Paper Bracelet Dahil 2 years na nasa bahay lamang ang mga bata kaingay, maraming pagkakataon na nakadadama sila ng pagkainip. Likas sa kanila ang pagiging matanong, mainipin, maiksi ang pasensya, malikot ang imahinasyon, masigla, at mahilig magkalikot ng mga bagay-bagay katulad ng aking mga apo, minsan nagsusumbong na ang kanilang ina sa akin na naiinis na siya sa kakaligpit ng mga kalat. Ang totoo, parte ito ng kanilang development. Kapag napapansin natin kaingay na meron silang ginagawa na sa wari natin na wala namang sense at parang pag-aaksaya lamang at pagkakalat, gaya ng pagpipinta, pagbubuo-buo ng mga bagay-bagay, pag-guhit at pagkukulay, paggugupit, hayaan lamang natin sila. Hindi nga ba tayo rin ay naiinip minsan kaya naghahanap tayo ng magagawa natin, katulad din natin sila. Tandaan natin na ang kaisipan natin at kaisipan ng bata ay hindi magkatulad mas kailangan nila ng higit na pang-unawa kahit pagod na tayo sa maghapon.
1 comment
Tama po momsh. Ang mga anak ko mahilig mag kutkot ng mga art materials hehe. Nag gagawa sila ng mga laruan nila gamit ang mga luma o pinag gamitang papel, minsan mga props sa kanilang mga laruanan. Kaya nakakatuwa po kasi nagiging creative sila madalas kapag wala po akong work nakikisali din ako sa kanila