read.cash Log in
@Nengste more from that month

Narito kaingay ang naluto ng Bitcho-bitcho! Late nang naipost ni granny dahil nawala sa isip ko sa panonood ng palabas sa t.v. Kaingay @MercyTzy dahil malakas kayo kay granny, narito ang mga sangkap at kung papaano gumawa ng Bitcho-bitcho. 3 cups apf ( all purpose flour) 3 kutsarang asukal 1 tsp instant yeast 1 cup water 1 tsp salt 1 egg 2 kutsarang oil Procedure - paghaluin ang mga sangkap - masahin - i rest ng 45 mins - 1hour - pagkatapos i rest masahin hanggang ito ay magsmooth - i rest uli ng 30 mins para mag react ang yeast. - at masahin ng 5 mins pa, pagkatapos hiwain sa nais na hugis at haba. - kapag handa na i deep fry lamang ito. At hanguin kapag golden brown na. - kapag luto na , ilagay sa malinis na lalagyan at maglagay ng saktong dami ng asukal at gatas at haluin. Mga Dapat Tandaan •Siguraduhin lamang kaingay na bago ang yeast na gagamitin para makuha ang ninanais na resulta. •Sa pagluluto ng tinapay tandaan na kailangan ng mahabang pasensya para sa pagrerest ng dough. Mas mainam kaingay na ihanda na ng maaga ang paghahalo at pagrerest ng dough ilang oras bago lutuin. Para maiwasang madaliin ang paggawa. •Tandaan rin kaingay na gumamit ng tamang mga sukat sa paggawa, makabubuting sundin ang mga sukat ng mga sangkap para sa magandang resulta. Happy cooking!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.