Dahil work onsite na ngayon si bunso, naisip ko na magluluto ng ulam na kanyang babaunin kasi naekwento niya kagabi na sa KFC sila ng kaopisina niya kumain ng lunch at sa kwento niya parang nabasa ko ang kanyang isip na gusto na niyang magbaon kaya heto po inihahanda ko na ang aking lulutuin, dalawang dish ang naisip kong gawin, itong malalaking hiwa, gagawin kong fried chicken at itong maliliit ang hiwa naman ay gagawin kong adobo. Lulutuin ko una ang adobo tapos imarinate na muna itong pang fried.
3 comments
mang toms nalng nag ipadala mo sa knya instead of gravy mas ok na din ang mang tomas na sawswan, sigurado mas masisisyahan ang anak mo niyan
Sana all may maasikasong Lola hehe ako kase both sides wala nang Lola at lolo.
Sweet talaga ng moshie na yan! Siguro po, super proud ang mga anak ninyo sa inyo!