read.cash Log in
@Nengste more from that month

Hello kaingay! Heto na po niluluto na ni granny Nengste ang kanyang dish sa araw na ito, ang "Tinolang Manok." Para sa mas malasang tinola, damihan lamang ang igigisang luya, sibuyas at bawang, mas maraming ilalagay mas lalo pa nitong pinapasarap ang sabaw, bukod pa diyan, makakakuha pa tayo ng dagdag na sustansiya sa mga extrang gulay na isasahog natin katulad ng papaya, sayote,dahon ng sili, malunggay at iba pa. At syempre tamang dami lamang ng tubig na pansabaw ang ilagay para mas lalo itong malasa, ika nga "sabaw pa lang ulam na." Tandaan, wag magtitipid sa sangkap para ang luto ay masarap! Happy cooking sa lahat!

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.