dito kay noise. Good night!

@Nengste

Flex ko lang kaingay ang kagandahan ni Mayon Volcano ng Legazpi, Albay. Ang Mayon Volcano ay isang aktibong bulkan dito sa bansang Pilipinas na tinaguriang may perfect cone shape. Pero pansin ko kaingay na hindi lamang ang kagandahan ng bulkan ang agaw pansin? Naagaw ang atensiyon ko sa hinog na papaya sa gilid! Goodmorning sa ating lahat! Ang larawan ay mula sa aking kaibigan na taga Legazpi, Albay.

@Nengste

Tara na't magluto kaingay ng Tortang Talong na may dahon ng Malunggay. Sangkap Talong Itlog Sibuyas Bawang Malunggay Asin Paminta, Mantika. Procedure: - ihawin ang talong. - habang nag-iihaw ng talong hiwain ang sibuyas, bawang at malunggay - ihanda ang gagamiting itlog at lagyan ng tamang dami ng asin at paminta, kapag tapos nang ihawin ang talong ay ilagay ito sa plastic habang mainit pa para makulob ang init at mag-moist ang talong, ang dahilan ay upang mas madaling…

@Nengste

Late post Kaingay! Dahil pagkatapos ko kumain ng tanghalian, napansin ko ang Electric fan na maalikabok kaya kaagad ko itong nilinis at nalibang din sa paggawa ng ibang gawain. Ito ang niluto ko kaninang tortang talong na may malunggay, nakakaganang kumain pag gulay ang ulam, naparami tuloy ako sa pagkain ng kanin.

@Nengste

Fresh harvest na gulay ani ng friend ko mula sa bukid nila. Ito ang hanap buhay nilang mag-asawa, ang pagtatanim! Ang kwento niya kaingay nakakapagod ang pagtatanim at talagang sakripisyo, malayo kase sa kanilang tahanan ang lupang pinagtataniman nila at manu-mano ang pagdidilig, pero aniya sulit naman kapag umaani na. Ang kanilang inaaning mga gulay ay dinadala sa Balintawak Market, ang iba kaingay ay kanila namang inilalako. O, dili kaya ay kanilang iniluluto. O diba, may…

@Nengste

Nais ko lamang ibahagi sa inyo ang kalagayan ng pusa na natinik sa dila, ito ay alagang pusa ng aking apo, ang pangalan ng pusa ay "Negro" maayos na ang kalagayan niya ngayon, magana ng kumain at masiglang naglalaro. Mapapansin na relax na relax itong natutulog sa paborito niyang higaan, si Negro ay kulay black and white at ang katabi niya sa pagtulog ay ang kanyang kapatid. Magandang gabi sa ating lahat!

@Nengste

Good morning kaingay! Araw ng paglilinis ng bahay. Update muna si granny Nengste sa community bago magsimula, share ko muna ang motivational quotes na nabasa ko, ' Dont give up. The beginning is always the hardest'. Na inspire ako kaingay, ganyan ang nadarama natin kapag nagsisimula tayo ng isang bagay, minsan nakakapanghina ng loob, pero gaya ng paalala, huwag tayong titigil. Nag online selling ka man, bagong tanggap sa trabaho, naghahanap ng trabaho o nagsisimula ng…

@Nengste

Lunch Time: Nakatapos na maglinis at magluto si granny Nengste. Ang menu ngayong araw ay Ginisang Petsay At Piniritong Tilapya. Naghanda rin ako kaingay ng Calamansi Juice kaso hindi ko na napicturan dahil naubos na namin sa init ng panahon. Tara kain na tayo kaingay!

@Nengste

Malamig na Papaya sa mainit na panahon, summer feels na talaga kahit saan ka man naroroon, kaya naisipan ko na palamigin sa fridges itong hinog na papaya kanina para may maminindal. Ang tamis po kaingay at ang sarap! Pagpapala nga pala ito mula sa isang mapagbigay na kaibigan, ito po hiniwa ko na para pagsaluhan natin kaingay, magsidampot na po kayo!😄

@Nengste

Si bunso umakyat ng Baguio, umalis sila ng Wednesday 12 midnight kasama ang mga katrabaho niya, at bukas pa ang kanyang uwi kaya nag night market na sila kanina, sabi niya ang dami daw taong namimili siksikan, kakatanggap ko lang ng photo via messenger.

@Nengste

Soursop o Guyabano: Nakaka refresh sa summer ang pagkain ng prutas, heto may nagdala uli ng pagpapalang prutas ngayon ngayon lang, at may kasama pang kabay hindi ko nga lang napicturan kaingay dahil abala ngayon si granny Nengste. Fried Chicken sa labasan ang tanghalian ngayon dahil wala ng time magluto. Ingat tayo sa maghapon mainit ang panahon!

@Nengste

Noong isang araw may naglako ng hinog na pikong mangga, nakabili ako ng 2 kilos, hinog sa puno. Dahil bukas pupunta dito ulet ang aking mga apo, ito po naisip kong gawing ice-cream cake, hindi maayos ang paglagay ko ng design dahil napakabilis malusaw ng cream dahil na rin sa sobrang init. Bilin ng aking anak, wag ko daw gawing ice-cream, gawin ko na lang daw juice sa mga bata ang mangga, umuo ako heheh pero ginawa ko pa ring Ice-cream😅

@Nengste

Nakaidlip saglit ngayong hapon, pagkadilat kaagad na hinawakan ang selpon at nabasa ang mensahe ni bunso na pauwi na sila ngayong araw pero bago umuwi pumunta muna sila sa isang strawberry farm ng La Trinidad, Benguet at may pa proof pa na photo, ice-cream strawberry lang pala ang dinayo hindi namitas, mahal yata per person pagpumasok sa loob upang mamitas.

@Nengste

Magandang gabi sa lahat na gising pa katulad ko. Inaantabayanan ko ang pag-uwi ni bunso galing Baguio, pag ganitong may inaantay, hindi ako makakatulog. Nga pala nang namili daw sila kanina ng mga pasalubong, ang mahal na ng Good sheperd purple yam, 600 na raw, kaya hindi siya nakabili, sabi ko sa kanya kahit walang purple yam basta may Cactus lang, sapat na.

@Nengste

Tara kaingay magluto tayo ng Ginisang Kabay! Sa nais magluto narito ang sangkap. Sangkap Kabay, bawang, sibuyas, paminta, asin, carrot, oyster sauce, mantika at, 1 kutsarang asukal Prodecure - hiwain ang mga sangkap - kapag nakahanda na ang lahat igisa ng bawang, sibuyas sa konting mantika -isunod na ilagay ang carrot at ang kabay - halu-haluin ito at maglagay ng saktong dami ng tubig para maluto ang kabay. - isunod ang oyster sauce at ang asukal - patayin ang apoy kapag…

@Nengste

Abala si granny Nengste ngayong araw dahil andito ang aking tatlong apo, isang eleven years old,six at four years old, medyo magulo kasi ang likot ng dalawang lalake, ang isang babaeng 11 years old focus lang sa pinapanood. Ito ang kanilang meryenda ngayon, prutas dahil season ng masaganang prutas ngayon, pampawi din to beat the heat.

@Nengste

Ito na kaingay ang kinalabasan ng Ginisang Kabay. Nalibang si granny Nengste kanina kaya nalimutan ipost ito, mabuti na lang at may kasabihang 'Huli man at magaling, naihahabol din.' Ang Kabay o mas kilala sa pangalang Sigarilyas ay mayaman sa sustansiya kaingay katulad ng protina, Bitamina A,iron, Bitamina B, fiber at marami pang iba. Karaniwang iniluluto ito na may gata at karne o kaya ay inilalagay sa Sinigang. Magandang hapon kaingay!

@Nengste

Ngayon lang ulet nakasilip dito, nabusy dahil sa aking mga bisitang apo, nakauwi na sila kaya tumahimik na naman ang bahay, tuwing ika dalawang linggo ang sked ng pagpunta nila dito sa bahay. Pinakain ko na ng hapunan at pinaliguan ang 6 years old kong apo para pagdating niya sa kanila, makatulog agad, ito ang apo kong mahilig kumain, napakaganang kumain, kailangan limitahan ang kain niya dahil sa sobrang kabusugan, nahihirapan ang sistema ng kanyang panunaw. Magandang gabi…

@Nengste

Singkamas: Season ng Singkamas ngayon, kaya nagdala ng ganito karaming Singkamas ang panganay kong anak. Ang Singkamas ay halamang baging at may bungang ganito, ang tawag nito sa English ay Mexican potato o turnip, may mga bansa na mas kilala itong Jicama.

@Nengste

Strawberry: Isa sa mga inuwi ni bunso galing Baguio ay itong strawberry, may uwi din siyang peanut brittle,lettuce at kung ano anong produktong nakapack. Itong strawberry ang pinakagustong kainin ng isa kong apong six years old kahapon, siya lang ang nakaubos nito, hindi niya pinansin ang manggang hinog at papayang hinog.

@Nengste

Lutong ulam muna tayo kaingay today, flex ko lang ang nabili ko na Inihaw na Baboy! Mainam at marami ang nagtitinda ngayon ng mga lutong ulam, tamang tama ito sa panahong abala tayo at walang oras para magluto. Kuha na kayo kaingay! Happy lunch time!

@Nengste

Dessert: Katatapos lang maglunch, itong aking dessert ay home made ice-cream ito ay binuo ng dalawang ingredients lamang, manggang hinog at Angel kremdensada, at ang papaya naman ay uwi ng aking panganay na anak kahapon, may natira pang konti kaya may panghimagas pa kami ni bunso ngayon.

@Nengste

Kanina nanood ako ng video kung paano palalakasin ang Immune System at nais ko na ibahagi sa inyo ang natutunan ko. Pero sempre makakatulong din kung meroon tayong healthy environment katulad ng view na nasa picture. Ito na kaingay ang natutunan ko. 1. Mag-ehersisyo tatlong beses isang linggo 10 to 15mins, upang mag circulate ang dugo, hindi kailangang biglain ang katawan para gawin ito, unti-unti lang kaingay. 2. Panatilihin ang tamang timbang base sa edad at taas. 3.…

@Nengste

Share ko lang kaingay itong gawa ng apo ko na sandalyas. Ang totoo hindi ko alam kung magagamit niya ba itong panapin sa paa, dahil madalas na hindi natutulog sa tanghali ang batang ito, madalas na nag-iisip ito ng maaari niyang magawa. Lumang gomang panapin sa trisikel, glue gun, lumang lock ng sandalyas ang mga kagamitang ginamit niya at pinagsama-sama lamang niya ito at idinikit. Nag-enjoy ng husto ang apo ko pero hindi ko tiyak kaingay kung matutuwa din ang nanay niya,…

@Nengste

Kaingay ani ng friendship ko kaninang umaga. Naku naman! Ang sarap nitong ibulanglang kaingay, sayang at magkalayo kaming dalawa, edi sana nakabili man lang sa kanya. Mapadenengdeng, ginisa, ensalada, o gata with tinapa ay mapapa-extra rice ka talaga! Alam niyo ba kaingay na maraming health benefits ang pagkain ng gulay na ito? May taglay itong vitamin C na mainam para maiwasan ang mga sakit tulad ng sipon. Nakakatulong din ang bulaklak ng kalabasa upang tumibay ang ating…

@Nengste

Hapunan: Heto kaingay ang aking hinapunan ngayon, may uwing letsugas si bunso kaya gumawa akong ensaladang letsugas ang timpla ay suka,pamintang durog,asukal at hinaluan ko ng fried na tokwa, ngayon ko lang ito ginawa na may halong tokwa, nagexperiment lang.

@Nengste

Time check 10:25 PM: Sana naging mabuti at produktibo sa lahat ang buong maghapon, at kung hindi man, huwag po mag alala may bukas pa at marami pang bukas na nagbibigay pag-asa, sabi nga sa kanta " sa daigdig ang buhay ay ganyan, mayroon ligaya at lumbay." Tulugan na tayo kaingay, ipahinga na ang katawang pagod. Good night!

@Nengste

Good Morning kaingay! Sana nasa mahusay kayong kalagayan lahat at magaganda ang inyong umaga. Napuyat si granny Nengste kagabi sa panunuod ng video, tungkol ito sa sakit dahil naging interesado ako sa sakit na Breast Cancer ang dahilan ay mayroon akong kakilalang pinahihirapan ng sakit na ito. Mamaya share ni granny ang kanyang natutunan, sa ngayon aasikasohin ko muna ang mga gawaing bahay.

@Nengste

Dahil tapos ng maglinis si granny Nengste ng bahay, tara naman at maghanda ng ating uulamin for lunch! Naisipan kong gumawa ng Chicken Fingers with Kutsay. Post ko mamaya ang mga sangkap kaingay, magsisipagsipagan muna si granny .

@Nengste

Ito kaingay ang aking natutunan tungkol sa Breast Cancer sa video na aking napanood. 1. Karaniwang sakit ng mga kababaihan sa ngayon, maaari magkaroon din nang ganitong sakit ang mga lalaki ngunit bihira lamang. 2. Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Breast Cancer - Hereditary - Stress - Pagkain - Hormonal imbalance - Aging 3. Ang breast cancer ay hindi madaling malaman kung meron kaagad nito kapag stage 1 pa lamang, ngunit madali na itong matukoy kung nasa stage 2 na dahil…

@Nengste

Narito na ang menu for today. Ang Chicken Fingers with Kutsay at gulay! FYI ni cut ko lang po ang chicken finger para maganda sa plating. Happy lunch time kaingay! Sana nagustuhan ninyo ang dish ko ngayong araw. Ingat sa maghapon.

@Nengste

Siyanga pala kaingay, gusto kong ishare sa inyo ang recipe ng Chicken finger na niluto ko kanina. Sa nais magluto narito ang sangkap. Sangkap Chicken breast Kutsay Paminta Asin Paprika 1 egg Cornstarch Breadcrumbs Procedure - hiwain ng pahaba ang manok sa tamang nipis lamang - timplahan ng asin, paminta, paprika, ang manok at ilagay ang kutsay pagkatapos. - ihanda ang gagamiting itlog at batihin - ilagay ang cornstarch at breadcrumbs sa magkahiwalay na lalagyan - lagyan din…

@Nengste

Ito ang nakakapagod na araw ni granny Nengste dahil araw ng aking paglalaba ngayon. Mag aalas dos na ng hapon ako nayari dahil tanghali ko na inumpisahan, dahil sa pagod nakaidlip po ako. Naghahanap ako ngayon ng makakain, nakakagutom pag pagod, sakit din bewang ko.

@Nengste

May blessing akong natanggap galing sa isang mapagbigay na kapitbahay, isdang sapsap at linis na po nang inabot sa akin, alam kasi nitong kapitbahay ko na gusto ko ang sapsap na isda na gawing pinangat kaya naisip niyang ibigay ito sa akin, kaya lang ingat tayo pag ganito ang ulam kasi ang daming tinik na maliliit baka tayo ay matinik.

@Nengste

Ice Cream: Nakapaghapunan na ba ang lahat? Kami katatapos lang at ang aking inulam ay pinangat na isdang sapsap, nakasalamin ako habang kumakain para makita ko yung maliliit na tinik. Dahil bagong sahod si bunso, heto treat niya ang dessert namin na ice-cream.

@Nengste

Sa mga nakaraang post ko kaingay, nakita natin ang kagandahan ng Siruma Beach ng Bikol, Mt. Mayon ng Albay, at kagandahan ng Palawan. Ngayon naman kaingay narito ang ilang view ng Sibuyao, Torrijos, Marinduque! Napa-wow ako kaingay dahil parang ipinintang larawan ang view. Perfect, walang maipipintas. Ang larawan ay buhat sa friend ko na bumisita sa Marinduque. Mamaya ibabahagi niya sa akin ang white beach na kanilang pinasyalan. Good morning sa ating lahat kaingay!

@Nengste

Noong linggo nakasama ko sa bahay ang aking dalawang apo na magkapatid, habang nanonood may nag poop up na advertisement na 3D pen, tapos narinig kong nag-uusap ang dalawa na gusto din daw nila magkaroon ng 3D pen. Ngayon umaga naalala ko pa ang kanilang pinag-usapan at sinubukan kong silipin sa Shopee ang presyo, may kamahalan pala😄 pero posibleng mabibili ni granny Nengste sakaling may bull run na mangyari ngayong May heheh..

@Nengste

Chicken Curry para sa pananghalian! Ang dish na nagmula sa Indian subcontinent. Nakalimutan kong bumili ng carrot para sa lutuing ito, mas colorful sana tingnan kapag may carrot. Hayahay si granny ngayong araw dahil napagod kahapon. Happy lunch time!

@Nengste

Bitcho-bitcho: Magluluto muna si granny Nengste ng meryenda. Ang Bitcho kaingay ay kilalang negosyo tuwing sasapit ang Disyembre, kasabay din nito ang negosyong Bibingka at Puto Bongbong. Maaaring ibenta ang Bitcho kahit sa labas lamang ng inyong tahanan. Sa kaso ni granny mas gusto ko kaingay na magluto ng Bitcho pangkain lamang namin, lalo na kung may available namang stock na harina. Ang nagpapasarap sa bitso ay ang paglalagay ng asukal at powder milk bago ito kainin.

@Nengste

Narito kaingay ang naluto ng Bitcho-bitcho! Late nang naipost ni granny dahil nawala sa isip ko sa panonood ng palabas sa t.v. Kaingay @MercyTzy dahil malakas kayo kay granny, narito ang mga sangkap at kung papaano gumawa ng Bitcho-bitcho. 3 cups apf ( all purpose flour) 3 kutsarang asukal 1 tsp instant yeast 1 cup water 1 tsp salt 1 egg 2 kutsarang oil Procedure - paghaluin ang mga sangkap - masahin - i rest ng 45 mins - 1hour - pagkatapos i rest masahin hanggang ito ay…

@Nengste

Good morning kaingay! Panibagong araw na naman para gumawa at magsimula. Ingat tayo sa maghapon. Gumawa muna ako ngayon ng tsaa dahil sumaskit ang aking balakang. Pandang lalaki at dahon ng Miracle fruit/ Calabash leaves ang ginamit ko kaingay, payo ito ng friend ko na umiinom nito na mahusay ito sa kidney. Sempre dahil Herbal mas safe na gamitin kaingay kaya naglaga na si granny. Enjoy your day kaingay!

@Nengste

Dahil sagana sa Malunggay ngayon, flex ko lang ang aming rice kaingay , hindi ko na tinadtad ang malunggay, hinalo ko na lamang ito sa naunab ng bigas bago lutuin. Happy lunch time tayo kaingay!

@Nengste

Ang init ng panahon kaingay, napakaalinsangan sa loob ng bahay. Kamusta kayo diyan? Ang init ng panahon ay nakakasakit ng ulo at nakasasama sa pakiramdam. Ingat po tayo kaingay lalo na yung mga may highblood pressure ngayon. Huwag po ninyo kalimutang inumin ang inyo gamot pang maintenance.

@Nengste

Takoyaki: Ang Korean street food na patok sa mga Pinoy, isa na diyan si bunso, kakadeliver lang ng rider. Meryenda muna tayo Kaingay!

@Nengste

Ang paboritong pulutan at ulam ng pinoy na mula sa Pampangga, ang Pork Sisig! Dito sa Bulacan kabi-kabila ang nagtitinda ng ganitong putahe lalo kapag pagabi na. Karaniwang tinatangkilik ng mga taong galing sa trabaho at wala ng oras para magluto. Mabenta rin ito sa mga manginginom dahil sa halagang 60 pesos may ulam ka na, may pulutan pa! Ang payo ni granny Nengste, eat moderately!

@Nengste

Positibong morning sa lahat! Maagang nakapamili si granny today sa labasan, mamaya magluluto uli tayo ng simpleng dish. Sa halagang 150 pesos may masustansyang ulam ka na. Maglilinis muna si granny bago igayak ang lulutuing ulam for lunch. Tinapay at kape sa umaga ay ayos na sa akin. Have a blessed Friday sa lahat!

@Nengste

Sinimulan ng hinanda ni granny Nengste ang lulutuin niyang Ginataang Papaya with Tinapa, hihimayin ko na lamang ang tinapa. Kailangan balance ang diet natin kaingay, iba-ibang putahe every day, Chicken and Pork kahapon, gulay naman ngayon. Mas makakamura tayo sa dish na ito kung mayroon tayong sariling tanim na papaya. Itong dish na ito ay hanggang hapunan na namin, tambalan na lang namin mamayang gabi ng pritong Sapsap na tuyo. Ipopost ko ito mamaya, kapag luto na.

@Nengste

Dahil sa init ng panahon, may inihanda ng malamig na panghimagas si bunso, dinagdagan niya ang bilang para daw may stock siya para hindi na siya lalabas para bumili sakaling manabik kumain ng Ice-cream.

@Nengste

Luto na kaingay ang Ginataang papaya! Share ko sa inyo kaingay ang photo habang ginigisa ito at ang finish product. Pinakuluan muna ni granny ang papaya bago igisa, para sa akin kase, mas mabilis ang proseso nang pagluluto kapag ganito ang aking ginagawa. Sinisigurado ko kaingay na hindi ma over cooked ang papaya para mas maenjoy natin kainin. Happy lunch time kaingay!

@Nengste

May isa akong apo, labing isang taong gulang, babae na mahilig magbubuting ting ng kung ano-ano tuwing tanghali habang tulog ang kanyang ina, ang huling ginawa niya ay isang sandalyas na naibahagi ko noon dito. Ngayon po ay may ginawa na naman siya at ipinakita niya ito sa akin sa pagsend ng photo via messenger, palagay ko magiging isang jewelry designer itong apo ko pero bukod dito kinagigiliwan niya rin ang pag drawing at pagluluto.

@Nengste

Tips Para Mabawasan ang Timbang • iwasang kumain ng junkfood • iwasang kumain ng matatamis, halimbawa biscuit na may mga palaman, cake, softdrinks. • bawasan ang dami ng kanin na iyong kinakain, tamang dami lamang. •ang sabi ng ilan mahusay magpapayat ang saging na saba at na maaari rin itong ipalit sa kanin. • iwasang kumain lagi ng mga pagkaing may mayonaise at cheese, nakakataba rin ito kaingay • mag-ehersisyo 10 to 15 mins 3 times a week Mahalagang maging pursigido at…

@Nengste

Wala tayong kontrol sa init ng panahon ngayon, wala din magagawa ang panay reklamo natin, nagdudulot lamang ito ng ikakastress natin, pero may mga bagay pa rin sa ating paligid na nagbibigay aliw, halimbawa itong nadaanan kong halaman na puno ng magagandang bulaklak. Buti na lang dala ni granny ang kanyang cp, always ready magpicture-picture. Malapit na namang lumubog si haring araw kaingay, ingat sa mga uuwi galing trabaho.

@Nengste

Sapsap na tuyo at gulay kaingay ang hinapunan ni granny, tamang-tama ang alat ng tuyo sa ginataan. Noong kabataan namin hindi nawawala ang tuyo sa basket na nakasabit sa bubong namin. Kaway-kaway sa mga nakaranas! Basket ang refrigerator namin noong panahon ni kopong-kopong. Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Lucky pick ako ngayon sa paraffle ni Kryptodenno, he is a generous german guy sa Blurt. Ang reward ay 5,000 blurt power delegation for one month. Although hindi ako active sa pag create ng content doon, pero active naman ako sa pagcurate kaya malaking bagay din itong pagkaroon ng karagdagang 5000 blurt power sa aking Blurt account, makakatulong din kahit papano.

@Nengste

Magandang Saturday morning kaingay! May ibinahaging larawan sa akin ang aking friend, kinunan niya mula sa isang lugar sa Marinduque, medyo hindi kami nakapag-usap mabuti marahil sa signal o marahil super nag eenjoy siya sa lugar. Ang huling kwento niya bukas sila babyahe pauwi. Anong masasabi ninyo sa view kaingay?

@Nengste

Luyang dilaw: Ito ang ginawa kong tsaa ngayon palit sa kape at gatas. Nag try akong uminom nitong fresh luyang dilaw, may kakaibang amoy nga lang parang gamit na medyas o kaya ay basang balahibo ng aso pero yung lasa ay okay naman wala namang kakaibang lasa kahit hindi ko na hinaluan ng asukal.

@Nengste

Tilapya: Ito ang isdang patok lutuin pag may inumam, pampulutan, ito din ang isdang karaniwang binabaon sa tuwing papuntang beach upang doon lutuin. Iba-ibang luto ang pwedeng gawin sa Isda na ito, prito,gagataan,paksiw,sinabawan,sweet and sour atbp. At ito ngayon ang aming ulam, inihaw na Tilapya na may sawsawang toyo,kalamansi at sili. Tara na Kaingay, kumain na tayo habang mainit-init pa ito, pagpapala mula sa isang Good Samaritan.

@Nengste

Flex ko kaingay ang pusang si Negro, init na init sa summer heat kaya nasa loob ng bahay. Kampanteng nakahiga sa sahig, kung sabagay kaingay, tulog at kain lamang talaga ang kanyang ginagawa araw-araw. Si Negro ay isang 2 years old Puspin o Pusang Pinoy, walang breed o lahi. Si Negro ay isang galang pusa, nawawala ito ng 2-3 araw pag umuwi naman ito ng bahay, amoy basurahan na ito, kaya nagpasya silang ipakapon at itali na lamang sa labas ng bahay kapag umaga at pakawalan…

@Nengste

Anong ganap natin ngayon kaingay? Nga pala may ibabahagi ako sa inyo, isa na namang magandang tanawin. Ang larawan na naipost ko kaninang umaga at ngayon ay mula sa bayan ng Tres Reyes, Marinduque, ito ay isang white sand beach, ayon sa friend ko na nagliliwaliw ngayon doon. Maghahanap muna si granny ng pwedeng iluto, late dinner na kami kaingay. Sana naging mabuti ang maghapon ninyo.

@Nengste

Para Paraan: Late post! Dahil may dahon ng kamote sa refrigerator at itlog, solve na ang hapunan namin. Para sa nagtataka kung anu ang isang dahon sa picture, kutsay ito kaingay, pinitas galing sa nakapasong tanim ni granny Nengste. Ang tawag sa dish na ito ay "para-paraan." Nakuha ang pangalan dahil paraan lamang ito ni granny para di na lumabas at maghanap ng ulam, kung ano na lamang ang available sa bahay na maulam Haha..

@Nengste

Halina na't magpakaabala Halina na't magpakasaya Hindi sa trabaho Kundi dito sa Noise, o diba? Araw-araw mong kasama Malilibang ka talaga, Samo't saring good vibes post ni kaingay updated ka. Good night post ni granny sa lahat. Bukas ulit kaingay!

@Nengste

Umagang kay ganda kaingay! Linggo na naman, tara at sumamba tayo ngayong umaga. Magpasalamat at matuto sa mga aral na mapakikinggan, isaisip at isapuso upang ang kaisipan ay maging may gulang (matured) Mamaya uli kaingay. Nagmamagandang umaga muna si granny sa lahat!

@Nengste

Sariwang gulay kaingay, nabili ni granny Nengste bago umuwi ng bahay. Bulaklak ng kalabasa, kalabasa, okra, gata at tinapa. Pahinga lang ako ng konti, magrerecharge lang ng energy dahil mamaya ay iluluto ko na ito para sa pananghalian. Kamusta kayo kaingay?

@Nengste

Sino po dito hindi pa nananghalian? Marami po akong nalutong ulam kaingay tara po at makisalo kayo, masarap pagsaluhan ang pagkain kapag maraming kasama. Naalala ko kaingay noong aking kabataan , kapag nakikikain kami sa bahay ng isang kaibigan ang sarap ng kainan. Ang ulam lang naman kaingay ay nilagang talong,sitaw, kabay na sinawsaw sa bagoong isda na may kalamansi at sili pero nag aagawan pa kami. Bigla ko lang naalala kaingay. Pasensiya na at nag tu-throwback thursday…

@Nengste

Ba't kaya may panahon na nakakatamad kumilos? Ang sarap lang humiga at magbasa ng post dito sa noise.cash , tulad ngayon kumakaway ang gawain pero hindi ko pinapansin. Na feel nyo rin ba ito kaingay? Ibig sabihin pala hindi sa lahat ng panahon ay motivated tayo, tipong walang ganang gumawa ng gawain pero hindi naman ibig sabihin tamad tayo. Magkaiba naman ang tamad sa walang gana, wala sa mood. Paano ko ba ipaliliwanag? Share ko lang ang nadarama ko today kaingay.

@Nengste

Duhat: Isa sa mga prutas na hindi ko gustong kainin ay itong Duhat o Java Plum sa English, bukod sa mapakla,dumidikit pa ang kulay nito sa ngipin. Binigay ito ng aking kumare, tinanggap ko kahit na hindi ko gusto, nagbaka sakaling magustuhan ito ni bunso, pero hindi rin pinapansin ni bunso kaya itatapon ko na po ito at nabubulok na rin.

@Nengste

Flex ko lang itong pagpapalang natanggap ko, Banana loaf, Brownies, at Pinipig granola. Nag-iisip pa naman ako kanina kung anong mameryenda tapos biglang nasorpresa nang dumating ang nagdala sa mga ito. Nakalibre kami ng snacks ngayon at syempre natuwa ako dahil paborito ko itong banana bread, pasalamat pa rin tayo na kahit mahal na ang mga bilihin ngayon, meron pa rin tayong kakilala, kaibigan na handang magshare ng kanilang pagpapala sa iba.

@Nengste

Nauna nang natulog si Negro kaingay, napagod sa maghapon pa ding pagtulog. Mag gogood night post na muna si granny Nengste sa lahat. Ang sarap na ng tulog ni Negro nakatakip pa ang mukha. Goodnight kaingay bukas uli sabay-sabay tayong mag-ingay!

@Nengste

Final good night post ko na talaga ito Kaingay, kaya hindi pa ako natulog kasi every weekend, ang 7 days earnings ko dito kay noise ay nililipat ko from my Bitcoin.com wallet to Coins.ph wallet. Ito po ishare ko sa inyo kung magkano ngayong week ang aking earnings.

@Nengste

Good morning! Unang araw ngayon ng aking bunso na anak pumasok sa trabaho onsite ( Quezon City office) dahil required na daw kaya medyo makakatipid ng kunsumo sa kuryente dito sa bahay, umpisa ngayong araw ngunit malaki din kabawasan sa kanyang sahod ang pamasahe niya araw-araw at pagkain tapos pagod pa siya sa biyahe, kahit ganoon pasalamat pa rin dahil may trabaho pa rin siya. Sa mga papasok sa trabaho, ingat kayo!

@Nengste

Makulimkim ang panahon dito kaingay, paboritong panahon ni granny dahil hindi mainit at hindi malamig, tama lang. Magsisipagsipagan muna si granny kaingay para mamaya dito na uli ako sa noise. Nasa mood na akong gawin ang mga naiwang gawain kahapon, alam n'yo naman tayong mga Team bahay , unlimited ang gawain.

@Nengste

Pechay: Late post, Alam nyo ba kaingay na ang Petchay ay nagtataglay ng anti cancer properties at mayaman sa iron ,magnesium, zinc at mahusay sa ating mga buto. Madalas itong inilalagay sa nilaga, ginisa o maaaring iprito at lagyan ng kaunting toyo. Nakakatulong din ito pampapayat dahil mababa lamang ito sa calories. Sa pag-gisa kaingay no need ng lagyan ng tubig ito dahil naglalabas na ito ng sariling tubig habang niluluto.

@Nengste

Red day ngayon ang crypto market, best time to buy daw ito kasi ang laki ng chance para makaprofit ng malaki once na tumaas ulit ang crypto, sabi nga nilang mga professional trader, buy crypto when the value is low, and sell when the value is high, paano yan, isa ako sa walang pambili😊 wait ko na lang mag 20k si bitcoin cash para makapitas.

@Nengste

Guyabano Leaves Ito naman kaingay ang gagawing tsaa ni granny. Iniba-iba ko na kaingay para hindi ako magsawa sa lasa ng luyang dilaw. Pang dalawang araw ko na ito kaingay, sana sa susunod pandan naman at avocado kung papalarin na makakita. Ang goal ko ngayon ay maging healthy at iwas kape

@Nengste

Nakapaghapunan na at katatapos lang din sa pag-urong ng mga hugasin. Habang nagpapababa ng kinain, andito ako ngayon nakatambay sa harapan ng bahay dahil mahangin, ang sarap ng dampi nakakaginhawa.

@Nengste

Good night na sa lahat kaingay, bukas uli tayo mag ingay dito, bagay pala talaga ang pangalan ni noise dahil maingay tayo sa maghapon. Di bale, super enjoy naman tayo lahat sa ganap ng bawat isa. Mas maganda ang platform ni noise.cash kesa sa iba, good vibes lang dito walang nega. Kita kitz po uli tayo bukas, Huwag po tayong mananawa sa kakapost, may earning man o wala. Tuloy lang po tayo sa kasipagan sa pagpopost. Mag aani rin po tayo sa katagalan ng pagsisikap natin, good…

@Nengste

Brown out dito ngayon kaingay buti na lang may Data load ako ngayon. Ang init ba naman kapag brown out tapos susunod mawawalan ng tubig kaya nag-ipon na si granny Nengste ng tubig sa drum. Napapansin ko ang dalas mawalan ng kuryente ngayon. Goodmorning sa lahat!

@Nengste

Sayote day ngayon si granny, gigisahin ko lang ito kaingay. Ang Sayote nga pala ay nagtataglay ng dietary fiber, phosphorus, potassium, vitamin C at choline. Mahusay ang gulay na ito sa mga nagbabawas ng timbang dahil wala itong cholesterol. Kaya sa mga nag da diet isama na ninyo ito sa listahan kaingay ang Sayote. Ang totoo plain lang naman talaga ang lasa ng Sayote. Karaniwan na hindi ito pinapansin sa mga lutuin , pero paborito kong gamitin ang sayote sa tinola lalo na…

@Nengste

New Design ng Sandals! Gawa ng apo ko ulit kaingay, ang gamit naman niya ngayon ay colored paper, feather na violet , double adhesive, scotch tape, glue stick at glue gun. Anu naman kaya sa susunod ang gagawin niya? Napansin niyo po ba na hindi nakikita sa profile ang mga bagong post at saka hindi makareply o komento sa post? Pero nakikita sa notification ang mga post na bago kaso pag inopen naman, ibang post ang nakabungad. Sa ngayon nagpapaantok si granny. Sana makaidlip…

@Nengste

Nagpost ako kanina hindi ko po sigurado kong successful ba yon kasi, ganito ang naging itsura niya parang hindi na posted tapos sinubukan ko ulet ipost tapos ito ang naging tugon ng system. Hangang ngayon hindi ko pa nakikita ang aking post kaninang umaga. Sinilip ko ang profile ni talking noise.cash ngunit wala akong nakitang new update tungkol sa nangyayari ngayon.

@Nengste

Nagising lang ako ngayon para tanggalin sa pagkacharge ang selpon nang naisip ko na sumilip dito, salamat at naopen ko na ang notification at napupunta sa tamang content at nababasa na rin ang mga comment saka lumilitaw na rin ang mga bagong post. Magandang umaga sa mga gising pa dito.

@Nengste

Ipost ko po ulit itong content tungkol sa ginawa o panibagong butingting ni apo. New Design ng Sandals! Gawa ng apo ko ulit kaingay, ang gamit naman niya ngayon ay colored paper, feather na violet , double adhesive, scotch tape, glue stick at glue gun. Anu naman kaya sa susunod ang gagawin niya? Magandang umaga!

@Nengste

Lakatan Ang Lakatan ay isang uri ng saging karaniwang ginagawang panghimagas o sinasama sa paggawa ng tinapay. Ang saging ay kilalang good source ng fiber at antioxidants, siksik din ito sa vitamins at minerals na kailangan ng ating katawan. Sagana rin ito sa fiber na nakakatulong sa mga gustong magbawas ng timbang. Paboritong kainin ng marami at isa na akong mahilig kumain nito, kaya kong ubusin ang isang piling maghapon, ganyan ako katakaw sa saging.

@Nengste

Nga pala nagpabudol ako kay Shopee, ito ay isang tv swing wall bracket, at natanggap ko na kahapon, ngunit hindi pa nakabit dahil inaantay ko magkafree time ang husband ng aking panganay na anak baka sakaling sa linggo pa ito makabit pag hinatid niya dito sa linggo ang dalawa kong apo. Syempre pumitas muna ako sa bitcoin cash wallet mula sa earnings ko kay noise sa pambayad. Thank you @noise.cash🙏

@Nengste

Sayote day ngayon si granny, gigisahin ko lang ito kaingay. Ang Sayote nga pala ay nagtataglay ng dietary fiber, phosphorus, potassium, vitamin C at choline. Mahusay ang gulay na ito sa mga nagbabawas ng timbang dahil wala itong cholesterol. Kaya sa mga nag da diet isama na ninyo ito sa listahan ang Sayote. Ang totoo plain lang naman talaga ang lasa ng Sayote. Karaniwan na hindi ito pinapansin sa mga lutuin , pero paborito kong gamitin ang sayote sa tinola lalo na kapag…

@Nengste

Doll Shoes Ang tawag dito kaingay ay Origami. Pamilyar ang marami sa swan na origami dahil ito ang kadalasang ginagawa ng marami pero dahil sa teknolohiya ng internet at social media makikita na marami palang pwedeng gawin sa pag paper folding katulad nitong doll shoes na natutunan gawin ng aking apo mula sa kapapanood sa youtube.

@Nengste

Dahil work onsite na ngayon si bunso, naisip ko na magluluto ng ulam na kanyang babaunin kasi naekwento niya kagabi na sa KFC sila ng kaopisina niya kumain ng lunch at sa kwento niya parang nabasa ko ang kanyang isip na gusto na niyang magbaon kaya heto po inihahanda ko na ang aking lulutuin, dalawang dish ang naisip kong gawin, itong malalaking hiwa, gagawin kong fried chicken at itong maliliit ang hiwa naman ay gagawin kong adobo. Lulutuin ko una ang adobo tapos imarinate…

@Nengste

Diet tayo kay noise kaya mahina at mabagal ang distribution, minsan may mga time sa buhay natin na kinakapos tayo dahil kulang at hindi sapat ang kita sa trabaho para matugunan ang pangangailangan ng pamilya, kaya hindi tayo nakapagextend ng blessing sa iba, tuloy lang ang buhay lalo pang magsumikap, huwag huminto, magtiyaga lang tayo hanggang matagpuan natin ang kaginhawaan sa buhay. Magandang gabi!

@Nengste

'Maari tayong masaktan sa ating nakaraan, maaari mo itong takasan o maaari kang matuto mula dito kaingay! Wala naman taong gustong masaktan, hindi ba? Pero hindi natin maiwasan ito dahil sa napakaraming dahilan. Dalawang bagay ang pwedeng maging resulta kapag lagi tayong nakadarama ng sakit. Una, maaari tayong maging "mapait" o bitter tayo sa buhay. Pangalawa, maaari tayong matuto dito. Tanggapin ang mga bagay na tapos na. Huwag ng balik-balikan para hindi sumasariwa ang…

@Nengste

"Set a goal that makes you want to jump out of bed in the morning." Good morning to all, rise and shine! Parang si noise ang isa sa nagiging motivation ko araw-araw. Check dito, check doon Update dito, update doon Post dito, post doon Tip dito, tip doon Maganda ang araw ngayon huwag lang iinit ng husto ang panahon.

@Nengste

Mt. Masaraga: Nagkamustahan kami ng aking friend kaninang umaga at may ibinahagi na nman isang magandang tanawin sa kanilang lugar ito ay ang Mt. Masaraga na makikita sa siyudad ng Ligao, Probinsiya ng Albay, Bicol region, ito ay isang inactive volcano. Napakahusay kumuha ng litrato ang aking friend, Ang ganda! Ang ganda naman talaga ng lugar nila kaingay, kapag po ininvite ako nito sa kanila baka sakaling tatanggapin ko.

@Nengste

Summer Time Noong wala pang pandemic kapag ganitong panahon ay abala na ang lahat sa pag seset ng plano para sa summer vacation. Pinag-iisipan na ng mga mahihilig magtravel kung saan sila pupunta, kailan pupunta, ano ang mga ihahanda. Ang sarap nga namang mamasyal kaingay lalo na kung ganito naman kaganda ang makikita pagdating sa lugar. Para sa mga naninirahan sa siyudad at probinsyang malalayo sa pasyalan at magagandang lugar, magandang experience na ang makarating sa mga…

@Nengste

Napakaalinsangan na hapon sa lahat! Sinubukan kong matulog ngunit hindi nagawa dahil nga po ang tindi ng init kaya bumangon na lang ako dahil hindi din komportable sa higaan ang init at pinagpapawisan pa rin kahit na nakatapat sa bentilador. Meryenda time na kaingay!

@Nengste

Bumili ako kaingay ng luyang dilaw 2 kilos ito sa halagang 45 pesos isang kilo. Susubukan kong gumawa ng turmeric powder bukas para mag stock dito sa bahay, masarap din kaseng itong turmeric powder ihalo sa gatas. Mga ilang buwan ko rin ito maubos inumin.

@Nengste

Leche flan Patok na gawing negosyo ang ganitong dessert kaingay dahil tuwing may okasyon lamang karaniwan itong makikita. Pero dito sa Baliwag may mga ilang nagbebenta nito online sa halagang 4 for 100 , kaya ang kada piraso ng masarap na dessert na ito ay nasa 25 pesos lamang ang isa. Afford na afford bilhin ng mga mamimili at kahit walang okasyon matitikman na nila ang makremang lasa nito at hindi sa pinagmamalaki, ang sarap ng kanyang timpla hindi malansa dahil lasang…

@Nengste

Insomia strikes again, kaya nagawang magcheck ulet ng mga ganap sa online world. May gising pa kayang Pinoy sa oras na ito? Hindi man lang ako dinalaw ng antok, baling dito,tatalikod, dadapa, ayaw talagang tablan ng antok.

@Nengste

Buti nagising ako sa pagtunog ng alarm ni bunso kahit na madaling araw na ako nakatulog. Ito nagayak ko na ang pack lunch ni bunso, at pinapalamig muna ang bagong lutong kanin bago takpan, binukod ko na ang kanyang ulam na fried chicken dahil hindi kasya sa ginamit na lunch box. Pagkaalis niya matutulog ulet ako. Magandang umaga.

@Nengste

Narito kaingay ang 2 kilos na Luyang Dilaw na gagawin kong turmeric power. Magkaiba po ang Salabat at Turmeric. Ang Salabat po ay mula sa luyang maanghang na karaniwang ginagamit sa lutuin bilang pantanggal lansa sa ulam at pampalasa. Ang turmeric naman po ay luyang dilaw kung tawagin sa atin. Karaniwang ginagamit bilang herbal na gamot at ginagawang tsaa ng matatanda. Para sa nagtatanong kung paano gumawa ng turmeric powder narito ang proseso. - hugasan ang luyang dilaw at…

@Nengste

Sinigang na Salmon Flex ko lang kaingay itong nabili kong ulam para sa pananghalian. Tamang tama ito kay bunso, makakahigop ng mainit na sabaw mamayang gabi pag-uwi niya galing work, lalong masarap ang kain nito pag meron sawsawan na patis na may sili. Inorder ko nga pala yan kahapon para lutuin ngayon, para maiba naman. Minsan ang ulam paulit-ulit, nakakasawa din, kaya hindi na natin naappreciate ang lasa.

@Nengste

Natapos ko nang lutuin ang kinatas na luyang dilaw, mga tatlong jar ang mapupuno nito, sa mga nagtataka kung paano ko ito ginawa, pacheck na lang po ang naunang post ko kanina. 1120 grams ang nagawa sa 2 kilos na luyang dilaw at 1 kilong brown sugar. Good na ito kaingay for 5 months, para na akong uminom ng milk tea kapag inihalo ito sa gatas, gustong gusto ito ng 6 years old kung apo.

@Nengste

Umulan saglit dito sa aming lugar ngunit nagtagal lang ng ilang minuto at ngayon ay lalong uminit. Paghinto ng ulan, lumabas ako at naghanap ng mameryenda at ito ang aking nabili, bagong luto kaya nakakatakam, naubos ko na ang isang tuhog. Meryenda tayo!

@Nengste

Napabili si granny ng sitaw kaingay sa naglalako, siguro mas matanda sa akin ang nagtitinda, malakas pa po siya kahit may edad na, kwento niya sariling tanim daw nila ito kaya kumuha na ako ng apat na tali, 10 pesos lang ang isa, gagawin ko itong Adobo ulam namin bukas. Wala talagang pinipiling edad ang kasipagan kahit kainitan lumabas pa ng bahay para lang magtinda at mapipilitan talagang ilako dahil nga kailangan gawing pera para may pambiling bigas o ano pang…

@Nengste

May pinuntahan ako kanina at nang pauwi nakakita ng Pakwan at Lakatan na saging dahil ibinigay ng 50 pesos ang halaga ng 2 kilong Lakatan at 50 pesos din ang isang pakwan kaya nigrabbed ko na, nakajackpot ang mura! Hinati ko na ang pakwan at kinain ngayon at nilagay naman sa fridges ang kalahati para bukas. Kain po tayo!

@Nengste

Food night kaingay! Este good night na po. Nabusog po kasi ako sa kinain kong prutas. Sana lagi tayong nakakabili ng murang prutas para may dagdag na suplay tayo ng sustansya sa katawan araw-araw. Ang mahal kase ng prutas kaya hindi tayo maka afford minsan bumili lagi nito. Sagana ang pagkain pero kulang tayo sa pambili. Sa ulam lang sa maghapon ang lakas ng kumunsumo sa gastos. Ba't ba ako nagsesenti? Good night na kaingay! kita-kita tayo bukas ulit dito kay noise.

@Nengste

Tanghali na ako nakasilip dito dahil naiwan ko palang bukas ang selpon kagabi, usually inooff ko yan bago matulog kaya nang hinawakan ko kanina para magcheck online sobrang lowbatt na. Almusal tayo!heto pritong saging na saba. Kamusta naman ang tulog niyo kaingay?

@Nengste

Piñasarap na tanghalian kaingay! Matamis na pinya sa ating lahat. Kahit mainit ang panahon na enjoy ko namang kumain gawa ng matamis ang pinya. 3 for 100 sa amin kaingay, maliit lang pero matamis. Ang pinya ay kilalang prutas na karaniwang matatagpuan sa Pilipinas. Sagana ito sa fiber at antioxidant , mahusay itong panlaban sa ubo at sipon. Nakakapapatibay rin ito ng buto at nakakatulong sa ating digestion. Happy siesta kaingay, idlip muna si granny!

@Nengste

Yung apo kong 11 year old, babae siya na mahilig magbubutingting tuwing hapon habang natutulog ang mama niya at kapatid na 6 years old. Kung minsan drawing ang pinagkaabalahan, paggawa ng sandalyas, hikaw at kung anu-ano pa. Ngayon ang trip niya ay paglalaba, nakakatuwang apo kaso hindi ako sigurado kung matutuwa din ang kanyang ina.

@Nengste

Meryenda tayo kaingay! Gumawa ng mango pie ang kapitbahay namin, tikman ko daw kung masarap. Sabi niya habang niluluto ito, yung asukal sa loob lumalabas kaya may caramel sa dough. Kakahango lang mula sa kawali ng inabot sa akin kaya hindi ko pa natitikman dahil mainit pa ito. Mukha namang masarap, at nangangamoy mangga.

@Nengste

Sa pagbabasa ko sa conversation namin ng friend ko nakita ko itong minatamisang kundol na niluto niya noon. Natawa ako kase sabi nya nagkakanda hirap siya sa pagluluto mula sa pagbabalat hanggang sa paghahalo. Kaya bihira na lang talaga ngayon ang nagluluto ng mga nakagisnan nating pagkain noon, kase matagal gawin at mahirap pang lutuin. Mas na enjoy ng lahat ngayon ang mga pagkaing madali lang lutuin, gaya ng french fries,siomai,fish ball,kikiam at kung ayaw mong magluto sa…

@Nengste

Pinagprito ko na lang ng hotdog si bunso dahil ang niluto kong ulam kanina ay saluyot, ayaw niya ng saluyot dahil madulas daw ito. Hindi kasi pinanganak ang bunso ko sa probinsiya ng tatay ko kaya hindi niya kinalakihan ang pagkain ng saluyot.