Tara na't magluto kaingay ng Tortang Talong na may dahon ng Malunggay. Sangkap Talong Itlog Sibuyas Bawang Malunggay Asin Paminta, Mantika. Procedure: - ihawin ang talong. - habang nag-iihaw ng talong hiwain ang sibuyas, bawang at malunggay - ihanda ang gagamiting itlog at lagyan ng tamang dami ng asin at paminta, kapag tapos nang ihawin ang talong ay ilagay ito sa plastic habang mainit pa para makulob ang init at mag-moist ang talong, ang dahilan ay upang mas madaling tanggalin ang balat ( ang kaalaman na ito ay mula kay Chef Logro) Proven at tested ko na kaingay, Legit siya. - kapag handa na ang lahat, gawin lamang ang nakagawiang paraan ng pagluto ng talong, ibudbod ang bawang, sibuyas at malunggay kapag isinalang na ang talong na may itlog sa kawaling may mantika, upang tiyak na kakapit ang pampalasa sa iniluluto. Tandaan, wag magtitipid sa sangkap para ang luto ay masarap! Happy cooking!
No comments yet