read.cash Log in
@Nengste more from that month

Kanina nanood ako ng video kung paano palalakasin ang Immune System at nais ko na ibahagi sa inyo ang natutunan ko. Pero sempre makakatulong din kung meroon tayong healthy environment katulad ng view na nasa picture. Ito na kaingay ang natutunan ko. 1. Mag-ehersisyo tatlong beses isang linggo 10 to 15mins, upang mag circulate ang dugo, hindi kailangang biglain ang katawan para gawin ito, unti-unti lang kaingay. 2. Panatilihin ang tamang timbang base sa edad at taas. 3. Manage ang stress. Tanggalin ang stress o umiwas sa mga bagay o tao na nagbibigay ng ika stress. 4. Ugaliang magtakda ng masusustansiyang pagkain at kumain ng tamang dami lamang. 5. Magkaroon ng sosyal na aktibidad sa iba. Makipagkwentuhan. 6. Mahalaga ang kompletong tulog. 7. Umiwas sa madalas na pagkain ng mga pagkaing may preservatives. Yun lang kaingay, Magandang hapon! Ang photo ay galing sa aking kaibigan at may pahintulot na pwede kong ibahagi dito.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.