Magandang morning kaingay, Nakakuha ako ngayon ng fresh na malunggay. Libre lamang ito kaingay mula sa mabait na kapit-bahay. Ang presyo ng malunggay sa palengke ay 20 pesos isang tali. Nakatipid na ako ng 20 pesos ngayong umaga. Sa nakaraang post ko, ang malunggay ay inilalagay ng anak ko sa gatas ng kanyang mga anak at sa kanin.( maaari ninyong tingnan ang mga naunang post) Inihahalo rin niya ito kaingay sa ulam. Ang malunggay ay sagana sa Bitamina C na makakapagpalakas ng ating Immune System upang makaiwas sa sakit. Meron din itong Bitamina E na nakakapagpaganda ng kutis. Mayaman din ang malunggay sa nutrisyon, calcium, mineral, amino acid at marami pa. Maaari ninyong iresearch para sa dagdag na impormasyon. Magandang umaga!
2 comments
Tama po momsh. Masustansiya po talaga iyan. Naalala ko nung buntis din po ako madalas ang pinaglagaan ng malunggay ang madalas kong gawing tubig.
bnbli pala sainyo yan ate